Chapter 19

244 5 2
                                    

KATHLEEN

"Goodmorning everyone, i'm Kathleen Tolentino" hindi kona pinahaba ang pag introduce ko dahil wala naman silang pakielam sa buhay ko name lang naman ang tinanong nila kaya bakit kopa papahabain.

"Okay kathleen, umupo kana" mahinahong sabe ng prof namin. "Ms. Lim may bakanteng upuan ba dyan sa tabi mo?" Tanong sa babaeng nag susulat. Napahinto ng tanungin siya ng prof namin.

"Yes prof meron po" tanging sagot nung babae. Dahan dahan naman akong lumapit at umupo sa tabi niya. Nakakahiya baka magambala ko yung ginagawa niya

Nag simula na mag discuss ang prof namin napapansin kong mabilis ang oras at puro tawanan lang ang ginawa namin dahil nga funny yung prof namin. Sana lahat ng prof ganyan

Napatingin ako sa katabi ko, sulat parin siya ng sulat ako kasi tamang pakikinig lang sa kwento nung prof namin siya sulat parin ng sulat pero nakikinig naman siya hindi ko nga alam baka pati kwento ng buhay ng prof namin sinusulat niya rin. Sakto naman maagang lumabas ang prof namin dahil maaga natapos ang lesson ayaw niya daw kasi pangunahan ang mga lesson dapat daw sabay sabay

"Hi" napatingin naman ito sakin na may halong pag tataka. Ngumiti naman ito bahagya at deretsong hinarap ako

"Hello"  maikling pag bati rin nito.

"I'm kathleen" nakangiting pag papakilala ko dito.

"Yeah narinig ko" sagot nito. Edi hindi ka binge

"Hmm okay" umiwas narin ako sakanya at tumingin nalang ako sa bintana dahil halata namang ayaw niya akong kausap.

Pero curious talaga ako e baka may alam siya about dun sa group nila kuya narinig ko yung chismis sa labas ng classroom na sikat daw yung kuya pablo ko. Pero wag na sigurong itanong malalaman ko naman siguro yun pag tumagal nako dito sa school natoh.

Maganda naman tong school natoh but hindi ako komportable lahat sila tahimik then medyo maingay pero hindi kagaya sa U.S na magulo dun ako sanay at dun ako nasanay

"Are you okay?" Napatingin ako sa katabi ko. Napansin niya na hindi ako mapakali. Andami ko lang iniisip tas dumagdag pa pag kacurious ko kala kuya.

Ano ba kasi meron dun kala kuya???

"Yeah" maikling sagot ko. Tumango lang ito at bumalik sa ginagawa. "Pwede mag tanong?"

"Sure" tumingin ito sakin. Ngayon ko lang napansin na may kagandahan rin pala toh at mukhang matalino pero hindi ako naniniwalang tahimik siya.

"Kilala mo ba yung John Paulo Nase?" Nakita ko yung pag kaiba niya ng reaksyon. Parang kinikilig siya i mean yung mata niya kasi kitang masaya. Crush niya ba si kuya?

"Why?" Maikling tanong nito pilit binabago ang reaksyon.

Baka siya yung girlfriend ni kuya?!!

"Wala kasi.. tatanong ko lang sana if sikat ba sila dito or what? Kasi—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mag salita agad siya.

"Kasi masama ang tingin sayo ng mga students na parang papatayin ka nila sa tingin. Nag seselos lang yung mga yun" sabe nito.

"Bakit sila nag seselos? Lahat ba ng babaeng students dito girlfriend nila?" Seryosong tanong ko. Kita ko ang pag tawa niya ng mahina at pag tampal ng noo niya. "I'm serious" sabe ko dito.

"Of course not. Siguro nga hindi mopa sila kilala at kung ano sila dito sa university" nakangiting sabe nito na parang nag pipigil ng tawa. Anong nakakatawa? "Lahat ng students dito ay may crush sakanila. Dahil sa talino, gwapo, at talents nila kaya campus crush sila dito"

A Secret | SB19 Ken (Series #1)Where stories live. Discover now