Chapter 2 - Remember the first day

7 2 0
                                    

First day of school went well, bukod sa puro sabi ang mga prof na maraming sumusuko sa course na to, di pa rin ako discouraged. Instead,  parang na chachallenge ako-well, kami actually. You see, friendly naman ako eh kaya may bago akong tropa, wish ko lang na mga tunay na tong nakita ko. I think the fact that im bisexual makes them comfortable. well maybe ung shirt ko ung nagdala, im wearing my fave statement shirt — im friendly - . kaya siguro ganon.  Lol.idk

Sina Gianne, Patricia, Charles, Stefanie, and Max may they be for keeps, forever. mukha naman silang cool and mababait eh. A bunch of misfits like me siguro kaya cool na agad kami sa isa't-isa Sabay sabay kami kumain ng lunch sa may university mall. Promise namin na lilibutin naming tong school and ung area sa labas nang sabay sabay sa Friday. Tuwing Friday kasi ay walang pasok kang buong university. Sina Gianne, Patricia, Stefanie, and Max daw magiging tour guide naming since taga ditto lang sila.

The funny thing is same dorm building kami ni Charles, same floor pero dulo-dulo ung room. 212 sya while 203 ako. Cool non diba? Instant study buddy pag nagkataon tapos pag na bored ako sa room pwede ko syang bisitahin/bwisitahin. Ung iba naman sa new friends ko is taga dito lang. swerte no? di na sila aalis ng lugar na kinalakhan nila para mag aral. Hay na miss ko tuloy bigla sina Mama.

After classes ay naglakad lakad muna kami, ikot sa campus kasama ang buong tropa, kain nang ice candy sa malapit sa gate 1 ng school then uwi. Since dorm mates kami ni Charles,. sabay na kami naglakad pauwi. Kwento ditto kwento jan, captain pala siya nang chess team nila nung highschool, 5 girlfriends, lahat siya nakipag break kasi "trip ko eh, bat ba" . what a douche. GGSS. Natigil ako sa paglalakad nang inakbayan niya ako. Cheese, awkward.

"alam mo Charles, di porket ganto sexual preference ko, pwede mo nang gawin yan kasi 'trip mo'" tinanggal ko na ung braso nya sa balikat ko at binilisan ko ang lakad ko.

"tch, to naman, bawal ba akbayat future girlfriend ko?" humabol naman ang mokong

"lol. gutom lang yan".  Tumingin na ako sakanya, baka seryoso tong mokong.

"sabay tayo kain mamaya babe? Libre ko" cute din pala to si Charles pag naka smile eh. Medium build — chubby pero pantay ung chan niya sa chest nya — chinito and matangkad sakin.

"tigilan mo nga ako jan sa 'trip mo' . saka sabi ng roommate ko kagabi, sabay daw kami kain eh. Next time na lang, or sama ka samin?" sabi ko sakanya ng pa smile. Sayang un pag di ako ngumite, baka magalit. free food. Bwahaha next time.....

"gusto ko solo kita." Holding hands naman trip niya

Agad ko naman tinangal ung kamay ko. "weird. Please. My answer is no kung ano man yang balak mo. Ayoko mabiktima jan sa 'trip mo'. I don't want to assume but my instincts tell me na it might get ugly kasi matagal pa tayong magsasama sa college. I would like to be your friend for a long time. Awesome mo kaya"

"ouch. Well, I like an honest person. Sige boyfriend mo na ako. Pero okay lang na ako lang may gusto. I can love for the both of us."  Pagpasok naming ng dorm building is nakatingin si Sir Ben samin. Mukha naman niyang binaliwala kasi iniabot nya naman ung mga susi sa amin.

"naks, may ganon. Friends, forever. Sorry — thank you sir Ben."

"uy, may bagong memo galing sa itaas. Ipaduplicate nyo na daw yang mga susi para mas convenient. Para di niyo na iwan dito. "

Tumungo na lang ako since sakin nakatingin si Sir Ben.. o feeling ko lang na sakin sya nakatingin. Nakaka speechless ung kapogian. Ay cheese. Nagpatuloy na kami pumunta sa room namin.

"tch, anong room ka ulit? Sunduin kita bukas, sabay na tayo pasok." Pa smile nyang sabi sakin

"203." Pinakita ko sakanya ung keychain nang susi namin na may nakalagay ng number ng room

" hatid mo na ko, tutal dun din naman daan mo eh."  Nag smile ako sakanya, hmm sayang kasi talaga ung free dinner.

Nasa may harap na kami nang kwarto ko nang nag ring ung phone nya.

"hello ma.... Opo .... Opo.... Opo ... po?...."

Sumenyas na lang ako sakanya na papasok na ako sa kwarto. Medyo kumunot ung noo nya pero na kuha nya rin ung gusto kong iparating.

Dahan dahan kong isinara ung pinto at nung pagtalikod ko — OH CHEESE — naalala nyo ung sabi kong nakasalubong kong pogi sa may hagdan ? siya... siya ung roommate ko..

"a..ang.. gwapo."

"thank you, dami nga nagsasabi" tawa sya habang tumatayo sa pagkakaupo

"ay joke. Napalakas"  dinaanan ko na lang sya at dumerecho sa may cabinet at kunwaring may inaayos. Oh cheese oh cheese, ang awkward.  Tawa na siya nang tawa.

"kala ko ba friendly ka. Haha tara kain na tayo, tagal mo. Kanina pa ako nag aantay."

"kelan ko sinabing friendly ak—- ahh.. ay. Haha sorry. San ba tayo kakain?" bat bigla akong kinabahan. More titig time. Woo.

"dun sa may country road, masarap dun" tinititigan niya ako. Medyo di ako sanay makipagtitigan sa gwapo. huhu

"di ko alam yun. Bahala ka na sa akin"  napatingin na lang ako sa sahig

"sure"

Unlucky ConstellationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon