9

430 20 1
                                    

Div's POV

Maaga akong nagising dahil ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit.. hindi naman ako uminom kagabi pero daig ko pa yata ang may hang over. Pinilit kong tumayo at nagpalit ng damit. I need to endure the pain kasi nakakahiya naman kay Tita Lisa. Matapos kong magpalit ay bumaba na ako, sakto naman na nakita ako ni Tita Lisa kaya tinawag ako nito.


"Halika mag breakfast ka muna" alok nito. Lumapit ako at sinamahan siya papunta sa dining area.

"What's your name pala iha?"

"Allianah Divonne po"

"Allianah Divonne.. nice name!"

"Thank you po hehe"







Habang nag aalmusal ay nagkwentuhan lang kami. Nagkwento lang siya about sa nagdaang campaign ng asawa niya pati na rin ni Sandro. Habang nagkukwentuhan kami ni Tita Lisa ay biglang bumaba si Vinny mula sa kwarto niya. Natawa na lang ako sa suot nito. Nakasuot kasi siya ng spongebob na sando at boxer shorts. Cute!

"Hey Mom what's for the breakfast?" tanong niya in his sleepy voice habang kinukusot ang mga mata.

"Ang aga mo yata nagising ah" Tita Lisa

"Ang sakit kasi ng ulo ko" naupo ito ngunit hindi pa rin binubuksan ang mga mata niya.

"Hang over?" tumayo si Tita Lisa at pinagtimpla ito ng kape.

"Yeah" bulong niya habang hinihilot hilot ang ulo

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapansin na nandito ako kaya dahan dahan akong tumayo at nag volunteer ako kay Tita Lisa na ako na ang magbibigay ng kape kay Vinny.











"Here's your coffee" sambit ko.

Tumigil ito sa paghilot sa noo niya at unti unting idinilat ang mga mata.

"Inumin mo na. Lalamig yan" dagdag ko at saka naupo sa may harapan niya.

Nang marealize niya kung sino ang nasa harapan niya ay bigla itong tumayo at tumakbo paakyat.






"MOM!! BAKIT HINDI KA NAGSABI NA MAY BISITA TAYO!!!" sigaw nito habang paakyat. Natawa na lamang kami ni Tita dahil sa reaksyon niya.



"Hey! Why are you shouting! Ang aga aga!" sigaw ni Mr. President habang pababa sa hagdan.









"Bakit yun sumisigaw?" tanong nito kay Tita Lisa

Napatingin ito sakin kaya tumayo ako.

"Good morning po Mr. President" bati ko

"Good morning iha. You are?"

"Allianah Divonne po. Isa po sa PSG ni Sir Sandro"

"Ahh yeah nabanggit ka nga ni Sandro samin. Nice to meet you iha"

"Nice to meet you too po Mr. President"

"Nako! Tito Bong na lang. Hindi pa kasi ako masyadong sanay"

Lumapit naman sakaniya si Tita Lisa dala ang kape nito.

"Good morning hon.. here's your coffee"

"Thanks hon" sambit nito sabay upo

Tumayo na ako at nagpaalam na uuwi muna. Pumayag naman sila at ipinahatid ako sa driver nila.

























Hired to ProtectWhere stories live. Discover now