Chapter One

61 1 0
                                    

Chapter One

Huling araw na ng pasukan, andito ako ngayon, nakatayo sa harapan ng isang senior na lalaki, sa gitna ng soccer field. He's holding a big bouquet of roses with his right hand while kneeling like a prince in front of me. Maraming nagtiliang mga babae dahil sa kilig na hindi ko maramdaman ngayon. Kung nandito lang siguro ang bestfriend ko, nangisay na 'yon sa kilig. Mahilig pa naman 'yon sa mga gantong scenes.

Napabuntong hininga na lang ako, "I'm sorry I don't like you." I rejected the guy who had a guts to confess his feelings for me in front of these people. Ang sabi nya gusto nya lang itry dahil next school year ay college na sya. But I don't have time for this, so I clearly rejected him.

Natigil ang mga nagchi-cheer na kaibigan nya dahil sa diretsuhan 'kong pagreject sa kanya. May mga dala pa silang balloons na nakahilera, may letters na nakagay na CAN I COURT YOU kung babasahin. Bakas sa mukha nilang lahat ang disappointment.

What? It's not my fault. Hindi ko sinabing mag confess sya sa akin sa harap ng maraming tao. He should've known that I always rejected whoever try to confess their feelings for me.

Tinalikuran ko na sila, pati ang lalakeng nakaluhod at nakatulala pa din sa kawalan dahil sa walang pag aalinlangan 'kong pagtanggi sa kanya.

Let this be the lesson for them. Ewan ko lang kung may magtry pa ng mga pakana na ganito. He thinks I wouldn't be able to reject him because he confess in public? No way, I wouldn't let myself be trapped in like that.

Kinabukasan ay dinumog agad ang social media accounts ko ng bashful at hateful words. May nagvivideo pala kahapon sa amin ng hindi ko namamalayan.

"Feeling maganda! Maputi lang naman. Makareject akala mo beauty queen. Kawawa naman si kuya, akin kana na lang please." basa ni Andra sa isa sa mga comments. She's using my laptop while lying on my bed.

Napairap ako sa kanya pero hindi nya 'yon pinansin. Natutuwa pa ding magbasa ng mga bashful comments para sa'ken. Nagviral kasi yung video na 'yon sa online.

"Hindi manlang nagbigay ng chance! Mukhang good boy pa naman si kuya, yan ang hirap sa mga babae eh, badboy lagi ang hanap, playboy lagi ang hanap tapos pag nasaktan shaming mga lalake ang sisi." natatawa nyang basa.

I deactivated my accounts dahil may mga pilit na nagpapakalat ng mga pictures ko tapos ginagawan pa ng memes. May mga nagmemessage pa sakin, puro panlalait at yung iba nagbabanta pa. Wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila para saken pero they're invading my privacy.

"Nako Sañez pala yan, apo ni Congressman Sañez. Batangueña din pala kaya masyadong mayabang." medyo inis sya nung mabasa 'yon. "So kapag batangueños mayabang? Kapal ng mukha nito ah!" naasar nyang sabi.

Hinila ko na ang laptop mula sa kanya at mabilis na sinara ito ng hindi manlang nashutdown.

I signed, "Just stop. Let them say whatever they want. Useless lang din naman yan kung hindi ko mababasa. Let their efforts be wasted, Andra." saway ko sa kanya.

Nakarating kay papa at sa mga grandparents ko ang pag kalat ng viral video ko kaya sine sermunan nanaman ako ng magaling kong ama.

"Wala na talaga kayong ginawa kundi ang ipahiya ako!" sigaw ni nya sa'ken. "Mga pabigat na nga!" dugtong nya pa.

I stared at him coldly, "What do you want me to do? give him a chance?" malamig kong  sabat sa kanya.

Lalong nag init ang ulo nya sa pagsabat ko sa kanya, kaya nung may nahawakan syang gamit ay agad nya 'yong binato sa harap ko. Babasagin iyon kaya nag kalat na ito sa sahig.

Dinuro nya ako, "May utak ka ba? Hindi ba pwedeng magkunwari ka na lang muna bago mo tanggihan ang kung sino mang lalakeng yon!" bulyaw nya sa akin na para bang ang tanga tanga ko na hindi manlang iyon pumasok sa utak ko na gawin.

Protecting My Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon