42

503 12 6
                                    


Sandro's POV

It's already 6:30 in the evening and the Thanksgiving party will start at 7, pero hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa salamin. I don't know bakit ako kinakabahan, sanay naman na ako mag speech sa harap ng maraming tao.




Huminga ako ng malalim at sandaling inayos ang buhok, pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.







After a couple of minutes ay narating ko na ang venue. Halos lahat yata ng invited ay narito na. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay rinig ko na ang malakas na music. Nagtipon tipon na rin ang mga magkakakilala. Sa di kalayuan naman ay natanaw ko si Simon na nakikipag usap sa isang bisita, lumapit ako dito at tinapik ang balikat nito.




"Hey bro! Congrats sa patuloy na success ng company. Dad is really proud of you." sambit ko habang nakangiti.



"Thanks Sands" sambit nito habang nakangiti.




Tumigil ang tugtog nang magsalita na ang host ng event. Ilang minuto lang ang nakalipas ay tinawag na ang pangalan ko para magbigay ng speech, kaya tumayo na ako at masiglang tinungo ang stage.





Sa kalagitnaan ng speech ko ay may nasulyapan akong pamilyar na mukha. Nakatitig ito sakin habang tahimik na nakikinig sa bawat salita na lumalabas sa bibig ko. Nang makita niya akong nakatitig ay bigla itong umalis. Susundan ko sana ito ngunit hindi pa ako tapos mag speech. Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang pag sasalita ko. Pero hindi na ako makapag focus.





"That's all! Congratulations and enjoy! The night are still young, let's enjoy everyone!" pagtatapos ko sa speech. Narinig ko naman ang malakas nilang palakpakan. Dali dali akong bumaba ng stage at sinundan si Allianah. Medyo nahirapan pa akong lumabas dahil marami ang nagpapapicture sakin. Naramdaman ko naman ang paglapit sakin ni Simon.



"Go! Sundan mo siya" sambit nito. Ngumiti ako at dali daling lumabas nang umalis na ang mga tao sa harapan ko.








Takbo at lakad ang ginawa ko hanggang sa makita ko ito sa may parking lot. Hinubad ko ang suot kong suit at isinuot ito sakaniya.








"Sandro.."







































Div's POV

Hindi ko alam na si Sandro ang guest speaker. Lumabas ako dahil hindi ko siya kayang tingnan. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan, I want to make love with him pero hindi na pwede. Masyado ng komplikado ang sitwasyon para samin.





Tumakbo ako kahit sobrang sakit na ng paa ko dahil sa suot kong heels. Napadpad ako sa parking lot at dito ibinuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa sakit na aking nararamdaman. Nang kumalma ay kaagad kong pinunasan ang luha ko. Nabigla ako nang may maramdaman akong malambot na tela mula sa likod ko. Pagtingin ko ay nakatayo si Sandro habang seryoso na nakatingin sakin.





"Sandro.." mahina kong sambit. Bigla nanaman kumawala ang mga hikbi sa aking labi.



"Shhh" lumapit ito sakin at mahigpit akong niyakap. ".. I missed you so much Love" rinig ko ang hikbi nito kaya napahawak na lang ako ng mahigpit sa damit nito.












"Allianah!" mabilis akong napabitaw sa pagkakayakap ni Sandro nang marinig ko ang boses nito. Biglang may parang malamig na dumaloy sa buong katawan ko. Nanginginig akong tinitigan ito.



Hired to ProtectWhere stories live. Discover now