The gravestones in front of me stood silently, row upon row like soldiers long forgotten.
This world is indeed upside down.
"Hoy babae, kumusta ang lakad mo?" Salubong sa akin ng kaibigan kong si Jana pagkauwi ko sa boarding house na tinutuluyan namin na pag-aari din ng tita niya.Napasalampak ako sa malambot na sofa. This is relaxing. She offered me her food but I politely declined. I closed my eyes. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to.
"Wala parin akong nahahanap na trabaho. I only have a few cash left and matagal pa bago ang sweldo sa coffee shop," I sighed.
"Bakit kasi hindi mo nalang tanggapin ang alok ng tita mo na pumunta ka sa ibang bansa? O kahit tanggapin man lang ang perang pinapadala niya," suhestiyon ni Jana na hindi ko sinang-ayunan.Humalumbaba ako, "ayokong umasa sakanila at kaya ko pa naman."
She made a face as if telling me na she doesn't believe what I just said.The truth is I'm physically, mentally and emotionally exhausted. I'm not sure how much longer I can hold on.
Gustuhin ko man ay nahihiya rin akong humingi ng tulong sa tita ko kasi andami na niyang naibigay na tulong sa'min. I need to learn on how to be independent and stand on my own.
"By the way, naalala mo pa ba 'yung kinukwento ko sa'yo dati na boss ng tita ko na sobrang yaman?" Jana asked while munching her chips.
I pouted and nodded. Hinubad ko ang suot kong sapatos at nagpalit ng tsinelas pambahay.Sino bang hindi makakaalala no'n eh laging pinagmamalaki ni Tita Janice na nagmamay-ari nitong boarding house 'yung dating amo niya na may-ari ng sikat na kompanya rito sa bansa. I don't know much about them because I'm not really interested and I am more focused in finding ways on how to survive.
Minsan nang dumalaw ang mga 'yon dito noong Pasko upang bigyan ng regalo si Tita Janice. They all looked so expensive, sobrang nakakasilaw.
It only slaps me the bitter truth of how unfortunate my life is.
"Naghahanap daw sila ng katulong. Sinabi lang sa'kin ni Tita at malaki raw ang sahod. Ikaw agad ang naisip ko kaso..." She trailed off and looked at me from head to toe.
Agad na nagliwanag ang mukha ko at ngumiti nang matamis sakaniya, inignora ang mapanghusgang tingin.
"Seryoso?! Tara puntahan si Tita Janice, payag ako diyan!" I grinned from ear to ear.
"Sure ka ba? Hindi ka ba mamamatay sa kakatrabaho? Saka hindi bagay sa'yo maging yaya, sis. Magmodel ka nalang kaya?"
Mabilis akong umiling at hinila siya papunta sa baba kung nasaan ang karinderya ni Tita Janice para sa boarders.
"Tita, andito na si Dabria. Gusto niya po sanang pag-usapan 'yung tungkol sa inaalok mo pong trabaho sa mga Hilario," ani Jana at kumuha ng isang barbecue at kinagatan ito. Napailing nalang ako sa inasta niya at hinarap si Tita Janice na mariing nakatitig sa'kin.
"Sigurado ka na ba, iha? Kakayanin mo ba? Balita ko'y medyo mahirap pakisamahan ang may-ari ng bahay," Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Tita Janice.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Hindi naman ako magta-trabaho para pakisamahan ang may-ari ng bahay-- gusto ko sanang idugtong kaso hindi ko nalang tinuloy at baka makaltukan niya ako.
Nagkibit-balikat ito at nag-isip, "Sabagay, araw lang naman ang duty mo doon at hindi naman kayo gaanong magkikita dahil lagi ring nasa opisina ang isang 'yon."
Araw lang? So that means hindi ko kailangan magresign sa coffee shop? 6pm to 2am kasi ang duty ko doon every Friday to Sunday. Kakayanin naman siguro ng katawan ko ang ilang araw na walang tulog.
"May day-off po ba?""Tuwing linggo pero depende pa kung ipatatawag ka. Kapag nakausap ko na si Lumi, siya na ang bahalang magpaliwanag at magsabi sa'yo ng mga dapat at hindi dapat na gawin doon."
Tumango ako.
"Salamat po talaga, tita," sinserong saad ko at ngumiti kay Tita Janice.Marahan siyang ngumiti pabalik sa akin at hinaplos ang buhok ko, "maganda ka, iha. Nakapagtapos ka rin ng pag-aaral. Maraming oportunidad ang naghihintay sa'yo sa kursong napili mo ngunit wala naman ako sa sitwasyon mo upang kwestyunin ang desisyon mo."
Sa totoo lang, malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila. Hindi na nga ako pinagbabayad sa upa ni Jana. Ayaw niya kasing tanggapin kaya medyo nakakatipid rin ako. I pay for the groceries in return na minsan lang din namin gawin kasi lagi rin siyang may inuuwi galing sa bahay nila.Nabubuhay naman ako sa kita sa coffee shop but I have other bills to pay. Mahal din masiyado ang mga bilihin sa Manila. I need to save money.
Hindi ako nakasagot at iniba naman ni Jana ang usapan na ipinagpasalamat ko.
Days passed and I am already in front of my boss' house. Waiting for him as what Miss Lumi instructed. I also readied the umbrella 'cause it's drizzling.
A matte black car arrived shortly after. An old man opened the door for him and the moment our eyes met, I froze.
I've never seen a ghost. But as they say, there is a first time for everything.
---
Unedited (gonna edit this soon)
![](https://img.wattpad.com/cover/277661526-288-k911647.jpg)
BINABASA MO ANG
Why
RomanceThe Rebel •Series of Questions #1 Date Started: July 16, 2021 Date Ended: ---