[Loreign's POV]
"Five, six... Ugh! Piso nalang nagkulang pa!" Gigil kong bulong sa sarili pagkatapos bilangin ang pamasahe ko. Hindi kasi ako masusundo ng driver namin ngayon dahil may sakit siya.
O pak! Taray may driver kami noh! But to be honest, mas gusto ko talagang nagko-commute lang. You know, mga simpleng gawain at ganap lang sa buhay ng isang ordinaryong tao.
No choice kaya kailangan kong mag-commute, kay malas lang dahil hindi sumapat ang pera ko pamasahe dahil naubos ko na kakabili ng kung ano anong pagkain.
"Lor!" Napalingon ako sa direksyon ng taong tumawag sa napaka-ganda kong pangalan.
"Ano ba, kanina pa kaya kita tinatawag, bruha." Ahh, si Klio.
Meet Klio, Klio Alexis Miraflor. One of my closest friends. Gaya sa mga stories or books, there's this one girl who really stands out sa buong klase. Well she's the prettiest and sexiest in our block, talagang habulin ng lahat mapa-babae man o lalaki. Do you know what I mean?
Due to her personality, looks and physical appearance, and life status, she's almost perfect.
"Shuta, Lor. Wala akong naintindihan sa lesson natin kanina sa Algebra. Pati sa Accounting, lalo na sa Filipino. Shuta! Filipino na 'yon ha? Filipino subject!" Rant niya sa akin.
"Sa mga major subjects natin kumusta ka naman?" Nakahalumbaba lang ako habang nakatingin sa kanya na may ngiti.
Nag-flip hair siya at kumuha ng liptint sa pouch niya na hindi mo maihiwalay sa kanya kahit segundo lang. "Y'know naman na kung ano'ng sagot ko diyan." Sabay lagay ng liptint at ikinalat sa lips niya.
"Nganga!" Sabay naming sigaw at nagtawanan.
"Doncha worry, may ginawa naman na akong summary of notes natin at perfect 'yon na maging reviewer. Punta nalang ako sa bahay ninyo once na magre-review na tayo neh?" Ngiti ko.
"Ahhhh! Brain saver ka talaga, Lordie!" Sabay hug sa akin at kiss sa cheeks na may kasamang pagdila.
"Eeeew! Kadiri ka, Klio. Hindi ko talaga alam kung babaeng babae ka talaga. Napaka-feminine mo naman kapag may mga kasama tayo at 'di makabasag-pinggan, pero kapag tayo lang, lumalabas 'yang kadugyutan mo!" Sabay kuha ko sa palad niya at ginamit 'yon pamunas sa pisngi ko.
"Hahaha! Ikaw lang nakaka-alam ng mga kabobohan at kalokohan ko, Lor. Thank you dahil kaibigan mo ako." Ngiti niya sa akin dahilan para kilabutan at masuka ako.
Klio is not what others thought about, like perfect sa lahat. I labeled her as almost perfect, because we all know that nobody's perfect. But for me, she is the best of a friend of all time.
Everyone has their flaws and imperfections, pero sana kahit kaunti man lang ay biniyayaan ako nang kaunting ganda 'noh? Kahit kaunti lang, gano'n!
But despite that statement, I believe that each one of us has still our own aces.
And mine is confidence.
"Nga pala, after class samahan mo 'ko mamaya kitain ko lang si ate ko. Nasirain rin kasi ako ng car kaya hindi kita maihahatid agad dahil hihintayin ko yung susundo sa akin e malayo-layo pa 'yon. Bibigyan nalang kita ng one thousand." Paki-usap ni Klio sa akin.
"Huh, saan? Malapit lang ba? Alam mo naman nangyari sa wallet ko 'di ba? Kung hindi walang laman, nawawala naman. Tulad nito piso na nga lang kinulang pa. Pero ang OA naman yata masyado ng isang libo. " Irap ko sa hangin.
"Ano ka ba, lalakarin lang naman. Diyan sa may bus station lang. Libre nalang kita ng foods, please? Nahihiya kasi akong bitbitin 'tong electric guitar ng ate ko. Nakakabawas ng beauty points tapos ang bigat pa!" Daing niya.
BINABASA MO ANG
Her Standards [GxG]
Художественная прозаHi, I'm Loreign Cagandajan. Kung ano ang kinaganda ng pangalan ko, siya ang kina-pangit ng mukha ko. Not just the face, pati height at physical appearance abandonado ng kagandahan. Nakapayong at kapote yata ako nang umulan n'on. But I don't care, I...