Chapter 06

321 9 0
                                    


"Kath!hoy buksan motong pinto!" Sigaw ni Yuna mula sa labas ng office ko

Alam ko naman kung bakit andito sila,makiki-chismiss,nako Wala akong balak makipag chimisan sa kanila dahil madami pakong paperwork na kailangan gawin

"Napaka mo!"Habang kumakatok sila,matitiis ko namn sila bahala sila Jan sa labas ginusto nila Yun,"pangit mo kabonding,Tara na Yuna" mukhang umalis na sila

Maya maya ay may kumatok nanaman mukhang bumalik sila Dito akala siguro nila bukas na yung pinto

"Doktora" Sabi nung kumakatok,mukhang nurse ata yung kumakatok,pinag buksan ko naman yon ng pinto at nagulat ako ng biglang sumulpot yung dalawa,nakalusot pa nga!!

"Ano ka ngayon,akala mo ah" pang aasar ni Yuna,inirapan ko siya at ibinaling Ang tingin sa Nurse

"Ah kailangan daw po ng Pirma niyo dito" inabot Niya sakin yung Dala niyang Paper at pinirmahan ko naman yon,pag katapos ay umalis na din yung Nurse

Pag kalingon ko dun sa dalawa ay nakaupo na sila sa may Sofa ng Office ko,sinamaan ko sila ng tingin "ginagawa niyo dito?" Inis na sabi ko saknila at bumalik na sa swivel Chair ko

"Bakit?masama?"

Alam ko bat sila nandito,ayuko,Wala akong time para makipag kwentuhan sainyo,binaling ko nalang Ang tingin ko sa mga ginagawa Kong papers

"So bakit kayo nagkita ni Ken kanina?" Tanong agad ni Yuna,sinasabi ko na nga ba eh

"Oo nga? Tsaka paano?paanong nag kita kayo?saan?"sunod sunod na tanong ni Alexa,di ako nag sasalita ng batuhin nila ako ng unan

"Aray!"

Nakakainis tong mga toh..tss.."ano nga?!" Sigaw ni Yuna,"ngayun nalang kami makikipag chismisan sayo"

Sa sobrang inis ko sa knila ay di ko napigilan yung sarili ko "May anak na si Ken?"nagulat ako sa sinabi ko,bakit bigla bigla nmn jusqq

Nagulat yung dalawa,di nila alm?parang di close yung dalawa ah,walang nabanggit sainyo sila Josh and Stell?

"Totoo?" tanong ni Yuna,so di Niya alm?,si Alexa namn ay natahimik,mukhang may alam kaya siya namn Ang tinignan ko at hinintay mag salita

"Alam mo Alexa?" tanong ni Yuna Kay Alexa,umiling lang si Alexa at baka nga Wala siyang alam

"Bakit mo na tanong yan?nag kita ba kayo?"-Alexa

"Oo,kanina kase diba papunta ako Dito sa Hospital eh dumaan Muna Ako sa isng grocery para bumili ng maiinom tapos nung palabas ako ng Grocery ay nakita ko yung bata nasa gitna ng kalsada eh may paparating na sasakyan kaya niligtas ko yung bata tapos biglang dumating si Ken at tawag sakanya nung bata ay 'Daddy' tapos tawag Niya sa bata ay 'Anak',so anak niya? I explain

"Pabaya naman pala ito si Ken" sabi ni Yuna,"buti nga nakita mo,kung hindi siguradong namatayan nanamn ng anak si Ken"

"Sino kaya Ang in—" naputol ng sinasabi ko ng dumating si Khalix,kailangan nito?makikipag chimisan din?chor haha,kilala ko si Khalix di yan chismoso

"Di niyo man lang ako hinintay,so ano chismis?" Biglang tanong ni Khalix,sinasabi ko na nga ba eh,kala ko matino tong lalaking toh

Matino namn si Khalix,nahawa lang dun sa dalawa "ginagawa mo Dito?"tanong ko Kay Khalix,Wala ba siyang gagawin at pumunta siya Dito sa office ko para makipag chimisan,itong dalawang toh gusto ko na ngang sipain palabas ng Office ko eh

"Wala,tatawagin ko lang sana tong dalawang toh" Buti naman,sige kuhanin mo na yang dalawang yan,kung ayaw kalad kadin mo

"Ays siya Tara na lex" tumayo na yung dalawa para umalis,"Kath,kain tayo mamaya,sa Favorite Resto ko" Sabi ni Alexa,'may favorite Resto siya?bat di ko alam,parang lagi kaming mag kasama kumain ng lunch'

"Oh siya sige,saang resto bayun?" Tumingin ako sakanya,"Ella's Resto' Sabi Niya,parang familiar yung Resto Nayan sakin,nakalimutan ko na dahil matagal nadin akong di nakakain dun

Umalis na ung dalawa kasama si Khalix ako namn ay tinuloy na yung ginagawang mga papers,di ako makapag Focus dahil di mawala sa isip ko si Ken,antagal nanamin di nag kita,Ang laki na nang pinag bago Niya,mas lalo siyang pumogi,mahilig parin siya sa mga hoodie at lagi parin siya naka face mask,miss n amiss Kona yung dati..Yung High school life namin,kung pede lang balikan Ang nakaraan eh..binalikan Kona

__

Pumunta na kami sa sinasbing Resto ni Alexa,naalala Kona Ang may ari nun ay si Ella yung Classmate ko nung Highschool,excited na Kong Makita siya ulit

Pag pasok namin sa Resto ay si Ella nag una kong nakita,may kausap siya,sakto pala dating namin nila Alexa,nag tama Ang tingin namin ni Ella "Kath!" Sigaw niya at agad na lumapit samin,nag beso kami

"Buti pumasyal kayo Dito" Sabi nito

"Ito kaya Favorite Resto ko"sagot namn ni Alexa,malapit Kona rin tong maging favorite Resto,malapit na malapit na haha

"Oh siya Tara Upo na kayo" umupo namn na kami at umorder na ng pagkain,umalis muna si Ella,may kausapin daw kase siya kaya umalis muna

Nilibot ko Ang tingin ko sa mga Tao Dito sa Resto,napatingin ako sa may likod ko at nakita ko si Ken na kumakain kasama yung anak niya,sila lang dalawa,umiwas nako ng tingin dahil baka makita Niya ako,kinabahan ako bigla dahil baka makita Niya ako,at baka isipin na sinusundan ko sila

"Problema?" Tanong ni Alexa,umiling ako at tinuloy na ng pag kain di mawala sa isip ko yung mag ama,di ko alam kung bakit feeling ko Ang lapit sakin nung anak Niya,di kaya nag seselos lang ako?

Di sumama samin si Khalix dahil aalis siya mawawala siya ng 2 Months,kaya Ang lungkot ng buhay ko pag Wala yung mokong nayun ayss...

Napatingin ulit ako sa likod ko at nakita Kong tumayo na si Ken siguro ay aalis na sila,Malaki namn na yung anak niya siguro mga 4-5 years old na,Ang gandang ng anak ni Ken,siguro Ang ganda nung bago niyang asawa..

"Hoy kath!sino ba tinitignan mo diyan?,kumain ka nga ng kumain" sermon sakin ni Yuna,epal amp,nag m-momment Yung tao eh,inubos Kona yung pag kain ko,tuluyan na ngng umalis yung dalawa,

Ang sakit sa pakiramdam na yung taong hinihintay mong bumalik ay Meron na ulit Masayang Pamilya

_____________________________________________

°•°





A Secret | SB19 Ken (Series #1)Where stories live. Discover now