Prologue

198 9 7
                                    

Everybody hurts- Avril Lavigne


Paano kung bigla ka na lang nakaramdam ng pagkatalo? Paano kung bigla kang nanlumo sa sarili mo? Paano kung ang pakikipagrelasyon sa taong mahal mo eh biglang ayaw mo na lang? Pati ang barkadahan nyo, biglang ayaw mo ng samahan, kasi,baka kasi ang totoo n'yan,naiiwan ka na?

Puro away,sigawan. Paano ko kaya sasabihin? Ayoko ng masaktan pero mas ayoko ng makasakit. Nakakaloko. Hindi ko na talaga alam...

'Di ko na masabayan. Lalayo ka na lang kasi katulad nga ng sinabi ko,paano kung biglang ayaw mo na sumama? Kasi ang totoo n'yan napag-iiwanan ka na pala.


Binabawala ako. Pakiramdam ko palagi na lang akong pinagtatawanan. Gusto ko nang umalis sa sistemang 'yon!


Mahirap.Maingay.Magulo.Nakabibingi. HINDI KO NA MARINIG ANG SARILI KO!


Pero ang hirap pala nung wala ka na.

Masyado na pa lang iba nung umalis na kayo.

'Yung tipong lahat na ng pintong pinuntahan mo nakasarado. Kahit saan ka man pumunta ramdam mo ang mga tingin nila. Gusto mo ng lumubog sa lupa. Alisin mo 'ko dito. Kunin na sana ng sinuman.


Nakakapagod. Bakit nangyayari 'to? Yakap ko ang sarili ko. AKO. Naisip ko,walang ibang sasalo sa'yo kundi ikaw lang din.


Pwede bang pakitigil naman ang mundo? Ay ... teka...teka...saglit...saglit lang...GUSTO KONG SUMIGAW!







Ngumiti ka.

Isipin mo may bukas pa naman. Baguhin natin.


Basta na lang nangyari.

Hanggang sa naging iba na lang ang mga kasama ko, ang kausap ko at ang kasayaw ko. Tatanggapin ko ba?

'Di ko maintindihan. Teka ang gulo! Ang alam ko hindi ko s'ya kilala. Ano ba 'to?


Mahirap.Maingay.Magulo.Nakabibingi. 'Di ko pa rin marinig ang sarili ko!


Paulit-ulit...


Pero malabo man maaayos din 'to. Ok lang 'to!

Siguro nga ayoko lang aminin. Sila pa kasi ng sila ang sinisisi ko,ako rin naman pala,kasali.




***Author's note

Again, this is the sequel of IMKJLEE's Shut up and be mine

Read first para may idea sa characters at sa mga mangyayari : (SUBM) http://www.wattpad.com/story/2074183-shut-up-and-be-mine-complete

or simply click the external link.

Thank you for reading! :)

Long Time No See (Sequel of SUBM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon