TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!
ºººLEE POV:ººº
"Saan ka pupunta?" napalingon ako kay Zeeus na ngayon ay humahabol sa akin.
Kibit balikat ako dahil wala naman talaga akong pupuntahan maliban sa sinusundan ko si Zenon at hindi ko din alam ang dahilan kung bakit ko nga ito sinunsundan.
Tumingin pa si Zeeus sa harapan kung sino ang tinitignan ko doon pero wala namang makikita doon kundi ang maluwang na kalsada.
"Are you stalking someone? How come?" tanong pa nito na muling tumingin sa akin.
"No. How about you? Where are you going?" balik tanong ko para hindi na ako ang kulitin nito. Makulit pa naman siya.
Napasimangot siya sabay pakawala ng malalim na paghinga. "Ayaw kong umuwi sa bahay." kuway sagot niya saka naman kumapit sa braso ko.
"Just go home. Naghihintay na ang tutor mo sayo."
"Hmmmp. I hate Zander."
"Profesor parin natin siya. Kaya galangin mo din kahit na ayaw mo sa kanya."
"Uhmm." ngumuso pa siya na napatingala sa akin. Napangiti na lang ako dahil kahit na sinong makakakita ngayon sa kanya ay sasabihin napakacute niya.
"Sige na. Ayusin mo na lang ang pagaaral mo. Huwag mo ng tangkaing bwesitin ang tutor mo. Mukha namang hindi umuubra ang mga ginagawa mo sa kanya para tumigil itong turuan ka."
"Iyon nga ang ikinakainis ko. Binuhusan ko na nga siya ng tubig kahapon hindi parin siya nagalit. Nakakainis. Akala mo naman kung santo."
"Hahaha. Kaya nga ang bilin ko sayo ay ayusin mo na lang ang pag aaral mo."
"Nga pala. Kumusta ang mga pinarusahan ni Angel?" kuway tanong niya ng maalala ang nangyari sa rooftop nung nakaraang araw.
"They suffered a lot. Pero parang hindi parin sapat iyon para kay Angel dahil sa nangyari kay Denver. Hindi pa nga siguro titigil si Angel sa pagpaparusa sa kanila kung hindi lang siya pinigilan nina Cloud."
"Oh. Poor Denden. Is he okay, now?"
Nagkibit balikat ako dahil wala naman akong balak pang alamin iyon. "Hey! Huwag mo ng paikutin ang usapan, Zee." kuway baling ko sa kanya at makahulugang tinignan siya. "Umuwi ka na at naghihintay na ang tutor mo." Pagpapaalala ko pa.
Muli siyang suminangot saka niya ako binitawan. "Kung makakalusot lang naman. Saka concern naman talaga ako kay Denden at..."
"Lahat concern kay Denden at isa ka na doon. Pero huwag mong ilihis ang usapan dahil hindi iyan makakalusot."
"Hmmp. Kakainis ka. sige na.. bye bye. See you tomorrow." paalam niya sa akin at paatras pang humakbang palayo sa akin habang kumakaway. Pagkaway na lang din ang tangi kong ipinabaon sa kanya.
Parang kailan lang nung mga bata pa kami at kami ang laging magkasama. Pero ngayon ay bihira na lang kami nagkakasama dahil sa busy sa pag aaral namin. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang pagaaral ko dahil siguradong mapapagalitan ako ni papa.
Nakasunod sa pangalan ni papa ang apelyedo ko kahit na si daddy ang tunay kung ama. magkapatid kami ni Cloud sa ina dahil iisang ina lang ang nagsilang sa amin. Pero simula ng maisilang na si Cloud ay tuluyan ng nawala sa landas namin ang nagluwal sa amin.Hindi na din kami sumubok ni Cloud na hanapin ang nagluwal sa amin dahil sapat na sa amin ang pagmamahal ng dalawa naming ama. Hindi sila nagkulang sa pagbibigay atensyon sa amin at pinalaki nila kaming dalawa ng buong pagmamahal.