34

311 14 1
                                    

Sandro's POV only

6 months later~

Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang mga bata dito sa park. Ang saya saya nilang tignan, halata mo sakanila na wala silang dinadalang problema.










I envy them..








Gusto ko na lang maging bata ulit. Gusto kong maranasan maging masaya ulit, yung tipong ang tamging poproblemahin ko lang ay kung pano ako tatakas sa bahay para lang makipaglaro sa mga bata sa kalye.









Napasinghap na lang ako sa kawalan.







It's been 6 months ng iwan ako ni Allianah. Hanggang ngayon ay wala siyang paramdam sakin, hindi ko na rin alam kung nasaan siya ngayon. Nag hire na ako ng mga private investigator pero wala silang mahanap na information about Allianah. Pumunta na rin ako sa Manila para itanong kay Nanay Tess at sa Tito niya kung nasaan ito ngunit maging sila ay hindi nila alam kung saan ito pumunta nag iwan lang din daw ito ng sulat sakanila.


















Tumingin ako sa madilim na kalangitan. Nagbabadya ang malakas na ulan. Napapikit na lang ako ng unti unti kong maramdaman ang pagpatak ng ulan.











"I miss you Love" bulong ko sa kawalan. Doon ko naramdaman ang muling pagbuhos ng luha ko. Simula nang iwan ako ni Allianah ay ganito na ako. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak, magkulong sa kwarto at uminom. Kahit ang pagka-Congressman ay napabayaan ko na. Minsan ay napapagod na rin ako at nawawalan ng pag asa na makita siya ulit.. pero hindi ako tumitigil. I want to see her. I want to know her reasons. Marami akong gustong itanong sakaniya. Like, bakit niya ito ginagawa sakin? Bakit nagawa niya akong iwanan? Bakit kailangan pa niyang lumayo? I want to know the truth para matahimik na rin ako.






















Basang basa na ako ngayon ng ulan, nararamdaman ko na rin ang malamig na hangin ngunit hindi ko ito alintana. Nakapikit lang ako habang dinadama ang malakas na buhos ng ulan. Baka sakaling maibsan nito ang sakit na nararamdaman ko.



















"SANDRO!! WHAT ARE YOU DOING HERE!! BASANG BASA KA NA!" narinig ko ang malakas na sigaw ni Simon mula sa malayo kaya napalingon ako sa direksyon nito.








Ngumiti ako ng mapait.









"Simon.." bulong ko sa pangalan nito. Kaagad nitong kinuha ang payong at dali daling lumapit sakin.



"Are you insane?? Gusto mo ba na magkasakit ka??" pinayungan ako nito ngunit nanatili lang ako sa pagkakaupo. Napatingin ako sa malawak na kapaligiran. Kami na lang ang tao dito, nagsitakbuhan kasi ang mga bata simulan nang bumuhos ang malakas na ulan. Pagkatapos ay napatingin ako kay Simon na ngayon ay nakatitig lang sakin.







"Simon.. pwede ko bang sabihin na ang swerte mo dahil hindi ikaw ang pinili ni Allianah?" natawa ako at muling ibinaling ang tingin ko sa malawak na kapaligiran. ".. ang swerte mo kasi hindi mo nararanasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi mo naranasan na hanapin ang isang tao na ayaw naman magpakita" napayuko ako at muli nanamang kumawala ang mga luha sa mata ko.








"Umuwi na tayo. Basang basa ka na.. baka magkasakit ka" Simon.



"Anong mali sakin Simon?" patuloy lang ako sa paghikbi.



"Walang mali sayo--"



"THEN WHY?!" napatayo ako at hinarap si Simon. Alam ko na mali na sakaniya ko ibinubuhos ito pero ang bigat bigat na sa pakiramdam. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. ".. bakit iniwan niya pa rin ako??" napasabunot na lang ako sa bukok ko dahil sa frustration.




"B-Baka hindi pa siya handa" sambit nito.




"Hindi pa handa?? Why did she say yes sa proposal ko kung hindi pa siya handa?!" ayokong magtanim ng galit sakaniya. Ayokong magalit dahil hindi ko pa alam ang totoong dahilan ng pang iiwan niya sakin. But I can't help it.





Kumuha ako ng mga bato at ibinato ito sa kawalan. Binuhos ko dito ang frustration ko hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Maya maya pa ay naramdaman ko na parang lumalabo ang paningin ko.




"Sands are you okay?" tanong ni Simon ngunit hindi ko na ito nagawang sagutin dahil biglang dumilim ang paligid.




































Nagising ako sa hindi pamilyar na kuwarto. Puro puti ang paligid nito at pagtingin ko sa kamay ko ay may nakalagay ditong dextrose, senyales na nasa hospital ako.







What happened??






Tatayo na sana ako nang biglang umikot ang paningin ko kaya kaagad akong napatigil ay napapikit. Maya maya pa ay naramdaman ko na bumukas ang pinto kaya dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.




"Thank God gising ka na anak!" dali daling lumapit sakin si Mommy at kaagad akong niyakap. Maya maya pa ay pumasok na rin si Pops kasama ang isang doktor.




"What happened? Bakit ako nandito?" nagtataka kong tanong. Anh naalala ko lang ay nasa park ako kasama si Simon. Bakit ako napunta dito?






"Tinawagan kami ni Simon noong isang araw at sinabi niyang sinugod ka niya dito sa hospital. Ano ba ang nanyare anak?" paliwanag ni mommy.







Bigla naman akong napaisip.






"Dinala ako dito noong isang araw pa? It means 2 day akong tulog?" tumango si Mommy at ibinaling nito ang tingin sa doktor.




"Doc ano po ang findings niyo sa anak ko?" Mommy.



"Sobrang pagod at stress lang po Madam First Lady. Kailangan lang po niya ng mahabang pahinga and drink his vitamins."




"Thank you Doc" tumango lang ito at pagkatapos ay lumabas na ito at kami na lang tatlo ang naiwan dito sa kwarto.







Biglang hinawakan ni Mommy ang kamay ko kaya agad akong napatingin dito. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito.





"Ano ba'ng nangyayare sayo anak?" tanong nito sakin. ".. dahil ba kay Allianah?" ngumiti lang ako ng pilit. Lumapit ito sakin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako umiyak. Natuyo na ang luha sa mga mata ko. Siguro dahil naibuhos ko na ng sobra sobra noong nakaraan.




"I'm sorry Mom and Pops dahil pinag alala ko kayo. Hindi na po mauulit" yumuko ako at pinaglaruan ang kamay ko.




"Alam ko na masakit ang pinagdadaanan mo ngayon anak.. but please, kailangan ka ng mga taga Ilocos. Sila muna ang unahin mo ngayon. Kung gusto talagang bumalik ni Allianah, kahit hindi mo siya pilitin babalik at babalik yun sayo" sambit ni Dad kaya tumango na lang ako.








Maybe Dad is right. Kailangan ako ng mga taga Ilocos. Kailangan ako ng pamilya ko.













This time tutuparin ko na ang hiling mo Love.








Hindi na kita hahanapin pa. Hindi na kita guguluhin. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita Allianah, kailangan ko lang muna na unahin ang sarili ko ngayon.
























But I will wait for you Love.

















Pangako yan.

---

Hired to ProtectWhere stories live. Discover now