Typos and grammatical error ahead!!
ZENON POV:
Tahimik lang ako sa gilid habang naghihintay na dumating ang unang propesor sa unang araw ng pasukan.
Zenon ang pangalan ko at pinalad na maging schoolar ng kilalang Universidad sa kolehiyo.
Ang Alcaide University o mas kilala sa tawag nilang AU. Na kilala din dahil sa pamamahala ng naturang founder ng University. Ang MC.
Ang MC na iniiwasan kong makasalamuha lalo na sa unang araw ng pasukan palang dahil hindi na lingid sa mga bali-balita ng bawat estudyante dito na kilala sila bilang isang bully at ayaw kong ako na ang isa sa mga ibubully nila.
Mananahimik na lang ako sa isang gilid at makikinig ng maayos sa profesor para hindi mawala ang schoolarship na naibigay sa akin.
Hindi kaya ng mga magulang ko ang mapag-aral ako sa Unibersidad na AU pero gumawa ako ng paraan para makapasok lang dito dahil kilala ang Unibersidad na ito sa lipunan. Pero bihira ang kagaya ko na makapasok sa eskwelahang ganito dahil tanging may kaya lang ang nakakakuha ng uportinidad na makapasok dito.
"Move." mga salitang nakapagpatingala sa akin at nakaputol ng pananahimik ko. Kunot ang nuo kong napatitig sa lalaking nagsalita at pinapaalis ako sa kinauupuan ko.
"Pero nauna ako dito." Mahinang sagot ko kahit na bahagya akong nakaramdam ng takot dahil sa naging tingin nito sa akin.
"I said move." muli nitong pagtataboy sa akin na mas naging mapagbabala ang tinging ipinukol sa akin.
Hindi na ako sumagot pero kumilos naman ako para lumipat na lang sana ng upuan ng may biglang tumawag dito.
"Leeeee." napasunod ang tinging ko sa kung saan ito napatingin.
"Zee, kumusta, akala ko nakalabas ka na?" tanong ng bagong dating. Nakasimangot ito na tila may hindi nagustuhan. Habang ang lalaking nagpapalayas sa akin sa inuupuan ko ay nagbago ng mood. Hindi na ito nakakatakot tulad na lang kaninang tinapunan niya ako ng tingin.
"Si daddy kasi. Nakakainis kasi ang mga bodyguard na itinalaga ni papa na bantayan ako." narinig kong sagot naman ng bagong dating. Maraming pinag-usapan ang mga ito pero di ko na iyon inintindi pa.
Hindi na ako umalis ng upuan ko dahil hinila na siya ng tinawag niyang Zee sa kabiliang raw ng mga upuan. Hindi na din ito napatingin sa gawi ko kaya nakahinga ako ng malalim dahil hindi na ako makakaramdam ng takot na baka iyon pa ang dahilan na hindi ako makakatagal sa eskwelahang ito.
Naging magaan na ang bawat minutong lumipas hanggang sa matapos ang kalahating araw ng pasukan.
Lunch time na. Nakaalis na lahat ng mga kaklase ko at tanging ako na lang ang natitira sa loob ng classroom. Kaya naman inilabas ko na ang baon ko para makakain. Hindi naman siguro nila ipagbabawal ang pagkain sa loob ng classroom. Hindi naman ako magkakalat. Hindi ko lang kasi afford ang kumain sa school cafeteria dahil hindi na sakop ng schoolarship ko ang pagkain ko. Saka hindi daw tumatanggap ng cash ang canteen dahil may mga meal card ang bawat estudyante kaya kahit na may cash ako ay hindi din pwede.
"Why are you eating here?"
Nabilaukan pa ako ng marinig ko ang tinig na iyon. Kahit na kanina ko lang narinig ang tinig nito ay alam ko kung kanino iyon. At hindi ako nagkamali dahil sa lalaking sumita sa akin kaninang umaga galing ang tinig na iyon.
Kunot ang nuong nakatingin ito sa akin na tila ang laking kasalanan ang mahuli niya akong kumakain dito sa loob ng classroom.
"Sorry." tanging naging sagot ko at mabilis na inayos ang pagkain ko at isinilid iyon sa bag ko. Kahit na hindi pa ako tapos kumain ay parang nawala na ang gana ko dahil sa takot ko sa lalaking nasa harapan ko na at tila ba minamanmanan na ang bawat kilos ko simula pa kaninang umaga.