Chapter 2

12.8K 520 227
                                    

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong doon na ka na sa lola mo mag-aaral, Ezra nak? Bakit biglaan naman?Last month excited ka pang grumaduate dito tapos ngayon aalis ka na agad? May problema ka ba sa school mo?"

Hininto ko ang paglalagay ng mga gamit sa maleta ko at hinarap si Nana Conching. Simula nung kinuha ako nina Mommy kay Lola Raquel sa Italy, si Nana na ang nag-alaga sa akin. Siya ang tumayong pangalawang magulang ko. Siya ang nagturo sa akin magsalita ng tagalog at siya yung personal na umaattend sa lahat ng mga pangangailangan ko.

Mas masabi ko pa ngang mas madami ang ang oras na magkasama kami ni Nana Conching kesa kay Mommy dahil sa trabaho niya eh. Pero ayos lang, dahil pinaintindi naman ni Nana sa akin ang lahat. Busy sila mommy at daddy dahil kailangan nilang magtrabaho para mabigyan kami ng magandang buhay ni Ate Ehra.

"Wala po akong problema Nana, nagkakasakit na kasi si Lola lately kaya gusto ko siyang alagaan. Gusto ko pong makabawi sa kanya sa pag-aalaga niya sa akin noon." malambing akong yumakap sa kanya. Isa ito sa mga mami-miss ko kapag umalis na ako. Si Nana kasi ang yumayakap sa akin sa tuwing nalulungkot ako. Kung pwede ko lang siyang isama doon sa Italy, isasama ko siya. Pero hindi na pwede, hindi na siya papayagan ng mga anak niyang bumyahe pa sa ibang bansa.

"Mami-miss kita Ezra nak. Magpakabait ka doon ha. Wag mong kalimutang kumain sa tamang oras. Yung mga vitamins mo wag mog kalimutan inumin at higit sa lahat wag kang palaging magpupuyat sa cellphone."

"Mami-miss ko din po kayo Nana. Mami-miss ko yung mga lambingan natin at yung baking session nating dalawa. Di bale kapag nandun na ako tatawagan ko po kayo palagi."

"Nga pala, nak, speaking of baking. Yung cookies pala na niluto mo hiningi nung anak nung bisita ng daddy mo. Nagtatanong pa nga kung pwede ba siyang umorder."

Nagtataka akong lumayo kay Nana. Ngayon ko lang ata narinig na may nagka-interes sa cookies na bine-bake ko. Feeling ko nga yung mga kasambahay lang naman ang mahilig kumain nun. Nagsisipag lang naman akong gumawa nun dati para kay Bethany, kay Ate Amy at...never mind. 

"May bisita ang daddy mo sa baba. Kung tapos ka na daw mag-empake, pinapababa ka nila doon. Andun sila ngayon sa malapit sa may pool. Si daddy at mommy mo at si Ate Ehra mo. Kasama nila si Judge Gonzales at ang asawa niya..." huminto si yaya at matamang tumingin sa akin. Alam ni Nana na gumagawa ako ng cookies para kay Ate Amethyst pero hindi niya alam na binibigyan ko din ang amo niya.

"What Nana?"

"Kasama din ni Judge yung anak niyang nanghingi sa cookies mo, si Attorney Angelo. Yung amo ng kaibigan mong binibigyan mo kamo ng cookies."

Pagkabanggit palang ni Nana ng pangalan niya parang may gumuhit na pait sa aking lalamunan. Hilaw akong ngumiti kay Nana saka nag-iwas ng tingin. Ayokong mabasa niya kong ano ang nasa utak ko. 

"Ah ok po, Na..." yun lang ang nasabi ko. 

Akala ko ba hindi siya kumakain ng cookies? Anong pakulo niya at may pahingi-hingi pa siya ng cookies ngayon?

"Sige na nak, baba na muna ako doon. Baka kasi hinahanap na nila ako." pagpaalam niya. " Kung may kailangan ka tawagin mo agad ako ha. Atleast man lang sa huling beses masilbihan ko ang pinaka paborito kong alaga."

Parang natunaw ang puso ko sa sinabi ni Nana. Lumapit ako at muling yumakap ng mahigpit sa kanya. "Salamat sa lahat, Nana. Hinding hindi ko po kayo makakalimutan."

Pagkalabas ni Nana ng silid agad ko itong sinara. Wala akong balak bumaba at magpakita sa kanila. Alam ko naman kasi na hindi rin naman nila ako kailangan sa baba. Wala naman akong gagawin doon.

Tinapos ko ang pag-eempake ng mga gamit ko. Konti lang naman ang damit dadalhin ko. Isang maleta lang plus ang gitara ko na regalo sa akin ni Lola nung seventh birthday ko.

Tainted Series # 8 : The Billionaire's Wife (TRISTAN ANGELO GONZALES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon