Ilang sandali akong napatigil bago tuluyang lumapit at pinayungan siya.
Malaki ang payong kaya nagkaroon pa ako ng tiyansang dumistansiya nang kaunti sakaniya.
His scent is intoxicating--- I mean he smells nice.
Pagkarating sa may pinto ay nilapag ko muna ang payong at hinayaan ito upang matuyo saka pinagbuksan si Sir ng pinto.
Pumasok naman siya at pinunasan ang kaunting patak ng ambon sa damit niya.
My hands are cold and shaking. Maybe because of the weather? Damn, I need to calm down.
"Good afternoon po. I am Dabria Celemine, your newly hired maid," pakilala ko at hindi man ako nautal ay ramdam ko ang panginginig ko. "I... I do not know if Miss Lumi introduced me already to you po but---" I didn't even get to finish my sentence when he cut me off.
"Yes, she already did." Malamig ang boses nito at tinalikuran ako. Rude!
"Do you need anything po ba? For dinner?" Umiling ito at bahagyang lumingon sa akin.
"You might want to change your clothes, kanina ka pa nanginginig," sabi nito at diretsong naglakad paakyat sa taas.
I am wearing a cotton shorts na sakto lang naman ang haba at isang oversized shirt. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at naglakad na papuntang kusina para magsaing.
I don't know what to cook so I checked the notes Miss Lumi left and nakalagay doon na ayaw niya ng masiyadong may sabaw. Nagluto nalang ako ng adobong manok since hindi nga siya nasagot sa akin.
Hindi na rin ako nagpalit ng damit gaya ng sabi niya kasi hindi naman talaga ako nilalamig. Naiinis sakaniya, oo.
He eats at 6:30 pm. Yan ang bilin ni Miss Lumi. So if every duty ko, dapat around 5:45, bago umalis ay nakahain na ang lahat sa mesa. Wala rin daw siya sa bahay kapag Friday and Sunday. So Saturday lang ang problema ko. Baka ayaw niyang kumain ng kanin na sing lamig niya.
Saktong 6:30 ay narinig ko na ang hakbang niya papasok sa kusina. Umayos naman ako nang tayo at pinanood lang ang bawat galaw niya.
He has a strange aura about him that almost screams danger. His aura of power, his command and confidence, the sense that—whatever he was—he was something humankind wasn't prepared to face.
Umiwas ako ng tingin sakaniya at tumitig nalang sa kabilang direksiyon. Dinig ko ang tunog ng kubyertos at hinayaan siyang matapos sa pagkain.
Nasa kalahating oras din akong nakatayo at nakatitig lang sa mga gamit sa loob inaantay na matapos siya. Agad ko namang niligpit at hinugasan ang pinagkainan niya pagkaalis at saka nagdala ng sariling pagkain sa kwarto ko para doon kumain.
That's my routine for the whole week and it actually went smooth for me. Wala naman siyang gaanong pinapagawa liban nalang noong nagpaluto siya ng sisig at pinalabhan ang mga bagong biling damit niya.
Saturday came and ngayon lang ako nagproblema. Nagdadalawang isip ako if magpapaalam ako o hindi. Wala naman akong naging problema kahapon since wala nga siya pero ngayong nandito na siya ay hindi ko alam ang gagawin.
Nakapagbihis na ako at naihanda ko na rin ang pagkain niya sa baba. Kanina pa ako palakad-lakad rito sa sala, nag-iisip.
Sa kakapabalik-balik ko ay hindi ko napansin ang presensiya ni Sir Alistair sa may hagdan.
"Where are you going, Miss?" Tanong nito na nakapagpagulat sa akin.
"Shit!" Agad naman akong napatakip sa bunganga at gulat na napatingin sakaniya. Nakahalukipkip ito at nag-aantay sa sagot ko.
"Hala sir, sorry. Kasi po ano... magpapaalam sana ako na pupunta ako sa trabaho. And nakahanda na po pala pagkain niyo sa mesa, nasa warming tray. Nasabi ko na po eto kay Miss Lumi at pumayag naman siya pero ano po... if hindi ka po papayag pwede naman po akong tumigil..." Alanganin kong sabi sakaniya at nanatili siyang nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
Why
RomanceThe Rebel •Series of Questions #1 Date Started: July 16, 2021 Date Ended: ---