Chapter 3 - I think im fallin (teka bat ambilis)

13 2 0
                                    

Alam niyo ung feeling na buong buhay mo you're dreaming na mahanap mo na ung taong para sayo? Ung hindi puro landian lang and ung tipong mahal nyo ung isat-isa? Feeler lang talaga ako. Pero eto ung nararamdaman ko nung pangatlong dinner namin.

Kung san saan ako dinala ni kuya Andrew, pero isa lang masasabi ko, lahat ng tinuturo nyang kainan.. MASASARAP lahat. Small talks lang kami habang nakain, baka kasi madulas nanaman ako at masabi kong crush ko siya. Pangalawang anak pala siya sa tatlong magkakapatid, college scholar, and isa pa lang ang nagiging girlfriend nya. Nag break sila last year kasi nag two time si girl. Ano ba naman to. ang pogi na nga ni kuya Andrew eh, mabait, mataligo, at matipuno. Di gumagamit nang utak. Tss.

Thursday night ngayon and napagpasyahan ni Kuya Andrew na sa may Sewer kami kumain, akala ko nung una sa literal na sewer pero un pala pangalan ng resto. Masarap daw kasi ung Nilagang baka dun eh kaya dun kami. After dinner ay tahimik kaming naglalakad pabalik nang dorm. Comforting silence naman kaya okay lang na tahimik. Kaso nakakatakot nga lang ung mga kuliglig at mga palaka. Ang lalakas ng tunog.

"soo.. leo, kelan ka unang nagka girlfriend?" with matching tawa pa. di ba halatang bi ako? Hay anyway he deserves to know since he's my roommate.

"ano.. kasi... nung grade 6. Crush lang. txt txt lang, jejedays. Ganon. Haha pero to be honest im bisexual. Sana okay lang sayo." Nakayuko ako habang naglalakad at nagkkwento. Bat ba ako nahihiya...

"alam ko naman eh. Halata naman. Eh unang boyfriend?" di ko na sya tinignan pero kita ko sa peripheral vision ko na tumingin sya sakin habang tinatanong un. Medyo binilisan ko na lang ung lakad, para makabalik na kami agad, ayoko talaga sa mga kuliglig.

"umm.. summer vacation bago mag 4th year, kaklase ko sya and tropa nung 3rd year. bestfriend ko. Experimental stage nya ata un eh. Medyo binigay ko lahat tapos nalaman ko na lang may girlfriend na." nalungkot tuloy ako bigla. Napabuntong hininga na lang ako. Bat ba kasi ang prone ko mapaglaruan eh. tss

"may sumunod ba?"

"Wala kuya eh. Nag-aral na lang ako ng mabuti. Iba ung kirot pag nakakasalubong ko siya sa hallways. Buti nga di kami mag kaklase eh."  Di porket Thursday ngayon mag tthrowback tayo kuya Andrew -.-

pagpasok namin ng dorm ay dali dali nya nang kinuha ung susi and naglakad na kami paakyat sa kwarto

tahimik lang kaming naglakad paakyat ng kwarto.  Nakaramdam ata na malungkot ako

"ligo lang ako kuya ah" sabi ko habang kinukuha ung basket ng toiletries ko.

"bat ka nagpapa alam sakin?" patawa nyang sagot sakin.

Tumawa na lang ako. Oo nga naman. May point sya. Pumasok na ako sa cr para maligo. Mabilis lang ako naligo. Lakas maka antok ng memories ah.  

Pagtapos ko maligo ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama niya, nagrereview.  Di ko na sya gaanong pinansin kasi kailangan ko din magreview. Kadalasan ganto lang kami, review hanggang sa antukin. Mostly ako unang natutulog, puro gen ed pa lang naman kasi subject ko eh. Mga naituro na nung highschool. Tulad ngayong gabi, ako nanaman ang mauunang matulog. Pinatay ko na ung bedside table ko para mas okay ang pagtulog.

"good night kuya Andrew" tinignan ko muna siya bago tumalikod sa kanya, bukas pa kasi ung ilaw sa side niya, di pa naman ako gaanong makatulog pag maliwanag.

"wag mo na nga akong I kuya, isang taon lang naman agwat saka feeling ko antanda ko na"

Hindi na lang ako kumibo, since Friday bukas and tour date naming yon nila Charles, nag decide sila na gawing umaga ung gala para fresh pa ung hangin and maaga din matapos. Cheese. Paguran to bukas, kailangan kong makatulog agad.

Unlucky ConstellationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon