36

334 12 4
                                    


Div's POV Only




3 years ago~









Malalim akong nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ko ang aking sarili. It's been 3 years since I left Sandro, at hindi sapat ang 3 years na yun para makalimutan ko siya. Marami ang nangyari sa loob ng tatlong taon pero hanggang ngayon siya pa rin ang hinahanap ng mga mata ko. Gumawa na nga ako ng social media account, masubaybayan ko lang ang mga ginagawa niya. Minsan napapaisip ako.. what if pinaglaban ko siya? What if mas pinili kong mag stay? Siguro hindi magulo ngayon ang buhay ko. Siguro masaya ako ngayon.






Pinunasan ko ang luha na dumaloy sa pisngi ko. Mariin akong napapikit habang inaalaala ang lahat ng masasayang araw namin ni Sandro. Huminga ako ng malalim at dahan dahang binuksan ang mga mata. I'm such a mess right now.





"Sino ka? Bakit hindi na kita kilala?" tanong ko sa sarili habang dahan dahan na tinatakpan ng foundation ang mga pasa na nasa mukha ko.




I'm living like this for almost 2 years since I marry Tristan. Kapag lasing siya ay wala itong ibang ginagawa kundi ang saktan ako. Noong una ay maayos kami ngunit nang tumagal na ay nag iba na ito. Palagi na lang niya akong sinasaktan kapag may nagawa akong hindi niya nagustuhan. I was crying everynight, naging hobby ko na nga siguro ang yakapin ang sarili ko habang umiiyak. Sa araw araw na ganitong sitwasyon, nawawalan na ako ng pag asa na sumaya ulit. Tinatanggap ko na lang na ganito siguro talaga ang kapalaran ko. Ang maging malungkot habang buhay.













"Ma'am.." dali dali kong pinunasan ang luha na dumaloy sa pisngi ko nang pumasok ang kasambahay namin.




"Manang bakit po?" lumapit ito sakin at iniabot ang isang lalagyan na may lamang yelo.




"Para maibsan po ang pamamaga ng kaliwang pisngi niyo" ngumiti ako at kinuha ito. Alam na alam ng mga kasambahay dito ang ginagawa sakin ni Tristan ngunit kagaya ko ay wala rin silang magawa.




"Salamat po Manang" ngumiti ito at lumabas na pagkatapos.








Nang makasama ko si Tristan ay mas lalo ko itong nakilala. Isa sa dahilan kaya hindi lumaban sakaniya si Simon ay dahil si Tristan ang may pinakamalaking shares sa company nila.











Nang matapos na akong mag ayos ay bumaba na ako.




"Good morning" tipid na bati ko kay Tristan na ngayon ay busy sa kausap niya sa phone habang umiinom ng kape.









"What?!" nabigla ako sa biglaang pagsigaw nito. Napahilot na lang ito sa sentido niya. Halata mo sa mukha nito ang frustration. Lumapit ako dito para i-massage ang balikat niya ngunit tinabig lang nito ang kamay ko dahilan para mahulog ang baso na nasa mesa.




"I-I'm.. s-sorry.."




"TANGA KA BA?! BAKIT KA BA KASI LALAPIT NAKITA MO NG MAY KAUSAP AKO?!" tumayo ito at ibinato ang table napkin na hawak nito.











Dali dali kong kinuha ang mga nabasag na baso.







"Aww!" daing ko nang nahiwa ang kamay ko ng bubog.




"Ma'am Allianah ako na po dyan. Maupo na po kayo para makapag almusal na po kayo" inalalayan ako nito para makatayo.




"I'm sorry Manang" sambit ko habang patuloy na dumadaloy ang luha sa pisngi ko.




"Okay lang po yun. Wala po kayong kasalanan" ngumiti ito.









I'll admit.. pinag aralan ko rin na mahalin si Tristan, pero hindi kaya ng puso at isip ko na kalimutan si Sandro. Hindi ko alam kung kailan ako makakaahon sa sitwasyon kong ito.








Maya maya pa ay bumalik si Tristan sa may dining area at naupo ito.




"Kailangan kong umalis"




"S-Saan ka pupunta?"




"I'm going to US, may kailangan akong asikasuhin doon for almost 1 month" nang maring ko ito ay halo halong emosiyon ang naramdaman ko. ".. aalis ako but I'm keeping an eye on you Allianah. Malalaman ko ang lahat ng galaw mo kaya kung may pinaplano ka, 'wag mo ng tangkain kung ayaw mong madagdagan yang mga pasa mo sa mukha" seryosong sambit nito pagkatapos ay tumayo na ito at tuluyan ng umalis.









Sa mga nagtataka kung nasaan ako. I'm here sa Davao, hindi kami umalis ng bansa, dito rin ginanap ang kasal namin. Walang nakakaalam na nandito ako sa Davao. Ang alam nila Nanay Tess ay nasa ibang bansa ako. Tristan said na wala dapat makakaalam na nandito kami.






Sa 2 years na nandito ako sa Davao ay hindi ko man lang naranasan ang mamasyal at maging malaya. I became his slave. Nagiging mabait lang siya kapag gusto niya akong makuha. Pagkatapos ay hahanap siyang muli ng dahilan para bugbugin niya ako. Minsan ay inuungkat niya ang mga nangyare sa buhay niya lalo na ang nangyare sa kapatid niya. Wala na lang akong magawa kundi ang maiyak at maawa sa sarili ko.
































Kinabukasan ay maagang umalis si Tristan papunta sa US. Hindi ko alam pero sobrang saya ko ngayon. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kalayaan kahit isang buwan lang.






"Manang! Tara samahan niyo akong mag shopping!" masayang alok ko sa mga ito habang pababa ng hagdan.



"Pero iha baka malaman ito ni Sir Tristan" Manang Oliv.



"Manaaang, malalaman niya lang naman ito kung may magsusumbong diba?"



"Hay nakong bata ka! Sige na basta saglit lang tayo ha? Pasalamat ka at mahal ka namin" napatalon ako sa saya dahil sa sagot na ito ni Manang.



"Yes! Let's go na daliiii" hinila ko ang kamay ng dalawa papunta sa kotse. Sobrang saya ko ngayon na para bang nawalan ako ng pakialam sa kung anong mangyayare kapag nalaman ito ni Tristan.





















Mall~


"Manang pili lang kayo ng bag na gusto niyo"



"Naku wala kaming pera na pambayad anak" Manang Oliv.



"Ako po ang bahala 'wag kayong mag alala" ngumiti ako hinayaan na silang mamili ng bag na gusto nila. Ako naman ay naglalakad lakad lang habang tumitingin ng mga damit.










Habang tumitingin ng mga damit ay biglang may dumaan na nagmamadali kaya mabilis akong napaatras. Hindi ko inaasahan na sa pag atras ko ay meron palang tao sa may likuran ko.



"Sorry" sabay naming sambit. Dahan dahan akong napalingon sa lalaki nang marinig ko ang boses nito.



































"Simon.."

---

Hired to ProtectWhere stories live. Discover now