Chapter 4

2 0 0
                                    

Kanina pa ako pabalik-balik kasi almost 9pm na at wala parin si Sir. Sinabi niya naman kanina na mal-late siya ng uwi pero hindi niya sinabi na sobrang tagal naman. Onti nalang talaga at tatawagan ko na si Miss Lumi.
  
   
 
What if may nangyaring masama sakaniya? Hindi ko na kasi tinanong kung saan siya pumunta at nireplyan ko lang ng 'K'.
  
   

  
Nagsisi naman ako agad at nagtipa ng message para sakaniya nang hindi na ako makatiis. Nag-aalala lang ako para sa sarili ko at baka kapag may mangyaring masama sakaniya ay ako ang sisihin ng buong angkan niya!
  
  
"Sir, nasaan ka na po? Anong oras ka po uuwi?" Tanong ko at hindi nagtagal ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.

  
  
 
He's calling me! Nagdalawang-isip pa ako if sasagutin ko ang tawag pero bahala na nga! I answered his call and halos mabingi ako sa lakas ng tunog ng music sa background niya.
 
   
"I'll go home at around 11pm, nasa vintage bar ako. I'm with my friends..." Sabi nito sa normal na boses at rinig ko pa ang tawanan sa likod niya.
 
 
"Sino 'yan, bro? Bagong babae mo na naman? Damn, hindi na naubusan." Boses ng isang lalaki sa background.
  

"Stop using yourphone, Alistair." Babae.
 

Ah, bar. Ah, babae. Okay.
 
 
"Okay po, busy ka nga yata. Ingat." Inang 'yan. Sa bar lang pala ang punta hindi pa agad nagsabi. Parang walang trabaho kinabukasan, ah? Nagawa pa talagang mambabae. Bahala siya sa buhay niya.

 
  
 
To: Sir Alistair
Magtext ka nalang po if nabaril ka na diyan. 🙂
 
  
  
  
Wala na akong pakialam kung magalit siya sa text ko. Kanina pa ako gutom kakahintay sakaniya. Hindi na ako nakakain tapos siya busog na busog doon? Edi tangina niya. Masama ang loob  ko habang nasubo ng pagkain. Bwisit. Nagluto pa ako nitong tempura kasi favorite niya  raw 'to at  pambawi ko manlang sa kabaitan niya noong Sabado tapos ah bahala siya sa buhay niya.
  
 
  
   

I don't know why I feel like fucking crying over this petty thing.
  
  
    

Pero wala naman siyang sinabi. Wala naman siyang inutos. Ako lang 'tong nag-expect. What I did was irrational. I'm letting my emotions meddle with my work again.
 
  
 
Napabuntong-hininga nalang ako at nagtipa ng message.
 
   
To: Sir Alistair
Wrong send po, sorry. Ingat ka po diyan. Antayin po kita. :>
 
  
 
Hindi ko na tinapos ang pagkain kasi nawalan na ako ng gana at  niligpit nalang ang pinagkainan ko. 
  
   
 
Umupo muna ako sa sala at nagcellphone habang inaantay siya. Sabi kasi ni Miss Lumi ay siguraduhin ko raw na nakauwi siya bago pa ako matulog o magpahinga.

 
 
Chinat at kinamusta ko nalang din si Jana sa chat pati na rin si Tita Janice at nanood muna ako ng Tulfo.
  
  
   
  
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa labas. Sumilip ako nang kaunti sa may bintana. Si Sir Alistair umuwi na? Hala, bakit andito na siya? Shuta, may nangyari ba o papagalitan niya ba ako? E sinabi ko naman na na wrong send. Joke joke lang naman! Nadala lang ng gutom. Shit talaga.
 
    

  
Tumayo nalang ako malapit sa may hagdan at hinayaan siyang pagbuksan ng guard ng pinto.
  
      
  
Kabado akong nakatingin sakaniya habang diretso lang siyang naglakad papasok sa kusina.
 
 
 
"K-Kakain  ka po ba, Sir? Wait lang po initin ko lang 'yung pagkain. Sorry po, niligpit ko na kasi akala ko po matatagalan kayo bago makauwi," mabilis ang naging kilos ko sa kusina habang nakaupo lang siya sa may dining area at nakatitig sa cellphone niya.
 

Isang linggo palang ako rito pero parang hanggang dito nalang ako?

   
 
 

"Para kanino 'yung text mo?" Tanong nito habang naglalagay na ako ng pagkain sa harap niya. Napahawak ako sa dibdib sa gulat. Shit talaga. Nine-nerbiyos talaga ako kapag andiyan siya. Parang lahat ng gawin mo ay mali sa sobrang perpekto niya.

"Ah, 'yun po? Pasensiya na po talaga. Para po kasi kay Jana 'yon sa kaibigan ko. Naglalaro po kasi sila baril-barilan. Sa PUBGM po, 'yung sa cellphone." Paliwanag ko at nanatiling blangko ang titig niya.
 
    
Tumayo lang ako sa gilid niya at nag-iwas ng tingin. Kumain na rin siya at hindi ko alam bakit naiiyak na naman ako. Pasimple kong pinunasan ang luha ko at nag-angat ng tingin para pigilan ang mga luhang namumuo sa mata ko. Siguro namiss ko lang sila Jana. Sabihin ko nga na bumisita siya sa Avenue sa Friday.
 
 
"I was with my friends and cousin. What they said was a joke. I'm not with anyone---" aniya sa gitna ng pagkain pero hindi ko na siya pinatapos.
  
  
"Okay lang po talaga, Sir. Pero sana naman next time magsabi ka kung saan ka pupunta. Maid ako sir, hindi manghuhula. Baka kasi nabaril kana at hindi ko manlang alam. Tas nag-eenjoy ka lang  pala kasama mga baba--- friends mo," bumabalik na naman 'yung inis ko sakaniya.
 
 
"I already told you that I'm not with anyone. I mean wala akong babae and kaibigan kong mga lalaki at saka pinsan kong babae ang nandoon," ba't siya nage-explain? Bahala siya sa buhay niya. Basta humihinga siyang nakauwi rito, okay na sa 'kin.

   
Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Pinagpatuloy niya naman ang pagkain saka niligpit ang sariling pinagkainan at nilagay sa lababo na ikinagulat ko.
  
   
"Sir, ako na po diyan." Nakipag-agawan pa ako sakaniya pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa  paghugas ng pinggan. Wala akong nagawa kundi ang kunin ang nahugasan niya na mula sakaniya at nilagay sa dish rack.
  
     
Pagkatapos niya magpatuyo ng kamay ay inantay ko siyang umakyat na pero tiningnan niya lang ako.

        
"I'll escort you to your room, let's go." Sabi niya at nauna nang naglakad. Napakamot nalang ako sa noo at tumitig sa likod niya.

Ano bang nangyayari sakaniya? Is he dying? Naulanan ng kabaitan? What?
 
    
   
"Thank you po, Sir. Have a good night sleep," sabi ko nang makarating na kami sa kwarto ko. Tinanguan niya lang ako at tumalikod na. Pumasok na rin ako sa kwarto at naglinis ng katawan.

   . 
Sanay kasi ako na may pinapatugtog o pinapakinggan habang naliligo kaya dala-dala ko ang cellphone ko hanggang sa banyo.
 
      
  
Muntik na tuloy mapasukan ng sabon ang mata ko nang makita kung sino ang nagmessage sa'kin.

 

From: Sir Alistair
The food tastes delicious, thank you. Have a good night sleep, Eli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon