32

353 13 7
                                    


Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan si Sandro na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Simula nang umalis si Tristan at Simon ay hindi na tumigil ang luha ko sa pagbuhos.









Why is this happening to me? All I want is to be happy with someone I really love. Ngayon lang ulit ako naging masaya. Bakit parang pinagkakait pa sakin?











Flashback*

Habang papalapit sakin ang lalaki ay mas lalong lumilinaw sa isipan ko kung sino ito.








"Simon?" mahina kong sambit. Tumingin ito saakin ngunit walang emosiyon ang mukha nito.





".. anong nangyayare? Bakit kasama mo ang baliw na yan??" tumingin ako kay Tristan na ngayon ay nakangisi na parang aso.








Lumapit si Tristan kay Simon at inakbayan ito.






"Magkaibigan kami ni Simon. May angal ka?"




"Simon.. ano 'to? akala ko okay na tayo? Bakit.. bakit may ganito? At nakipag sabwatan ka pa sa baliw na yan??"





"Ginawa ko lang ang matagal ko ng gustong gawin and thanks to him dahil tinulungan niya ako. And to clarify some things to you.. hindi tayo okay. Yung pag uusap natin? It's all FAKE. I just want Sandro to get jealous.." tumingin ito kay Sandro na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. ".. all my life, palagi na lang akong nagpaparaya. Sa mata ng mga magulang namin siya palagi ang magaling. Simula bata pa lang kami siya na ang bida. Siya ang matalino, siya ang paborito ng lahat. Hindi ko alam na pati pala sayo ay magiging  kakumpitensiya ko siya. He already knows that I love you so much, pero anong ginawa niya? Niligawan ka pa rin." tumawa ito at pagkatapos ay tumingin sakin.





".. I want him to suffer like I did. Kaya kung hindi ka lang din naman mapapasakin, sisiguraduhin ko na hindi ka rin mapupunta sakaniya." mariin na sambit nito.









Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Is this really Simon? Parang hindi ko siya kilala ngayon. What happened to him?












I don't get it.. why?










Lumapit sakin si Tristan at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.






"So.. choose Allianah! You will marry me or.. " lumapit ito kay Sandro at itinutok ang baril na hawak niya sa may ulo nito. Sa pagkakataong ito ay mas lalong bumuhos ang mga luha ko at patuloy pa rin ako sa paghikbi.






".. I'll kill him in front of you? Choose wisely darlin'.. I will give you 1 week to choose." tumayo ito at akmang aalis na ngunit muli itong lumingon.






"And don't you dare tell anyone about this kundi parehas kayong mabubura dito sa mundo." pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na ito at umalis. Si Simon naman ay nakatayo lang habang pinagmamasdan ako.







"B-Bakit niyo ito ginagawa?" napaupo na lang ako sa sahig habang tuloy tuloy sa pagpatak ang luha ko.







Hired to ProtectWhere stories live. Discover now