Chapter 1

2 0 0
                                    

"Sigurado ka na ba diyan sa gagawin mo?" Nakapamaywang na tanong sa akin ni Jana habang pinapanood akong mag-ayos ng mga gamit na dadalhin.

Tumango ako, "oo, sayang din kasi at medyo malaki ang pasahod. Pero malay mo hindi ako magtagal doon, 'di ba? Since pangit nga raw ugali ng amo. E hindi pa naman mahaba pasensiya ko." Natawa kami parehas.

"Basta, tumawag ka lang sa akin kapag may oras ka or kailangan mo ko, ha?" Malungkot na sabi nito. Honestly, I feel sad, too. Nasanay na rin kasi akong kasama siya at hindi ko alam paano magsisimula ulit nang mag-isa.

Tinulungan niya akong magbaba ng gamit at nakitang andoon na rin si Ma'am Lumi kausap si Tita Janice.

Nang makita nila ako ay tinulungan ako ng mga bodyguard na maglagay ng gamit sa loob ng van.

Tumakbo papasok si Jana sa loob at ayaw niya raw makita akong umalis o kahit  magpaalam.
 
 

"Malaki ang tiwala ng pamilya Hilario sa sa akin gaya nang laki ng tiwala ko sa'yo, Dabria. Inaasahan ko na hindi ka gagawa ng ikakasira nito," mahigpit na paalala ni Tita Janice sa'kin nang makalapit ako sakaniya.

"Asahan niyo po, Tita."

"O siya, sige na at naghihintay si Lumi sa sasakyan. Mag-ingat ka roon at tumawag ka nalang sa amin kapag may kailangan ka."

"Thank you, Tita. Hindi ko po kayo bibiguin," niyakap ko siya at sumakay na sa sasakyan, "aalis na po ako."

"We'll go now, Nana." Paalam ni Ma'am Lumi.

Kumaway akong muli kay Tita Janice at nakita ko naman siyang kumaway pabalik bago pa man tuluyang sumara ang pinto ng sasakyan.

  
"Good day, Miss Dabria. Again, I am Lumi," tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, "the house has CCTV cameras all over the place so everything that you do is monitored. Ayaw ni Alistair ng maraming tao kaya iisa lang ang hinire naming tauhan sa loob ng bahay ngunit maraming security ang nakapalibot. If anything bad happens to him inside his house, then the blame is on you.  Breakfast needs to be prepared at 7 am. After that, maglilinis ka ng bahay, maglalaba at kung ano pa ang iuutos niya. Hindi siya umuuwi ng lunch kaya magluto kalang ng pagkain mo. Ituturo ko sa'yo ang maid's quarter kung saan ka mags-stay na nasa likod lang ng mansion. Kung maaari lang ay huwag kang magdadala ng sinumang bisita. Kapag nariyan si Alistair ay manatili ka lang sa kusina o sala at antayin ang tawag niya. Maliwanag ba?" Mahabang paliwanag nito na tinanguan ko naman.

Madali lang naman pala ang gagawin.

"Yes po, Ma'am."

"I'll visit from time to time and you can also contact me, nasa phone directory ang details ko. I'll show it to you later." Tumango naman ako sakaniya.

"Saan po pala allergic si Sir?"

"Nuts and medicines." Nuts and medicines. Sounds familiar, huh.

Nag-explain pa siya at sabing tawagin ko nalang siyang Miss Lumi dahil naaalibadbaran siya sa Ma'am. Natawa kaming pareho doon at binigyan niya rin ako ng notes kung nasaan nakalagay ang mga gagawin in case na makalimutan ko ang mga bilin niya.

Naging maayos ang biyahe namin hanggang sa makarating na kami. The place looks familiar. Eto pala ang nadadaanan kong subdivision tuwing papasok ako sa trabaho.
 
Napapalibutan ang bahay ng mataas na gate ngunit sa labas palang ay halata ang karangyaan sa kung sino man ang may-ari nito.
 
Pagpasok ng sasakyan sa loob ay namangha ako sa disenyo ng bahay.

"This is a guest house owned by the Hilario family. But Alistair is using this for now since his house is under renovation," ha? Ano ulit? Guest house?! Did I hear it correctly? Tangina. Nalula ako bigla.
 
Nagsimula siyang naglakad papasok habang ako ay mangha paring nakatingin sa paligid. Nakasunod lang ang mga guards ngunit hindi na sila sumunod sa loob ng bahay.

WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon