XXI

201 47 4
                                    


Tahimik ang lugar. Tahimik ang paligid, tahimik ang aking bahay.

Ramdam ko ang kaginhawaan sa akin ng bumangon ako. Panibagong araw na naman. I stood up and opened the curtains. I was welcomed by a bright sunlight.

Matapos gawin ang aking morning routine ay dumiretso ako sa harap ng aking laptop. I flicked my tongue and typed, ‘Epilogue’

Dire-diretso lamang ang aking pagsusulat dahil sa kaginhawaang nararamdaman. I was almost at the middle when my phone abruptly rang. Kinuha ko ito at doon lamang nabasa ang sunod-sunod na mensahe galing kay Mira.

I sighed and was about to turn off my cellphone when I heard a loud knock. Napakunot ang aking noo at sumilip sa aking bintana. Nakita kong nakatayo sa pintuan ang aligagang si Mira at Kleo.

Napapikit ako sa inis at isinarado ang bintana. Inalis ko ang ipit sa aking ulo at iritableng lumabas ng aking kwarto. Nang buksan ko ang aking pintuan ay sumalubong sa akin ang lumuluhang si Mira.

“It’s too early, what the fuck is going on?” tanong ko.

Mabilis akong niyakap ni Mira at humagulgol sa aking dibdib. Habang si Kleo naman ay malungkot na nakatingin sa akin.

“Puntahan natin si Aliyah. M-may nag-live na kapitbahay ng p-pinsan niya, she was being asked by the police,” Hirap na sambit ni Kleo.

Tumango lamang ako sa kaniya at mabilis na sinarado ang pintuan. Inalalayan ko si Mira patungo sa kanilang sasakyan at tabi kaming sumakay sa likod ng sasakyan.

Wala pa halos isang oras nang marating namin ang bahay nila Kristana. Everyone was flocking around her house while police officers was on stand by.

“Kami ho ‘yong tinawagan ni Aliyah,” bati ni Kleo sa isang seryosong boses.

Napatingin ako sa kaniya at nakitang mayroon siyang kausap na pulis. Tinignan kami nito mula ulo hanggang paa bago tinanguan senyales na hinahayaan nila kaming pumasok sa linya.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ni Kristana ay sa pintuan palang ay halos masuka na ang aking mga kasama. Kaya’t nagpaiwan si Mira sa labas habang sinamahan ako ni Kleo papasok.

Natagpuan namin si Aliyah na nakaupo sa kahoy na upuan at tulala. Her face suddenly lift up when one of the officers pointed at us. Biglang bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata at lumakas ang hagulgol.

“I, I swear! Hindi ko magagawa ang krimeng ‘to!” sigaw niya.

The officers were alarmed and suddenly went towards us while holding their guns on their side. Sumenyas ako sa kanilang ayos lamang at naupo sa harapan ni Aliyah.

While staring at her face, I can't help but to feel happy and proud at the same time. Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mukha.

You deserve all this shits, Aliyah.

“Paano ninyo nasisigurong siya ang may sala?” tanong ni Kleo.

The police officers boredly looked at him before shaking his head off. Sumenyas ito sa iba pa niyang kasama at mabilis na naglapitan sa amin.

“N-no! Don't fucking touch me! I did not kill her!” Aliyah shouted while crying.

Napahilamos sa mukha si Kleo habang galit na tinitignan ang mga pulis na kumuha kay Aliyah. Tumayo ako sa aking pwesto at pinagmasdan ang loob ng bahay.

Walang nabago kahit isa mula kagabi, mula sa mga dugong nagkalat at sa mga karneng aking inayos. Lahat ay umayon sa aking plano.

“Bata, ang kaibigan mong ‘yan ang sigurado kaming may sala.” Napatingin ako sa nagsalitang pulis.

One, Two, Three |  Published Under PaperInk ImprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon