I Just Love You

269 4 0
                                    



        "Okay ka lang."

                                

        Iyan ang mga salitang unang narinig ko sakanya. Lumingon ako sa lalaking nagsalita. Pakialam kaya ng ugok na ito sa kadramahan ko sa buhay? Concern siya?


        Hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko nga sinagot ang tanong niya sa akin. Tumabi naman siya sa tabi ko. Ay kuya, close tayo?. Maya maya tinapik niya ang balikat ko.


        "Okay lang yan. Mahal ka nun." He said. Sa totoo lang, naiirita ako. FC much kasi si kuya. Kung ano anong sinasabing hindi naman nakakatulong sa buhay ko. Problema nito? May saltik ata? Hindi ko parin siya kinausap at nanatili parin akong nakayuko.


        "Alam mo nandito lang ako. Kung gusto mong ilabas lahat ng hinagpis mo sa buhay at gusto mong umiyak..." tapos tinapik niya ang balikat niya. "Dito oh. Iiyak mo lang dito." Alam niyo iyong feeling na gusto niyong kumuha ng tape para lagyan ang bonganga ng lalaking di niyo kilala? Iyon ang gusto ko kasing gawin ngayon.


        "Hoy, Okay ka lang talaga? Huwag mong dibdibihin iyang problema mo talikuran mo", sabi nito sabay tawa. Aber anong nakakatuwa roon?


        Tumingin na ako sa kanya. "OKAY AKO KANINA KASO NUNG DUMATING KA HINDI. ANG INGAY MO. ANG SAKIT SAKIT NA NGA NG PUSON KO. TAPOS ANG DALDAL MO PA DIYAN!!!! AY! BWISIT.", sigaw ko. Ang sakit sakit na ng puson ko eh. Kaasar naman kasi itong lalaking ito. Panira ng araw.


        "Kailangan sumigaw?"


        "Kawawa namang iyong lalaki."


        "Panpansin namang babaeng iyon. Sisigaw sigaw alam niyang may program dito sa gym. Hindi na nahiya."


        Oppppss—. Asan nga pala ako? He-he-he. Nasa gym pala ako at may program. Ang tanga ko naman. Lumingon ako sa paligid at nakitingin sila sa akin. Okay, so nakakuha pala ako ng atensyon dahil sa pagsigaw ko. Shemay!Great! Just Great! Nakakahiya!


        "S-Sorry" Sambit ko sabay upo ulit sa upuan ko.


        Lumingon ako sa lalaking istorbo. I glared at him. Pero mukhang baliw ata si kuya kasi ngumiti pa siya sa akin. Sumimangot naman ako sa kanya. Infairness may itsura si Koya. Tapos lihim akong napangiti dahil sa naisip ko.


        Hindi ko alam na iyon na pala ang araw na magiging malapit kami sa isa't isa. Naging blockmates kasi kami. Tranferee pala siya noong araw na iyon at naghahanap siya ng kausap at ako ang nabiktima niyang kausapin.


        Nagkaroon din kami ng ibang kaibigan. Sina Drawd, Tim, Ela, at si Zel. Naging malapit kami sa isa't isa kung saan uupo ang isa dapat tabi tabi kami. Tulungan sa quiz, at exam. Magkakasamang naglalakwatsa pag walang klase o walang pasok. Lahat ng secreto na itinatago namin ay alam ng bawat isa. Kontento naman na ako eh. Kontento na ako sa friendship naming anim pero hindi ko namalayang unti unti na pala akong nahuhulog sa kanya.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon