"Ezra Monique! Wake up! What the hell are you doing with your life, you brat!?"
Ano ba naman yan galit na naman si Dad? He must be so mad at me dahil kahit sa panaginip ko sinisigawan niya pa rin ako. Tama nga ang hinala ko kagabi, plastikan lang yung kabaitang pinakita niya sa mga kasosoyo niya sa negosyo.
Akala ko pa naman sincere na yung pagiging proud niya sa akin. Yun pala parte lang ng pag-arte niya. Hanggang ngayon hindi ko talaga maintindihan kung bakit mainit ang ulo ni Dad sa akin. Is it because my lola left me everything? I wasn't expecting all than in the first place. Hindi naman ako pumuntang Italy para alagaan siya dahil after ako sa kayamanan niya.
Wala akong balak na angkinin lahat ng yun, ni hindi ko pinakialaman. Kapag naging abugada na ako, ako mismo ang maghati-hati sa kayamanang iniwan ni Lola sa akin at ibibigay ko sa mga anak niya. I will divide it fair and equal among my tito's and tita's. Hindi ko din ibibigay lahat kay Dad kahit na siya pa ang panganay.
"I'm sorry Tito, I'm sorry Tita. It's my fault." It's Genevive's voice. Pati sa panaginip ko may cameo pa si Bruha. Pero tama ka kasalanan mong nalasing ako kagabi pagkatapos basta mo na lang ako iniwan. Buti na nga lang at inalalayan pa ako ni...ano nga bang pangalan nun?
"Ezra! Wake up!"
Ewan ko sayo Dad di mo man lang pinaabot ng isang araw ang pagkukunwari mo. Siguro deep inside nasusuka si Dad sa kanyang ginawa kagabi kaya heto kahit sa panaginip ko binubulyawan ako. Well sino ba ang hindi masusuka? Kahit ako nga nasusu---
" Wait blaargghh, I want to puke...blaaaarghhh. S-shit! blaaaargghh"
Hindi ko na natapos dahil bigla na lang bumaliktad ang sikmura ko mabilis akong lumabas sa comforter na tinatalukbungan ko . Tatakbo na sana ako papunta sa banyo pero hindi ko na nagawa dahil may brasong pumigil sa akin at bumalot ng comforter sa hubad kong katawan.
Hindi ko na nagawang lingunin kung sino ito at hindi na ako tuluyang nakalabas sa comforter kaya sinapo ko na lang ang bibig sa pag-aakalang mapigilan ko pa ang pagsuka pero hindi ko nakayanan pa. Bumaliktad ang sikmura ko at lahat ata ng nainom ko kagabi ay aking isinuka.
Grabeng suka ko na feeling ko pati lamang loob ko ay maisusuka ko na rin. Ang pait at sakit sa lalamunan. I swear! I swear hindi na talaga ako iinom. Last na yun kagabi. Promise!
I can hear people inside the room mumbling, may umiiyak pa. For sure si Genevive to, pero bakit naman kailangan pang umiyak? Nakainom lang naman ako.
So yung akala kong panaginip ko kanina ay totoo pala. It's real and I'm fucking doomed. Nakita nila Dad kung paano ako malasing, for sure ilang taon na naman nila itong paulit-ulit na isusumbat sa akin.
"Yuckkkkk! What the ewwww! You are so disgusting!"
I can not look at who's talking but base on her voice it is my Ate Ehra. Arte neto. Kasalanan na pala ngayon ang magsuka? Bakit siya hindi ba nalasing buong buhay niya? E di siya na ang magaling.
"Kahit kailan pasaway ka talaga! Yan ba ang nakuha mo sa Italy ang pagiging malandi?"
Nakainom lang, malandi agad? Oveeeer!
"Get up you brat! Stop with your drama! Malandi ka! Napaka-landi mo talaga!" Ate Ehra exclaimed loudlly.
Hindi ko siya pinansin dahil nanghihina pa ako, hindi pa ako tapos magsuka. Gusto ko pang ilabas lahat ng nainom ko kagabi. Magbabayad na lang ko mamaya sa housekeeping nila. Juskopo ito na nga ba ang sinasabi ko.
Susuka pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil isang malakas na kamay ang humablot sa buhok ko. Sa sobrang lakas ng pagkahila niya nag-init ang anit ko na pakiramdaman ko matatangal ang buhok ko doon.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 8 : The Billionaire's Wife (TRISTAN ANGELO GONZALES)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY I never knew I could feel so much pain and yet be so in love with the same person causing it. Ezra Monique grow up being independent. She was never valued. Her accomplishments wer...