Typos and grammatical error ahead!!!
○○○ZENON POV:○○○
Nagulat na naman ako ng pagbukas ko ng pinto ng inuupahan kong silid ay nasa harapan na naman si Lee.
Kung hindi ko siguro napigilan ay baka nakapagsabi na naman ako ng hindi niya magugustuhan at masaraduhan ko naman siya ng pinto.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko dahil wala naman akong dahilan para pumunta siya dito ng ganito kaaga. Saka sabado ngayon at wala kaming klase.
"Saan ka pupunta ng ganito kaaga kung wala namang pasok." tanong niya kaysa sagutin ang tanong ko. Binawi ko pa ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko talaga kayang salubungin ang mga tingin niya.
"Malapit na kasi ang exam kaya pupunta ako ng library para mag aral. Kailangan ko kasing pumasa sa mga exam natin para sa schoolar ko." Totoong sagot ko kahit na hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.
"Pwede ka namang mag aral dito sa inuupahan mo."
"Gusto ko man ay hindi sapat ang mga libro ko para sa ibang subject."
"Then, use my book to study. Here." saka nito ibinigay sa akin ang bag niyang nakasampay sa balikat niya.
"Huh! Pero anong gagamitin mo para sa pag aaral?" hindi ko kinuha ang bag na ibinibigay niya.
"I can study here with you." walang kagatol gatol na sagot niya kaya naman napatitig ako sa kanya.
"Huh!." hindi naman talaga kapani-paniwala. "P-pero baka hindi ka makapag-aral ng maayos kasi masikip ang loob ng inuupahan ko. Wala ding aircon. Tanging maliit lang na electricfan lang ang gamit ko."
"I don't mind. I just want to share my book to you. Ikaw na din ang nagsabi na dapat makapasa ka sa mga exam natin para sa schoolar mo. Then, let's start." at bago pa man ako makasagot ay lumihis na siya papasok sa inuupahan kung silid.
Hindi agad ako nakasunod sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang ikilos sa harapan nito. Lalo na at maliit nga lang talaga ang silid na inuupahan ko.
"What else are you still doing there?"
Napakurap ako sa tanong niya kaya kusang kumilos ang mga paa ko na muling pumasok sa loob. Tumikhim pa ako para lang mawala ang bumara sa lalamunan ko kahit wala naman.
"S-sandali lang. Ilalapag ko lang ang lamisita." mabilis ang naging kilos ko kahit na nanginginig ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Kinuha ko sa gilid ang di-tuping lamisita na siyang gamit kong kainan at iba pa. Dahil sa liit ng silid na inuupaan ko ay lahat ng gamit ko ay di-tupi.
"Umuupo ka ba sa sahig?" tanong ko dahil wala akong upuan. Sa sahig na lang kasi ako umuupo.
"Yeah! Pwede naman akong sumandal sa pader diba?"
Tumango ako. Inayos ko ang lamisita malapit mismo sa pader para sandalan na din niya gaya ng sabi niya.
Agad naman siyang umupo at hinarap ang lamisita. Inilabas na din niya ang mga libro na dala niya sa bag na ibinibigay niya sa akin kanina habang inaayos ko naman ang electricfan at itinutok ko sa kanya.
"Pasensya na. Sabihin mo lang sa akin kung hindi ka komportable." Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa kanya dahil parang limitado na lang dahil baka hindi niya magustuhan.
"Hindi ka ba komportable na nasa paligid ako?" tanong na nakapagpatigil sa akin at napatitig ako sa kanya.
Nagsalubong ang mga paningin namin.