Mahalaga pa ba ang tayo?

44 0 0
                                    

Wala na akong magawa kundi ang sumulat para ipahayag ang damdaming pilit na ikinukubli.
Tama na. Pagod na.
Hanggang kailan ba aasa?
Hanggang kailan ba mag titiis?
Sobra na. Sobrang sobra na sa kakatiis kung ano ba talaga ako sayo.
Pilit na iniintindi.
Pilit na tinitiis.
Pilit kong kinukuha ang atensyon mo.
Pilit kong ipinapakita ang pag mamahal ko sayo.
Pilit kong nagpapakita ng interes sayo.
Subalit ano nga bang napapala ko?
Mga masasakit na salita na iyong sinasambit.
Mga pasigaw mong pag sabi na hindi ko mawari kung bakit
Hindi ko alam kung ano ba ako sayo?
Ano pa ba ako sayo?
Mahalaga pa ba ang "tayo" o ako nalang pala ang nagbibigay halaga nito?

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon