TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!!
ºººZENON POV:ººº
Nasa labasan na ako ng gusali ng inuupahan kong silid ng hindi ko napansin ang mabilis na nakamotor sa gawi ko na halos bumangga na sa akin.
Nakaiwas man ay hindi parin naiwasang hindi ako matumba sa semento. At ang motorsiklo ay natumba lang malapit sa kinatumbahan ko.
"Ouch!" pinilit kong tumayo kahit na masakit ang balakang ko.
"Sorry, Are you okay? Hindi ko sinadyang....Zenon?"
"Daryl?" halos panabay pa naming tawag ng makilala ang bawat isa.
"Are you okay?" muli ay tanong nito sa mas nag aalalang tinig. Umalalay pa ito sa akin para makatayo ng maayos.
Tumango ako. "Okay lang ako. Kasalanan ko din dahil tumawid ako agad ng hindi tinitignan ang mga sasakyang dadaan."
"Kasalanan ko kasi mabilis ang pagpapatakbo kahit na alam ko naman na hindi pwedeng magmaneho ng mabilis dito." sabi naman nito.
"Uhm, never mind. Hindi naman ako nagalusan."
"By the way, may pupuntahan ka ba?"
Tumango na naman ako dahil iyon naman ang totoo. Napaaga lang ako ng labas dahil na rin nag aalala ako sa si Lee ulit ang pumarito. Kaya hihintayin ko na lang siya sa labasan.
"Ng ganito kaaga?" tanong pa nito kaya tumango ulit ako. "Saan ka pupunta. Ihahatid na kita."
"Huh! Huwag na." Maayos na pagtanggi ko dito para hindi na niya ipilit pa ang paghatid sa ako. "Mmm, Why are you here by the way?"
"I live nearby. Nakasanayan ko kasing mag ikot-ikot kapag weekend."
"Okay. Sige, mauuna na ako." paalam ko na dito. Hindi na ako magtataka dahil hindi ko naman inalam kung saan ito nakatira.
"Wait." pero hindi ko naituloy ang pagtalikod ko ng pigilan niya ako sa kamay. Napatingin ako ulit dito. "I really insist."
Muli akong umiling hindi ko naman masabi na hanggang sa labasan lang ako at maghihintay lang kay Lee. Baka kasi kung ano ang isipin kung makitang susunduin ako ni Lee.
"But we are friend. Napakaaloof mo parin." May kung pagdadamdam pang sabi niya na nakatingin sa akin.
"Huh! Hindi naman ibig sabihin na ayaw ko. Kaya lang.. kaya lang..." hindi ko tuloy alam ang idadahilan.
Totoo namang wala akong balak iwasan ito. Sadya lamang na ayaw ko itong maabala kaya tumatanggi ako.
"Ayaw lang kitang maabala."
"Hindi ka naman nakakaabala sa akin. Sandali." Sasagot pa sana ako ng mabilis na binangon ang motor niya at lumapit sa akin.
"Hala, nagasgasan na ang motor mo." sabi ko ng mapatingin sa motor niya.
"Maliit lang iyan. Kaysa naman ikaw ang nagalusan. Mabuti nga hindi ka nagalusan." sabi naman niya na may ngiti pa sa labi. "Halika na, ihahatid na lang kita."
Hindi na naman ako makasagot. Wala na akong alam na idahilan dito kung hindi sabihin dito ang totoong pupuntahan ko.
"K-kasi...." pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may mabilis ding magarang motor na tumigil sa tapat namin. Hindi ko naman makilala kung sino dahil nakahelmet ito.
Para pang slow motion sa paningin ko ang pagtanggal ng helmet nito hanggang sa tuluyang mapagsino ang driver ng magarang motor na tumigil sa tapat namin ni Daryl.