Araw araw kinakalimutan ang masasakit na nararanasan para maging maayos ang ating pagsasama.
Araw araw kong hinahabaan ang pasensya dahil kunting kunti namang mapipigti na 'to.
Araw araw pinagsasabihan ang sarili na huwag kalimutan ang aking obligasyon para maging maayos ang relasyon ito.
Araw araw pilit kitang inaabot pero araw araw rin namang pilit kang nagpapakalayo.
Ako pa ba ang mali?
Ako parin ba ang nagkulang?
Sa akin parin ba ang sisi?
Paano kung wala na talaga?
Paano kung ubos na ang pasensya?
Paano kung sawa na?
Paano kung hindi ko na kayang ang pambabalewala?
Paano kung kinasusuklaman na kita?
Paano kung ayoko na?
Paano kung sising sisi na?
Paano kung tumigil na ang pahtibok ng puso?
Paano kung tama na?
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
Short StoryA collection of a short story, poem, feelings, or urgh . . . anything?