“... Isang lalaki sa isang pribadong village ay natagpuang patay. Labindalawang saksak ang nakumpirma at mayroon ring mga paso ng sigarilyo sa loob ng kaniyang bunganga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sigurado ang kapulisan kung sino ang gumawa ng karumal-dumal na krimen—”
“Because they're idiots,” I murmured after turning off the radio.
I closed my eyes tightly and continued my exercising. Tahimik lamang akong nagc-curls up habang nakikinig sa radyo ngunit ng mailathala iyon ay alam kong ang kapitbahay ko ang tinutukoy nila.
Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa tingin ko ay anomang oras ay mayroong pulisyang papasok sa aking bahay. At kung mangyari man ‘yon ay isang malaking kahihiyan at kapalpakan iyon para sa ‘kin.
“Ugh,” ungol ko matapos maramdaman ang pagbanat ng aking buto sa balikat.
After an hour exercising, I stopped. Niligpit ko at nilinis ang mga ginamit bago naupo sa isang stool. I was drinking water when I saw my laptop and decided to open it. I search my username and a smile slowly crept into my lips as I saw the comments.
“There’s no missing Kristana right now. The author us innocent, leave her alone…” basa ko sa isang kumento.
Dahan-dahan akong napangiti hanggang sa nauwi ito sa isang malakas na halakhak. The feeling of joyness inside of me was undefinable because I know I was too good doing my crimes, they're perfect. Harap-harapan kong pinakikita sa kanila na ang awtor ng librong binabasa nila ang pumapatay ngunit hanggang ngayon ay nagbubulag-bulagan pa rin sila.
“You had one job and that is to find who wrote that book, why can't you find me?” tatawa-tawang ani ko habang nakatingin sa iilang kumento.
Lahat sila ay walang alam, uto-uto at tanga. Kung pagsusuma-sumahin ay malakas ang ebidensya na ang awtor ang may pakana ng lahat ngunit nabubulag sila ng iilang nagsasabing ginamit ko lamang ang mga pangalan ng biktima upang mabigyan pansin. They can fucking easily track my IP address, but they did not.
I was startled when I heard a soft knock outside. Mabilis kong binuksan ang pintuan at nakitang ito ay iyong matandang kapitbahay ko. She was holding a small plate and smiling sweetly at me.
“Ito yung platong ginamit mo noong nakaraan sa pagbigay ng pagkain,” aniya. “Pasensya ka na ha? Ngayon ko lang naalala e.”
I smiled at her when something came up inside my brain. I told her to wait for me outside and quickly went to my kitchen. Ininit ko ang mga karneng niluto ko kagabi dahil sa almusal ko kanina. I put the meat on the plate nicely and handed it to her.
“Marami akong naluto, sana magustuhan ninyo ng asawa mo,” sambit ko at binigyan siya ng isang ngiti.
“Nako! Salamat ha? Napakabait mo,” aniya at ngumiti ng malawak sa akin. Kinapitan niya ang aking balikat dahilan upang makaramdan ako ng inis.
Nang inalis niya ang kaniyang pagkakahawak ay napahinga ako ng malalim. She was smiling sweetly in front of me making me mad more. Nang umalis ang matanda ay mabilis kong sinara ang pintuan at nagtungo sa banyo.
Tapos na ang bakasyong binigyan sa amin ng Chief Editor namin, kailangan na naming pumasok ngayon. I took a quick bath and went inside my room to dress up. Ngunit mabilis akong napatapis ng tuwalyo nang maramdam ang isang presensya sa loob ng bahay.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at halos mawalan ng hininga matapos makita si Mira sa harap ng aking laptop. For a second, I felt my world stopped.
My book!
BINABASA MO ANG
One, Two, Three | Published Under PaperInk Imprints
Gizem / Gerilim#4 | WICKED WRITERS SERIES | A COLLABORATION. A book wherein all characters have vanished in real life, who's next? One, Two, Three, a book that was published on some site, that book is all about woman with their names who suffers from depression an...