Chapter 7 - si Jack ang solusyon, nevermind the question.

8 0 0
                                    

[ a/n: eto po ung kadugtong nung prologue.  Xx ]

"ay ang kulet. I won't take no for an answer and besides we need to talk"

...................................

It's been two cups of rice, a bottle of powerade blue, and 3 small talks...  wala pa din yang we need to talk niya. Di ko siya matitigan or matignan. Nakayuko lang ako the whole meal. Cheese, this is so awkward. Medyo naiiyak nanaman ako kaya inubos ko na ung pagkain ko then agad na tumayo at naglakad pabalik nang dorm.

Siya naman ung nag aya dito eh. Siya ung mag ttalk diba? I am so not ready for this. Fudge me. So this is it then, goodbye Andrew. I think I can't live with this. Ugh. Siguro naman obvious na may gusto ako sakanya. Lalayuan niya na kaya ako?

 

Di ko na kinaya, tumakbo na ako pabalik sa dorm habang naiyak. Talk about cliché.

Dumerecho muna ako sa office ni sir Ben bago bumalik nang dorm.

"sir kunin ko na po ung gamit ko ah." Pasingkot singhot pa ako. Im so pathetic. tss

Nakaupo si sir sa may harap nang pc.

"sige, pasok ka. Anjan lang sa shelf-okay ka lang ba? Bat mapula yang mata mo? Nag drugs ka ba o umiyak ka? Lika nga dito" hinila niya ung pinakamalapit na monoblock sakanya and he gestured na umupo daw ako which is sinunod ko naman and yumuko then placed my hands sa lap ko.

"okay lang po ako." My voice cracks. Fudge, why now.... Ugh.

"di ka okay Leo. I kwento mo na, besides, wala din naman ako gagawin eh. Might as well help someone in need. Im here to listen." Hinawakan niya ung kamay ko.

This is the first time someone said those words to me. Someone who would listen... I like the idea of that.

"teka sir, antayin ko po muna si Andrew pumasok nang room. Wag nyo pong sabihin nandito ako ah." Tinanggal ko ung contact namin and nagtago sa may shelf.

Bumalik naman sa pag  ccomputer si sir Ben.

buzz

8:22pm

Andrew: asan ka na? bat wala ka dito sa kwarto? Magpalit ka na nga nang damit mo, kanina ka pa pawis.

Lumabas na ako sa may shelf and bumalik sa inuupuan ko kanina. Kinuwento ko kay sir Ben ang nangyari, ung feelings ko, ung pain, basta ung lahat kasama ung kiss. Buti na lang hindi judgemental si sir Ben. Naiiyak nanaman ako, hugot na hugot.

"alam mo leo, you're not hard to like. Cute and mabait ka naman, you even helped me magdilig sa labas pag weekends. Di ako makakita nang rason kung bakit ka kakagalitan ni Andrew. Malay mo, with those signals, he likes you din pala. di naman niya siguro gagawin yon kung wala siyang nararamdaman diba?....... maybe he feels something good towards you..... Ikaw lang tong manhid." Natawa siya dun sa last niya na sinabi

"sir naman ehh... nakita ko ung expression niya after the kiss. It clearly says na hindi siya amused on the stunt that I just made. Ugh. Di ko na alam gagawin ko."

"may bote pa ako ng jack sa bahay. Kung gusto mo dun ka muna, tutal magisa lang ako. Sabay na lang tayo pasok bukas nang madaling araw. Patapos na rin naman shift ko ngayon eh"

"sige sir, kaso papalit po muna ako nang damit."

Nakatayo na ako nang naalala ko na ayaw ko pang makita si Andrew. Hesitant ako na maglakad. Napansin naman ata ni sir Ben.

"humiram ka na lang nang damit ko. Mag log lang ako then alis na tayo, marunong ka naman mag drive diba. Eto susi ng auto ko. Start mo na."

Sinunod ko na lang ung sabi ni sir Ben. I offered na ako na mag drive and he let me drive his car since pagod na daw siya. He instructed me the directions to his house, malapit lang pala sa school. Nag sasasakyan pa. sayang gas. haha 

Pagdating sa bahay niya ay agad akong nakiligo kasi pawisan ako kanina pa and ang sticky na sa pakiramdam. Inihanda naman niya ung mahihiram kong shirt. Proxy shirt ni FM and boxers niya na adventure time. Since matangkad and maganda ang build ng katawan ni sir Ben sakin, medyo naging knee length ung shirt.

"pasensya na ah, yan pinaka comportable kong shirt na maiooffer sayo. Luma na yan kaya medyo maluwag at obvious naman na mas malaki sayo. haha sorry. Bili muna ako yelo sa kanto" 

"okay lang po, sama ako. Ayoko magisa dito no"

"wag ka nang sumama, ang ikli nyang suot mo."

As usual, sumunod nanaman ako sa sinabi nya.

Pagbalik niya ay uhaw na uhaw na ako. Gusto ko nang makalimot kahit saglit lang kahit medyo madali akong mamula and mahilo, Id do it to ease the pain. Kumikirot na ewan ung puso ko.

Inihanda ni sir Ben ung inumin and ung mani for pulutan. Minix niya ung jack and coke.

"oh sayo na lahat yan, mas kailangan mo. Saka may pasok pa ako bukas." Iniabot niya sakin ung baso. Then binuksan niya ung tv. 

Nung una ay tikim lang, masarap pala to. dinirecho ko ung isang baso kaya medyo naubo ako.

"dahan dahan lang Leo."

This time, di ko na siya pinakinggan. Uminom lang ako nang uminom habang pinapanuod niya lang ako.

I was on the 8th ata or 7th  glass when I realized I started crying again. Medyo traydor to ah.

Di niya ako kayang mahalin, im so stupid. Good bye friendship, good bye dorm nadin kaya ako? Bat kasi ang tanga ko eh. Conceal and don't feel nga para safe eh. Tssss saang school kaya pwede lumipat

I was crying hard, hawak ko na ung buhok ko sa sobrang frustration. Im in a fetal position. shaking violently.

"hsss taha na." niyakap ako ni sir Ben nang mahigpit na mas lalong nagpaiyak pa saakin.

Pati nung matutulog na kami ay nahikbi parin ako kaya tinabihan na ako ni sir Ben at inakap ako. Iniunan ko ung ulo ko sa braso nyo at yumakap din sakanya habang naiyak padin. Bago ako makatulog ay nakaisip na ako nang gagawin ko..

 lilipat na ako nang dorm.

......................................................  

[a/n: sorry if this chapter is short. Hehe]

Unlucky ConstellationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon