PROLOGUE

49 4 0
                                    

"Salamat naman at tapos na ang duty ko tonight." I whispered and sighed as I finished the reports with regards sa mga humiram at nagsauli ng mga libro.

Nag-stretched ako ng buong katawan at sinulit ang hikab.

Nangulangot na rin ako dahil sa dami ng tao dito sa library buong araw ay nanuyo na ang ilong ko at hindi na nagawang sundutin kanina.

THUD

Napukaw ang atensyon ko sa narinig ko. Sa tahimik at malaking library ng school na alam kong wala nang tao at half of the room ay patay na ang ilaw, nakaramdam ako ng kaba.

Dahan-dahan akong pumunta sa lugar kung saan narinig ko ang pagkahulog ng mga libro. As the in-charge tonight, kailangan kong siguraduhin na maayos ang library bago ko iwan.

Habang papalapit ako ay mas naririnig ko ang mga kaluskos ng mga libro.

Unti-unti..

Papalapit nang papalapit..

"Gusto kita."

Napahinto ako sa mga salitang narinig ko bago pa ako makasilip sa susunod na shelf.

"Gustong gusto kita." Dagdag pa nang babae. Dahan dahan akong sumilip at siniguradong hindi gagawa ng ingay.

"Sana tanggapin mo ang nararamdaman ko para sa'yo, ma'am."

Nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba 'tong nasaksihan ko?!

A love confession?!

Sa babae rin?!

A student and teacher relationship?!

Ramdam ko ang sincerity ng babae sa mga sinabi niya. Samantalang wala lang imik ang kausap niya.

Sa totoo lang hindi ko maaninag ang dalawa dahil sarado na ang ilaw banda sa shelf na 'to. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw kaya silhouette lang nila ang nakikita ko.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, yung tipong nararamdaman ko rin ang kabang nararamdaman ng babaeng lakas-loob na nag-confess.

"Matagal na kitang gusto, matagal na kitang pinagmamasdan mula sa malayo. I like you, ma'am." Pagkasabi ay lalong nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ang guro.

I gasped, agad ko namang tinakpan ang bibig ko gamit ang isang palad.

Agad namang kumalas sa halik ang isa.

"Thank you for the confession, pero hindi ako pumapatol sa pangit." A cold voice.

Mas lalong nadagdagan ang pagkabigla ko dahil sa mga sinabi niya. Pero mas nadagdagan pa 'yon nang sampalin siya ng babae.

"Totoo pala ang mga sabi-sabi, masyado kang mapagmataas sa sarili mo. Lalo na 'yang standards mo!" Pagkasabi ay agad siyang tumakbo papunta sa direksyon ko, kaya agad ako nagtago.

Nakita ko siyang tumatakbo habang umiiyak palabas ng library.

At heto ako sa isang sulok, may after shock pa rin.

"Grabe, kailangan niya ba talagang sabihin pa 'yon?" Bulong ko sa sarili ko.

Nang sisilipin ko ulit ang isa ay bumilis pa ang tibok nang puso ko dahil nasa harap ko na pala siya. Naaninag ko ang mukha niya dahil matangkad siya at nasinagan siya nang ilaw.

A familiar face.

"A-ano ma'am, hindi ko sinasadya--"

Tiningnan niya ako nang walang emosyon. "Ano? Magko-confess ka rin? Alam mo na sigurong hindi ako pumapatol sa pangit 'di ba?" A very cold voice.

Magsasalita palang sana ako pero agad na siyang umalis.

Unti-unti ay natawa nalang ako sa sinabi niya. Yung tawang pilit dahil napaka niya talaga!

"Ang feeling mo talaga! Yung mga libro ayusin mo kaya?" Sigaw ko sakanya bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto.

The nerve! Report kita eh!

Makaalis na nga.



© Her Standards 2022

~UPDATED EVERY WEEK~

Her Standards [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon