Protecting My Ex-Wife"Congratulations! You're officially Ms. Sañez again!" sigaw ni Andra habang winawagayway nya pa sa harap ko ang mga papeles na nagpapatunay na annulled na ako.
Tinawanan ko sya dahil may dala pa talaga syang wine at binuksan nya 'yon. Hinigit ko sa kanyang kamay ang papel at saka tinabi. Baka mabasa pa. Ilang taon din ang hinintay ko para sa paper na to.
"Congratulations too. You're officially engaged to my cousin!" masayang bati ko naman sa kanya.
Para kaming tanga na nagyayakapan habang tumatalon talon pa. Hindi ko alam pero sobrang saya talaga ng araw na 'to. Sabay sabay nagsidatingan ang magagandang balita.
"Double celebration!" masayang sabi nya pa bago bumitaw sa pagkakayakap sa'ken.
Nagsalin sya ng redwine sa dalawang wine glass. Inabot nya sa akin ang isa.
"Cheers!" sabay naming sabi bago marahan na pinagdikit ang aming wine glass.
We both sip in our wine glass. Andra, immediately put the glass on the table after one sip and then wink at me.
"I'll be a Mrs. Sañez soon! Ikaw naman balik na ulit sa Ms. Sañez, goodbye Mrs. Montevarez." natatawang sabi nya sa akin.
Inirapan ko sya dahil sa pagtawag nya sa akin ng Mrs. Montevarez.
"Don't mention that surename in front of me, again." naniningkit ang mga matang sabi ko sa kanya.
Natawa sya sa reaksyon ko. Alam nya talaga kung paano ako asarin.
"Roger that, Ms. Sañez." sabi nya habang nakasalute pa saken.
Natatawa ko syang hinampas dahil sa kabaliwan nya. Humalakhak lang sya at hinayaan akong hampasin sya sa braso.
"I love you, Trin. I hope you find your own prince charming soon." sabi nya na medyo nakapagpalambot ng aking nagyeyelong puso.
"I don't need a man in my life again, Andra." wala sa sariling nasabi ko sa kanya.
Nakita ko kung paano sya natigilan dahil sa sinabi ko. Nakita ko kung paano nawala ang mga ngiti nya sa labi. Malungkot nya akong tiningnan bago nagsalita.
"It's too soon for you to say that. We're still young, Trin. Twenty two ka pa lang. Marami ka pang makikilala na magpapatunay sayo na sa maling tao ka lang napunta nung una. Trin isang beses pa lang 'yon. Wag mo naman sana isara ng tuluyan yang puso mo." malungkot na pangaral nya sa akin.
Hindi naman ako bitter. Ayoko lang talaga sumubok ulit. Yung takot na nga ako noon sumubok tapos ginawa ko, pero nung sinubukan ko na, nabigo naman agad ako. Feeling ko hindi talaga para sa akin. Feeling ko hindi ko talaga kayang magmahal ulit at bumuo ng sarili kong pamilya. Natatakot ako na baka wala akong pinagkaiba sa ama ko na hindi ko naramdamang nagpaka ama sa akin. Natatakot ako na baka ganon din ang mairapamdam ko sa mga magiging anak ko.
Kaya nga siguro ako iniwan ng walang dahilan ay dahil din sa akin. Hindi ko kayang iparamdam ang totoong nararamdaman ko. Lumaki akong hindi nakikita ang pagmamahalan ng mga magulang ko. Lumaki ako sa paniniwala na pagmamahal ang ipinapakita ng ama ko sa asawa nya na step mom ko.
Natapos ang celebration namin ni Andra na hindi ko sya kinausap patungkol sa pag ayaw ko na ulit sa mga lalake, dahil sa bigong una kong pagsubok magmahal.
"Ingat ka ha! Bakit ba ayaw mong dito na lang matulog? Ngayon ka pa nahiya saken eh magiging kamag anak mo na din ako soon." nabubulol nyang sabi habang nakahiga sa kanyang kama.
Hindi ako makapaniwala na nalasing sya sa wine. Wala tuloy akong nagawa kundi hilahin sya makarating lang kami sa kwarto nya. Wala pa naman kami sa bahay nila, nasa condo nya kami ngayon.

BINABASA MO ANG
Protecting My Ex-Wife
RomanceMaria Trinity Sañez is a girl who doesn't need a man in her life. She grew up despising her own Father. She believes that he's the reason of her mother's death. So that he can marry his mistress. Upon rebelling on her father, at the age of eighteen...