II

507 79 33
                                    

"Shit!"

I woke up breathing heavily. I had a nightmare.

Napatingin ako sa katabing lamesa at nakitang alas otso na pala ng umaga. Mabilis akong tumayo at dumiretso sa banyo upang mag-ayos ng sarili at dahil Sabado ngayon at wala kaming hinahabol na deadline para sa aming manuscript, libre akong gawin ang kahit anong gustuhin ko ngayong araw.

I stood up and tied my hair into a bun and did my morning routines. After doing my chores, I went straight to my kitchen to prepare my breakfast. Kinuha ko ang karneng natira sa aking niluto kagabi at hiniwa ito sa maliliit na piraso.

Inilublob ko ito sa harina at itlog bago ipinrito. While frying the meat, I saw the eyeballs inside the fridge. Kinuha ko ito at pinakuluan sa tubig hanggang sa lumambot ito, pinalamig ko ito ng kaunti bago rin ibabad sa harina at itlog at ipinrito.

Matapos magluto ay doon ko lamang napansin na masyado palang naparami ang aking niluto. I looked at my window and saw my old neighbour watering her plants, napatingin ako sa aking plato. Inilagay ko ang mata na nagmukhang meatballs at iilang piraso ng karne sa isang maliit na plato.

"Hi," I greeted, smiling widely.

Napatigil ang matanda sa pagdidilig ng kaniyang halaman at napangiti sa akin.

"Ano 'yan? Dyos ko, nag abala ka pa!" sambit nito habang malawak ang ngiti sa akin.

I smiled and handed her the plate and she willingly accepted it, mabilis siyang pumasok sa kanilang bahay at kinawayan pa ako bago isarado ang pintuan.

I smiled sheepishly before walking back to my house, ngunit mabilis na kumunot ang aking noo nang makitang nakaawang ang pintuan na isinara ko kanina, mayroong nakapasok. Kinuha ko ang lagari na nakatago sa aking garahe habang dahan-dahang pumasok, and to my relief I saw Mira sitting  on my kitchen counter.

I sighed and hid the saw outside. Bumalik ako sa loob at napa-ngiti matapos makitang kumakain si Mira ng meatballs na ginawa ko.

"Why are you here?" tanong ko.

Lumingon naman siya sa akin, nakanguso at punong-puno ang bibig ng mga pagkaing nakahain.

"Punta tayo kina Aliyah, go ka ba?" sambit niya at kumuha ng tubig.

I nodded and sat beside her. Kumuha ako karne at bahagyang nairita nang maalalang pinamigay at kinain na nga pala nila ang meatballs, I've been craving for that since last night.

"Maliligo muna ako," ani ko at dumiretso na sa aking kwarto.

Binilisan ko lamang maligo at nagmadali rin magbihis dahil sa kaba na baka mag-ikot si Mira sa loob ng aking bahay, hindi pa naman mapakali ito palagi. Nagsuot ako ng ternong itim na damit at pantalon, itinali ko rin ang aking buhok pataas at naglagay ng kaunting powder sa mukha bago lumabas ng kwarto.

Mabilis na hinanap ng aking mga mata si Mira nang makitang wala siya sa salas o kusina. My heart beat loudly as I looked around the house and didn't saw her anywhere. Lumabas ako at ganoon na lamang ang aking buntonghininga matapos siyang makita sa labas at nagsisigarilyo.

Tumingin siya sa akin at itinaas ang kaniyang kamay upang ipakitang nagsisigarilyo lamang siya, I shooked my head in dismayed and sighed loudly. Bumalik ako sa bahay upang isarado ang pintuan at lumapit na rin sa kaniya.

"Tara na?" aya ko.

Tumango naman siya at itinuro ang sasakyan na naka-parada sa gilid ng kalsada. Sumakay na kami at napansin ko ang malaking bag sa likod na upuan ngunit hindi ko na lamang pinansin ito. Nang makarating ay napansin ko na rin ang sasakyan ng kaniyang kapatid sa harapan ng bahay nila.

One, Two, Three |  Published Under PaperInk ImprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon