Chapter 14

332 10 2
                                    

𝑲𝒂𝒕𝒉'𝒔 𝑷𝒐𝒊𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝑽𝒊𝒆𝒘

"Mommy!"

Napatingin kami sa batang sumigaw at lahat kami ay nagulat dahil tumakbo ito papunta kay Alexa,napatingin tuloy ako sa reaction ni Josh sa pag yakap at pag tawag na 'Mommy' kay Alexa nung bata.

"Mommy?" Sabay na sabi nung dalawa maliban kay Ken at Josh,hindi ko alam kung maawa ba ako kay Josh o Magiging masaya para sakanila

Bumitaw na sa yakap yung bata at napatingin ito kay Josh pero ang mukha ni Josh ay nakakunot ang noo at halatang nag tataka,tinry kong lumapit kay Josh para pakalmahin ito o tanungin kung ayus lang ba siya,

"are you okay?Josh?" Tinapik ko ang balikat niya,napatingin naman ito sakin para bang gusto niyang mag tanong sakin kung ano ba yung totoo at kung alam ko ba toh

Kay Alexa naman napunta ang tingin ko,gusto niyang lumapit kay Josh pero hindi niya magawa kaya bigla siyang umalis kasama yung anak niya na ang pangalan ay Kenneth Jhay

"Teka!Alexa!" Hinabol ni Josh ang mag ina,susundan na sana ito ni Stell at Yuna pero pinigilan ko sila dahil kailangan nilang mag usap dalawa

"Hayaan niyo nalang muna silang mag usap"

"Alam niyo?bakit niyo tinago?" Inis na sabe ni Stell

"Mahal,easy lang.."

"Mahabang kwento.."

"Tinago niyo parin" malamig na sabe ni Ken,kaya napatingin ako sa likod ko napakunot noo ako at tinaasan ko siya ng kilay

"Privacy ni Alexa yun,bakit namin sasabihin sainyo?" Inis na sabe ko

Tumingin sakin yung Apat kasama si Yuna,"sabihin niyo nga samin,Si Josh ba yung ama nung bata?"

"Hindi ko masasagot yan,bakit hindi niyo tanungin si Alexa"

Umupo muna kame sa inupuan namin kanina,uupo na sana ako ng biglang umupo si Ken sa uupuan ko sana,"ano ba!dyan ako e" reklamo ko,napaka epal naman nito andaming uupuan sa upuan ko pa talaga

"Lumipat kanalang dun,dami pang reklamo" aba!inis akong umupo sa may tabi ni Jah dahil katabi ko na rin si Jah ay madami akong gustong itanong sakanya,katulad nalang ng,"Jah,may girlfriend kana?"

Napatingin ito sakin at biglang tumawa,"meron na noh?" Tanong ko ulit.

"Wala,pero may nagugustuhan" sabat naman ni Stell

"Ay sino?pede pashare?" Nag pacute pako para lang sabihin kung sino yung nagugustuhan niya

"Bata." Rinig kong sabe ni Ken habang nag seselpon,gusto ko siyang batuhin ng hawak kong drinks,kanina pa kase epal papansin

Ilang Minutes na kame dito,hinihintay lang namin kung babalik yung dalawa na si Alexa tsaka si Josh kasama yung anak nila,habang nag hihintay kami ay dumating na nga sila,kaya napatayo kaming lahat, "alexa?"

Tumingin samin si Alexa at Si Josh,binuhat ni Josh ang bata," Anak ko nga pala" pag mamalaki nito,nagulat ang lahat pati si Ken lumapit sila Stell para kausapin yung bata tuwang tuwa naman ang bata at si Josh

Naiwan ako sa likod mag isa,ayuko naman makipag siksikan pa,nakaramdam din ako ng inggit kaya parang gusto ko nalang umalis para hindi ko ulit toh maramdam baka kase dito pako mag drama,habang nag kukumpulan sila dun ay umalis nako hindi naman nila ako napansin kaya tumuloy nako sa pag alis

Pumunta ako sa sementeryo para bisitahin naman ang anak ko,galing din ako dito kahapon ng umaga gusto ko kase na araw araw ko siyang binibisita at araw araw ko siyang nakakamusta kung minsan hindi ako dumadalaw sakanya ay nag sosorry ako,ang sarap na pakiramdam na kahit wala na yung anak ko ay feeling ko andito siya sa tabi ko.

"Anak,kamusta? Alam mo bang andami kong ikwekwento sayo,handa kabang makinig kay mommy?" Naiiyak na tanong ko,miss na miss ko na yung anak ko,gustong gusto kong maranasan na makasama ka o mayakap

"Kilala na ni tito josh mo yung anak niya,sinabi na ni Tita mo..buo na sila" kwento ko habang nakaupo sa harap ng puntod nito

"Sana buo rin tayo ng daddy mo kung andito kalang,siguro ang saya natin,kaso may ibang pamilya na yung daddy mo eh,mali pala yung naiimagine ko dati na magiging masaya tayong tatlo" lalo ng bumuhos ang pinipigilan kong luha

"Anak..aalis na muna si mommy ah,mag aasikasuhin lang ako,bibisitahin kita pag nag karoon ako ng time mamaya o bukas" tumayo na ko at inayos na ang sarili

Paalis na sana ako ng biglang may nag lagay ng bulaklak sa puntod ni Amara,napatingin ako  sa lalaking yun, "Ken?"

"What?"

Umiling lang ako at hindi na makapag salita pa,ang saya siguro ng anak ko ngayon dahil binisita siya ng Ama niya, "thank you at binisita mo ang anak mo" nakangiti kong sabe

"Baka kase sabihin mo na wala nakong pakielam sa anak mo" malamig na sabe nito,nawala onti ang ngiti ko pero masaya parin ako na bumisita si Ken dito, "saglit lang ako dito, ayukong mag tagal dito" sunod na sabe niya

"Pwede bang kahit onting oras,mag stay ka muna dito—, hindi mo ba siya k-kausapin?"

"Makakausap ko ba yung patay?"

"Ken,ano ba"

"Kath..umayos ka nga,nag mumukha kang baliw sa ginagawa mo—"

"Okay ng magmukhang baliw..anak natin ito e wala kabang pakiramdam!"

"Patay na yan Kath..wala na yung anak mo—"

"Natin!Anak natin toh Ken!anak natin!" Sigaw ko,hindi ko na mapigilan umiyak dahil sa sakit ng mga pinag sasabi niya,may gana pa pala siyang sabihin yun,hindi parin aiya nag babago

"Pinuputol ko na yun!last na punta ko na dito dahil hindi ko naman kasalanan na naging pabaya ka kaya namatay ang anak mo! Kaya kahit ano pang sabihin mo Hindi 'SUSON' ang apilyedo nyan!" Inapakan niya yung bulaklak na nilagay niya sa puntod ng anak ko bago siya umalis,hindi ko na kaya yung pinag sasabi niya sakin at sa anak namin,ganun nalang bayun sakanya,paano nalang kung buhay ang anak namin,ganito parin ba ang gagawin niya?!

Andito ako sa kwarto,hindi ko makalimutan yung mga sinabi ni ken sakin kanina,ganun nalang ba sakanya ang lahat,nag karoon lang siya ng bagong pamilya nag bago na siya hindi naman talaga siya ganun pero bakit ibang iba na si Ken sa dati,siguro kasalanan kurin,kung hindi ko sana napabayaan yung anak ko hindi kami mag kakaganito.

______________________________________________________
°•°

A Secret | SB19 Ken (Series #1)Where stories live. Discover now