TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR AHEAD!!
ºººZENON POV:ººº
Hindi ako mapakali habang nag oorder siya ng pagkain. Kinakabahan ako dahil alam ko namang mahal ang mga pagkain sa restaurant na napili niya pero hindi naman ako makatanggi dahil kabayaran na din ng textbook na ipinamahagi niya sa akin.
"I want this, this, this, this and this. How about you?" napakurap pa ako ng balingan niya ako.
"O-okay na ako sa baon ko." nahihiyang sagot ko dahil nakakahiya nga namang ilabas ang baunan ko sa isang napakagandang restaurant.
"Okay. Dagdagan mo na lang ng ganito, at magdala ka na din ng extra plate para sa kanya." saka may itinuro pa siya sa waiter.
"Sige po, sir."
Nakayuko na naman ako. Hindi ko masalubong ang tingin niya. Pakiramdam ko kasi ay tinatawanan niya ako ngayon dahil sa baong dala ko.
"Thank you." pasasalamat niya pagkaraan ng ilang sandali ng maihanda na ang mga order niya. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata kong nakatingin sa mga iyon. Napalunok ako sa kaba dahil sa pag aalalang hindi ko kayang mabayaran ang mga iyon ngayon.
"Go! take your lunch out." Kuway sabi pa niya ng mailapag sa harap ko ang extra plate na ipinakuha niya.Wala pa sana akong balak ilabas ang baon ko pero nakatingin siya sa akin at hinihintay na ilabas ko iyon kaya wala akong nagawa kundi ang ilabas iyon sa bag ko. "Good. Kain na tayo."
"O-oo." kahit na nahihiya ako ay nagsimula na akong kumain. Wala akong balak na tignan siya kaya nanatili akong nakayuko sa kinakain ko. Pero napaangat ang ulo ko ng wala sa oras dahil sa kumuha siya sa ulam na baon ko.
"Pwede ko naman sigurong tikman ang baon mo. Niluto mo ba?" tanong pa niya bago isinubo ang isang maliit na hiwa ng adobong manok. "Uhm, Hindi na masama. Masarap siya."
"Y-You can take more if you want." pag aalok ko na lang kahit na hindi ko sigurado kung nagbibiro lamang siya sa sinabing masarap ang luto ko.
"Really. Then, papalitan ko na lang ng ganito. Here." Kinuha pa mismo ang plato ko at kinuha lahat ng ulam sa pinggang ko at pinalitan iyon ng beefsteak. Nilagyan na din niya ng tatlong pirasong malalaking shirmp bago ibinalik sa akin ang plato ko.
"Kain na." napalunok muna ako bago ako tumango. Hindi ko na kasi mapigilan ang titigan siya habang maganang kinakain ang ulam na baon ko. Sarap na sarap siya na hindi iyon tinigilan hanggang sa hindi naubos. "What? Hindi mo ba gusto ang ipinalit ko sa ulam mo?" tanong niya ng mapansing hindi pa ako kumakain simula ng palitan niya ang kinakain ko."
Umiling ako. "No! I mean, gusto ko. Gusto ko lang malaman kung totoong nagustuhan mo ang lasa ng ulam ko?"
"Hindi ako marunong magsinungaling. Kaya kain na." Tanging sagot niya sa akin pero sapat na iyon para makahinga ako ng maluwang sa pag aakalang nagpapanggap lamang siya.
Hindi na ako nagsalita pa at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Naging magana naman ako sa pagkain. Saka ko na lang napagtanto ng matapos na kaming kumain ay mas marami ang nakain ko sa mga pagkaing inorder niya. Bigla akong nakaramdam ng hiya at hindi na naman masalubong ang tingin niya sa akin.
"Sorry."
"Here we go again. Lets go." na sinabayan na ng tayo pagkalipas ng ilang sandaling pananahimik.
"Magbabayad pa ako." sagot ko saka ako tumayo at nagpunta sa casher kahit na pwede namang tawagin ang waiter na ito na mismo ang magdadala ng bill namin. "Magbabayad po ako." sabi ko sa casher.