Ala-sais pa lamang ng umaga ay nasa kusina na ako. I defrosted the meats on the sink. I prepared a flour and eggs while heating the oil.
Inayos ko na ang aking mga gagamitin at nang mawala sa pagkakatigas ang karne ay sinimulan ko na itong ibabad sa harina at at itlog.
Habang niluluto ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Lahat ng tao ngayon ay kuryoso at nagkakagulo. I never knew this big would be the impact of my book.
Nagsisimula na ulit ang mga pulisyang i-track ang aking IP address ngunit matalino ako at siniguradong hindi nila mahahanap ang aking pangalan. Samu't-sari ang reaksyon ng mga tao at mas pinaniniwalaan nilang si Aliyah ang may sala ng lahat.
Dalawang araw ng nakakulong si Aliyah ngunit hanggang ngayon ay hindi namamatay ang ingay tungkol sa kaniyang ginawa. Everyone was in rage especially their family. Pinsan niya si Aliyah at ibinunyag ng kaniyang mga tiyahin ang ginawang pagnanakaw ni Aliyah sa mga gawa ni Kristana na mas lalo pang nagpatibay na siya ang may kasalanan.
Matapos magluto ay dumiretso ako sa banyo upang maligo at magbihis. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa aking repleksyon sa salamin. Nakikita ko ang mas batang bersyon ko.
I was once a normal child who wants attention from her parents. Ngunit simula nang ipaliwanag sa akin ng aking Ina ang pagkain niya ng karne ay onti-onti akong naging gaya niya. I wasn't able to live like a normal person.
"Shaina?"
Napaigtad ako sa aking pwesto ng marinig ang isang boses mula sa labas ng aking pintuan. I shouted wait and dressed quickly. Kinuha ko na rin ang aking mga niluto na nakalagay sa isang baunan.
Nang lumabas ako ng pintuan ay sumalubong sa akin si Kleo. He looks tired, he smiled a bit before nodding at me. Sumakay na ako sa kaniyang sasakyan at mabilis naman niyang minaneho ito patungo sa kulungan.
Tahimik lamang akong hinatid ni Kleo hanggang sa umabot kami ng presinto. Hindi na siya pumasok dahil hanggang ngayon ay hindi niya kayang makita sa ganoong itsura si Aliyah.
"Shaina, please tell her that we are still her friends. We will make sure to find the truth and p-please, be careful inside, hmm?" aniya at hinawakan ang aking pisngi.
"I will, Kleo." sambit ko at nginitian siya.
Pumasok na ako sa loob at hingian agad ako ng ID, ni-check din ang aking mga dala. I bit my lower lips when they checked the food I made for Aliyah. Nang masiguradong wala akong dalang kung ano ay pinapasok na nila ako.
Naupo ako sa upuan habang inaatay si Aliyah. Segundo lamang ang aking inantay at nakita ko na si Aliyah. She was being assisted by a police officer. She was wearing an inmate uniform and her hands were cuffed. Ngunit inalis din ang kaniyang posas nang maupo na siya sa aking harap.
"Thank you for visiting me. Hindi nila kayang pumasok, 'no?" aniya at malungkot na ngumiti. Tumingin siya sa bag na dala ko kaya't inilapit ko ito sa kaniya.
"I bought you foods. Alagaan mo ang sarili mo, Aliyah," bulong ko.
Nagsimula siyang kumain at napapangiti ako tuwing makikitang sarap na sarap siya. I licked my lower lips while watching her.
I smiled wickedly when I heard her moaned out of joy. Ngumiti siya sa akin at sunod-sunod na nginuya ang mga daliring binigay ko. She also sipped on the soup that I gave her.
Napataas ang aking kilay nang marinig na tila ba nasasamid siya. Pinasok niya ang isang daliri sa kaniyang bibig at mayroong hinila.
"What's t-this?" Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang hawak-hawak ang isang daliring may kuko. Mabilis siyang tumingin sa paligid at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
One, Two, Three | Published Under PaperInk Imprints
Misteri / Thriller#4 | WICKED WRITERS SERIES | A COLLABORATION. A book wherein all characters have vanished in real life, who's next? One, Two, Three, a book that was published on some site, that book is all about woman with their names who suffers from depression an...