[Loreign's POV]
Hi, I'm Loreign Cagandajan. Kung ano ang kinaganda ng pangalan ko, ay kabaliktaran ng hitsura ko. Bunso sa magkakapatid, may napaka-guwapong kuya and died three years ago, yung sumunod naman sakanya which is yung nag-iisa kong ate ang sumalo sa business ng mga may hitsura naming parents, paminsan naiisip ko nalang talaga na ampon ako eh.
I'm seventeen, second year college, taking up Business Administration major in HRDM. At first I don't have any idea kung ano nga ba'ng course ang kukuhanin at ipe-persue ko in the future, I planned to join Hotel Restaurant Management, unfortunately naubusan na ako ng slot kaya dito ako bumagsak. But when time passes by, nagugustuhan at naiintindihan ko na rin ang magiging role ko sa corporate world related sa course ko. An HR or Human Resource personnel is a best shot for me.
By the way, hilig ko rin ang photography, video editing, and graphics.
O pak! Kahit na wala akong pleasing appearance, I have my edges pa rin naman para makipag-sabayan sa mundo nating napaka-unfair. No, our world is not the problem. It's the people living in this world, remember that.
I have circle of friends na sobrang saya kasama at hindi toxic. But in a circle of friends, it keeps on shrinking for you to find the right person who really accept and love you for who you are. And I there I met Klio. Si Klio ang kabaliktaran ko pagdating sa physical appearance, maganda, makinis, sexy and a jolly person. Jolly rin naman ako, 'yon lang. The rest nang binanggit kong description sakanya i-crossed out niyo nalang.
But despite of our differences, naging fair kami sa isa't isa, except sa mga foods na trip ko talaga. Paminsan hindi ko na siya binibigyan.
So that's my introduction para wala na kayong maraming tanong along the way.
Anyway, back to the story!
"By the way, don't try to talk or open your mouth. Ayaw ko na ring tumingin sa mukha mo. Nakakasira ng araw."
"A-ano'ng sabi mo?!" Sigaw ko para mas pagtinginan pa ako ng mga tao.
"Napaka-yabang naman ng taong 'yon, akala mo naman kung sino'ng kagandahan." Bulong ko sa sarili ko, hindi ko nalang pinatulan ang inis ko dahil napansin kong humahaba na ang pila ng mga taong sasakay kaparehas sa uuwian ko.
Dali-dali na akong tumakbo para makapila.
Pagkatapos ng maraming minutong paghihintay ay nakasakay na rin ako ng jeep. Pagkatapos kong mag-ayos ng upo ay ni-relax ko nalang ang sarili ko.
Sa kahabaan ng biyahe, tatlo nalang kaming pasahero ni manong ang natira. Malapit ako sa driver's seat, at ang dalawang natira ay nasa bungad lang ng jeep.
Nagpatuloy ang biyahe at naiisip ko pa rin ang nangyari sa akin kanina. Tinaga ko sa sarili ko, na kapag makita ko ulit ang taong 'yon ay sisiguraduhin kong hindi lang ako bata na hindi nakikinig sa teacher.
Huminto ang jeep at mukhang may sasakay yata, pero hindi ko nalang nilingon at nanatili pa rin akong nakatingin sa bintana ng jeep.
"Bayad, maki-abot nga lang." Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pamilyar na boses at nakita ang isang kamay na natapat sa akin na nakikisuyo ng bayad.
Sinundan ko ng tingin ang kamay niya papunta sa braso at doon nakita ko ang taong naka-suot ng maroon long sleeve pero nakatupi ang sleeve niya hanggang siko. Nakita ko na naman ang taong nagpapa-init ng ulo ko simula pa kanina. Ka-linya ko lang siya, parehas kaming naka-upo sa left side ng jeep.
Wala lang siyang emosyon na nakatingin sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng isang kilay, pang-asar na tiningnan ang kamay niya na kanina pa nakikisuyo ng bayad pero hindi ko pinansin 'yon at bumalik sa dati kong moment. Nagpahangin nalang ako.
BINABASA MO ANG
Her Standards [GxG]
Genel KurguHi, I'm Loreign Cagandajan. Kung ano ang kinaganda ng pangalan ko, siya ang kina-pangit ng mukha ko. Not just the face, pati height at physical appearance abandonado ng kagandahan. Nakapayong at kapote yata ako nang umulan n'on. But I don't care, I...