3rd Chapter

27 0 0
                                    

[Loreign's POV]

"I-ikaw?" Pitlag ko at mahinang sabi.

She's the lady last time. Ang dahilan kung bakit natapon ang shomai ko!

~CHAPTER 3: Encounter~

I can't believe this, out of all places dito pa talaga sa school. At sa mismong event pa namin, kaloka nakakasira ng mood.

Ibinaling kong muli ang tingin sakanya. Tinaasan niya lang ako ng isang kilay habang nagpapatuyo ng mga kamay sa hand blower.

I shook my head from side to side at nagkunwaring walang nakita. Naglakad ako papunta sa lavatory para maghugas ng kamay. Nagnakaw ako ng tingin sa kanya, lumakad ang mga mata ko sa kanya mula ulo hanggang paa. She's wearing a lousy army green-colored long sleeve na tinernohan ng black slacks and topsider shoes. Naka-pony tail din siya na nagpalitaw lalo ng mga highlights niya sa buhok.

Pagka-tapos mag-obserba sakanya ng aking mga mata ay bumalik ulit ang mga tingin ko sa mga mata niya. Medyo nagulat ako dahil nakatitig lang din siya sa akin habang ginagamit pa rin ang hand blower. Agad naman akong nagmadaling maghugas ng kamay, maya-maya pa from her reflection sa salamin nakita ko siyang umalis ng washroom habang sinusundan siya nang tingin ay nakita ko ang pagbukas ng bibig niya na tila may sinabi.

"Pangit."

Naiwan ako sa washroom mag-isa nang nakataas ang isang kilay. As if naman na I'm affected sa mga sinabi niya. I've been hearing that word since then, i'm used to it. I see no reason para masaktan since matagal ko nang tanggap ang hitsura kong 'to.

"Ugh, 'yon lang ba ang kaya niyang ibato sa akin? So weak." Sabay irap ko sa hangin. 

Dali-dali akong lumabas ng washroom at bumaba papuntang oval track area nang makita sa wristwatch ko na ilang minuto na pala akong wala sa paningin ni Olive.

"Lor, akala ko ba iihi ka lang? Pwede mo naman sabihin sa akin na masakit 'yang tiyan mo at kailangan mong magbawas. Maiintindihan ko, I know the feeling." Bungad sa akin ni Olive nang makarating ako.

"Sira, umihi lang talaga ako, nagka-problema lang talaga sa mga washrooms sa mga lower floors kaya nakarating ako sa 5th floor." Hingal kong paliwanag. Hindi ko na inexplain pa ang mga nangyari sa akin kanina dahil wala namang nakwenta-kwenta.

Ngumisi lang siya. "Ganun ba, o sige sabi mo e."

I just sighed and smiled.

After few minutes ay nagsimula na rin ang event. Sinimulan ng dasal at opening remarks ng emcee. 

"And now before we start, let us savor first the performance from one of the aces of our beloved school. For the intermission, from Pase Cuerdas!"

Rinig ko ang malakas na palakpakan ng mga estudyante at ng mga speakers na pinagtaka ko dahil napaka-OA naman yata nila pumalakpak na akala mo may concert. Anyways, isa na rin ako sa mga pumalakpak dahil bigla kong naalala na dahil kay Klio mayroong Pase Cuerdas na nasa harap namin kahit na intermission lamang ay malakig bagay na despite of their upcoming competition, ay naisingit pa nila ang event namin sa oras nila.

"Lor!" Tawag sa akin ni Klio na ikinagulat ko dahil nasa tabi ko na pala siya. 

"Klio, akala ko hindi ka makakapunta?" Tanong ko.

"Gaga, ako pa talaga tinanong mo. Nga pala nag-start na ba sila ate sa intermission nila?" Tanong niya habang may hinahanap ang mga mata niya sa paligid.

"Ah, nasa stage na sila. Paki-hanap nalang kasi hindi ko pa naman nakita ang kapatid mo ever since naging best friend mo 'ko." Pabiro kong irap sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Standards [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon