Chapter 9 - cupcake catastrophe

9 0 0
                                    

Dinner dates, kulitan moments, the occasional hatid-sundo, sabay mag almusal, and Friday night dates. Ang sweet no? dati pangngarap ko lang na makasama siya na may romantic touch ngayon natupad na. I still can't believe na nangyayari sakin to. Naiintriga na nga ako minsan nila Gianne eh. Swerte ko daw kasi nakakita ako nang tulad ni Andrew na sinusundo pag early ung dismissal sa last subject niya. Si Charles naman ay medyo naging cold and idk why pero lagi parin namin siyang kasama nang tropa.

Tuwing umaga ay di na ako mag isa lumalabas nang school para mag almusal, sinasabayan niya ako para daw mas masarap umaga ko lalo na ang umaga niya. Nag tatalo pa nga kami non minsan pag umaga eh.

"matulog ka na nga lang jan pls. puyat ka kagabi mag review diba? Mga 3 ka na ata nakatulog non eh. 4 ako natulog kkakareview tapos pinapanood kita matulog. Hehe nahilik ka pa nga eh. Saka 9 pa pasok mo. Uuwian na lang kita nang food. Matulog ka na" Sabi ko sakanya with matching hawak pa sa kamay. Bagong ligo ako non.

"and leave you alone na kumain at walang kausap? Hell no Leo. Sasama ako. Saka, gutom na rin naman ako eh." Inalis niya ung kamay ko ng dahan dahan para makapabihis siya.

Hindi na ako nakipagtalo kasi fighting him this early would only result sa pagkapagod. And I am reserving my energy para sa pre finals exam ko nun later part ng day.

Sino bang hindi kikiligin don diba? Kaya naman ngayong weekend na andito ako sa bahay, I have decided to bake him some cupcakes kahit na hindi ako marunong para man lang malaman niya na I appreciate his love. saka ganun naman un diba? we exert effort para sa taong mahal natin.

Early Sunday morning ay gising na agad ako and I am rummaging around our kitchen para mag hanap ng ingredients.

"ang aga naman niyan."

"syempre, baka kasi tamarin ako pag mamaya eh. Eh ikaw kuya? Bat ang aga mo? Saka bat naka polo ka? Nag overnight ka nanaman sa office no?" medyo mapungay na ung mata niya at humikab habang kausap ko.

"oo eh. May files lang na needed kasi magkaka meeting with international partners next month. Gusto ko perfect lahat." Humikab ulit siya pagkaupo sa upuan sa may counter.

"kain ka muna kuya bago matulog. I'll make pancakes kung gusto mo?" nilapitan ko si kuya to massage his back.

"OY. Ako gusto ko nang pancakes! Hehe good morning brad good morning princess" singit na sabi nang pawisang kuya Yosef nag curtsy siya nung pagsabi niya ng princess.

"pano ka nakapasok? MANA- pfff pwe pwe" sisigaw na sana ako kaso tinakpan niya ung bibig ko. Lasang goma. Yaaak.

"nag jjogging ako tapos konting basketball nung nakita ko auto nang kuya mo na papasok ng garahe. Si manang nag papasok sakin. chill lang nerd"

Tumayo na si kuya sa pwesto niya at kinuha ung bag and ung canister niya sa may lamesa. "matutulog na ako. Si Sef na lang ipagluto mo."

"oh narinig mo kuya mo. Bwahaha." Umupo siya dun sa upuan na nabakante ni kuya.

malayo na si kuya nang naalala kong di ko pa pala sakanya na kkwento si Andrew.

"sleep well kuya. May kkwento ako mamaya"

Di na ako pinansin ni kuya, pagod na pagod na siguro kawawa naman.

"ano lulutuin mo? Gutom na ako."

Kumuha ako bacon, buttermilk, butter, and orange juice sa fridge and nilagay sa baso ung juice tapos iniabot ko na kay kuya Sef.

"pancakes and bacon. Kumalma ka muna jan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unlucky ConstellationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon