Chapter Two
"Ang kapal ng mukha ng batang Montevarez na 'yon!" nanggagalaiting sigaw ni papa nung makababa na kami ng sasakyan.
Kararating lang namin sa mansyon galing sa debu party ni Andra. Hindi manlang nya hinintay na makapagpalit kami ng aming mga suot, agad akong hinila ni papa papasok ng study room nya at doon ako marahas na sinampal sa pisngi. Hindi manlang nag abala na alamin ang muna ang buong kwento at side ko.
Dinuro nya ako, "Hindi ba alam nyong kaalitan ko ang mga Montevarez na iyon!" He said and then slap me again, "H'wag na h'wag ka nang makikipag lapit sa batang Montevarez na 'yon!" umalingawngaw ang sigaw nya sa buong silid.
Hawak hawak ko ang sariling pisngi na namumula dahil sa kanyang pananampal. Hindi ko ininda ang sakit at hapdi nito, pinigilan ko ang sarili na ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Naramdaman ko ang paglapit ni Tita Kierra para awatin si papa. Lumapit sya sa nagwawalang asawa saka ito hinawakan sa braso para mapigilan ang maaring susunod nitong pananakit sa akin. Nakasuot pa din ito ng kanyang gown, sinundad nya agad kami ni papa dahil alam nyang sasaktan nanaman ako nito.
"Fredolfo, wag mo namang idamay ang mga bata sa alitan nyo ni Rosscov." naiiyak na saway nya sa kanyang asawa habang hinahaplos ito ng marahan sa braso.
Hindi manlang kumalma si papa, mas lalo pang nadagdagan ang galit nito, hinawi nya ang kamay ni Tita sa kanyang braso pero pilit iyong binabalik ni Tita para kalmahin ito.
Hinawi nya ang kamay ni Tita, "Wag kang makialam dito, Kierra! Problema namin 'to ng anak ko!" malakas bulyaw sa kanya ni papa.
Nakita ko kung paano natigilan at nasaktan si Tita dahil sa sinabi nya. Napabitaw ito sa pagkakahawak sa kanyang braso habang naluluha na ang mga mata.
Suminghot sya, "She's my daughter too, Fredolfo." naluluha nyang sabi.
May tampo at hinanakit ang pagkakasabi non ni Tita Kierra pero malamig lang syang tiningnan ni papa. Walang pakialam kung nasasaktan nya na ang babaeng asawa.
"Alam nating lahat dito na hindi mo anak ang rebeldeng batang to!" sigaw nya habang dinuduro duro ako.
Tuluyan nang napaiyak si Tita Kierra dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ni papa.
Tita Kierra is my Step mom, hindi ko sya tunay na ina pero tinuturing nya akong sariling anak. Hindi ko alam pero hindi ko magawang tanggapin sya bilang ina pero maayos at magalang ko naman syang pinakikisamahan. Maagang namatay ang tunay kong ina sa ambush at dahil iyon sa ama kong maraming kaalitan noon.
Inilayo ako ni Tita Kierra kay papa nung nagsimula na itong magwala at magbasag ng mga gamit.
"Ang walangyang Caviteño na yon! Dito pa nagpatayo sa teritoryo ko ng negosyo para mag yabang! Pati anak nya harap harap an akong pinagmamayabangan!" sigaw nya habang nagwawala.
Nakatulala lang ako habang pinapanood ko syang ubusin ang mga mamahaling gamit sa silid na 'to. Tumigil sya saglit at tiningnan ako ng masama bago dinuro ulit ng kanyang daliri.
"At ikaw!?" nanggagalaiting turo nya sakin, "Kelan pa kayo naging magkakilala ng lalakeng yon ha?" Ma pang akusa nyang tanong saken, "Boyfriend mo na ba ang anak ng Montevarez na 'yon?" dugtong nya pa, hindi manlang nag abala na hintayin ang sagot ko. Gumawa na sya ng sariling kwento mula sa sariling imahinasyon.
Pilit kong kinalma ang sarili at napagdesisyunan na 'wag syang patulan ngayon dahil pagod ako. Gusto kong hayaan na lang syang pagbuntungan ako ng galit hangga't sa magsawa sya. Alam ko naman na alam nyang hindi iyon totoo, pero napapaniwala pa din sya sa sariling imahinasyon, dahil lang sa patungkol iyon sa anak ng karibal nya.

BINABASA MO ANG
Protecting My Ex-Wife
RomanceMaria Trinity Sañez is a girl who doesn't need a man in her life. She grew up despising her own Father. She believes that he's the reason of her mother's death. So that he can marry his mistress. Upon rebelling on her father, at the age of eighteen...