Chapter 3---
Dasom POV
Naglalakad kami ngayon ni Key at baby Damiel sa school garden.Napagpasyahan kasi namin na igala si Damiel.
Buhat ni Key si Damiel.
"Upo muna tayo." sabi ko at naupo kami sa isang bench.
Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko yung ibang classmate ko na naglalaro kasama yung mga baby na dala nila.Yung iba naman ay kumakain.Ang cute nila.
"Dasom,sayo muna si Kezer.May nakalimutan kasi ako sa room natin." sabi ni Key at pinasa sakin si Damiel.
Umalis na sya at kami nalang ni baby Damiel ang naiwan dito.
Nilapag ko sya sa sahig habang nakaalalay ako.Ang cute nya.Haha.Mana ng kagwapuhan sa tatay.Nyek!
Bigla namang may lumapit sakin na babaeng naka-hood.Hindi ko makita yung mukha nya.
"Dasom,you're the mother of that baby.Nagka-amnesia kalang dahil sa aksidente." sabi nung babae at umalis na.
Bigla namang dumating si Rylie.
"Hi Dasom! Meet baby Paolo,pamangkin ni Andrew." sabi ni Rylie at pinabuhat sakin si Paolo at binuhat din nya si Damiel.
Hindi pa rin ako mapanatag sa sinabi nung babae kanina.Ako daw ang nanay ni Damiel? Imposible.
"Grabe Dasom! Kamukha mo talaga si Kezer.Hala! Baka ikaw nanay nito ah? Hahaha." biro nya pero kinabahan ako dun.
Ano ba yan! Ghad! Bakit ako kinakabahan eh alam ko namang hindi totoo.
"Oh Dasom? Natulala ka na?"
"Ha? Wala may naalala lang." sabi ko.
Biglang sumeryoso yung mukha nya at humarap sakin.
"Bakit?" kinakabahang tanong ko.
"Dasom,hindi ka ba nagtataka kung bakit hawig kayo ni Kezer?" seryoso nyang tanong.
"H-Hindi.Alam ko namang hindi ako ang n-nanay nya eh" sagot ko.
"Pero paano kung ikaw? May nangyari lang kaya hindi mo maalala?" tanong nya.
Naalala ko nanaman yung sinabi sakin kanina nung babaeng naka-hood.
You're the mother of that baby.Nagka-amnesia kalang dahil sa aksidente.
No.That's really impossible.
"Hindi naman siguro ako ang nanay nya.Coincidence lang siguro na kamukha ko sya." sagot ko.
"Hay Dasom.Hindi ko na alam kung ano ang nakaraan mo.Nung nakita kita sa hospital na puro galos,sinabi sakin ng doktor na nasagasaan ka daw ng kotse.Buti nalang at hindi malala pero ang lakas ng impact sa ulo mo kaya ka nagka-amnesia." nabigla ako sa kwento ni Rylie.
"Amnesia? But..."
"Sino ka ba talaga? Sabi lang ng doktor ay nakilala nya yung buong details mo dahil nakaipit sa wallet mo yung birth certificate mo.Tinago ko yun."
"Birth certificate? Nasaan?" tanong ko.
Sa mga oras na to,gusto ko na talagang makilalaung sino ako.Marami ng clue pero ayokong magpa-dalos dalos.
Binigay nya sakin yung birth certificate ko.
Nakalagay dun yung pangalan ko at address.
"Yung address dito,diba sa Portalejo Residence yun?" takang tanong ko.
"Oo.Akala ko coincidence lang yung apilyedo."
Nakalagay din dito yung pangalan ng parents ko.
Nagulat ako na may nakalagay doon na may isa na kong anak.
Ghad! Totoo ba to?
At nakalagay din dun na may fiancé ako pero walang nakalagay na pangalan.
(Hindi ko alam kung meron nun pero kunyari meron.Haha :P )
"R-Rylie? M-May anak na ko?" tanong ko.
"Siguro.Pero Dasom malalaman mo yan kung makakapunta ka sa address na yan." sabi ni Rylie.
---
Nandito na ko ngayon sa bahay ko.Kahapon lang ako nakauwi galing sa camping na yun at talagang nag-enjoy ako kasama si baby Damiel.Nakakalungkot lang na di ko muna sya makikita.
Tinignan ko yung hawak kong papel kung saan nakasulat doon yung address na nakalagay sa birth certificate ko.
Nag-ayos ako ng sarili ko at tinignan yung sarili ko sa salamin.
(See the picture at the side.Yan po si Dasom.Ganyan yung suot nya ngayon.)
Kinuha ko yung bag ko at hinawakan ko yung papel na may address.
Sumakay ako sa taxi para pumunta doon.Malapit lang naman yun sa bahay ko.
Dito ako binaba ng taxi sa pinakagate nung residence.Kumbaga yung parang kanto nya.
Lalapit palang ako sa guard na babae nung magsalita ito.
"Mam Dasom? Oh my god!! Mam!" sigaw nya at dali-daling tumakbo sakin para yakapin ako.
"Ah eh.Excuse ho,sino po kayo?" tanong ko.
"Mam? Hindi nyo ko kilala? Ako po to si Guard Leny." sabi nung guard pero di ko talaga sya maalala.
"Sorry ha.Pero di talaga kita kilala eh.Teka,alam mo ba kung saan tong address na to?" tanong ko.
"Ay mam lika po.Ihahatid kita sa bahay nyo.Sumunod po kayo." sabi nung guard.
Ghad?! Bahay namin? Ibig sabihin ba nun may mga magulang pa ko?!
Huminto kami sa isang bahay-- no mansion to.Ang laki eh tapos pamilyar din sya.
"Mam dyan po ang bahay nyo teka.." sabi nya at dinukot yung phone nya.
Maya-maya ay may lumabas na isang magandang babae na may edad na at nagulat ito nung makita ako.
"Dasom?! Oh my god! My daughter!" sabi nito at gaya kanina sa guard au niyakap din ako nito.
May naramdaman naman akong kung ano.
"Dasom? Where have you been? Where almost searching you for one year!" sabi nito at nakota kong may tumulong luha sa mata nito.
"Ah,pasensya na po pero hindi ko po kasi kayo kilala.Ngayon ko lang po kayo nakita." sabi ko.
Nakita kong nagulat ito sa sinabi ko.
"What? Paanong--"
"Mom!"
Napatingi kami sa tumawag sa kanya.Pagkakita ko dito ay halos kainin ko na ang sarili kong kaluluwa.
Lalaki ito at talagang kamukhang kamukha ko.Ghad! Sino ba sila?!
"Dasom?! What the hell!" sabi nito.
"Uh,sino ka?" tanong ko.
"Huh? Nagbibiro ka ba?" tanong nito.
"No."
---
BINABASA MO ANG
She Got Pregnant (Short Story)
Kısa HikayeThis story is all about Daley Somara Protalejo aka DaSom and Kallin Erxon Yrra aka Key.