Chapter 2

73 8 20
                                    

Kung bibilangin ang rami-rami na nga'ng nangyari. May naintindihan kaya ako sa kanila? Baka panahon na para isipin ko naman ang sarili ko kasi alam naman nating marami pa tayong gagawin at aabutin, 'di ba?

'Keep moving.'

Ito na lang muna sa ngayon. Hindi ko nga dapat pinipilit pa lahat sa ngayon.

'Move forward.'

Tama 'to, dahil maling-mali kasi na isipin kong magpakamatay kahit na ang dami ko ng dala at naiiyak na 'ko sa inis sa dami ng mga nangyayari at kung gaanong hindi patas ang lahat.

'Don't ever ever give up.'

Bumaba na ako ng taxi kahit pa malayo pa sa amin, ang mahalaga tanaw ko naman dito 'yon.

Kapag lalakarin ko na lang magmula dito pauwi, mababawasan kaya ang sakit? Hindi ko na ba maiisip?

Maganda na rin 'to, para 'di nila mahalata ang nangyayari sa 'kin.

Gusto ko lang muna ramdamin ang lahat. Napapailing na lang ako habang naglalakad.

Ang sakit sakit naman...

Maya-maya, may kakaiba akong nararamdaman. 'Ano 'yon?'

Lumalambot yata ang lupa at kinukuha ako!

Ang lakas-lakas ng hangin. Hindi na 'ko makahinga!

Hindi ko na ba kayang pigilan ang lahat?

"Rai!"

Sino ka?

Kaisa ka rin ba nila?

Nakatingala kong nilingon ang tumawag sa 'kin.

Nakatingala? Ano 'to?

Nakita kong nando'n s'ya sa veranda,sa may kwarto ko nanggaling.

Dahil doon hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon, pilit kong inabot ang kamay ko sa kan'ya.

'Kunin mo ang kamay ko.'

Hala 'di ko magawang sumigaw. Walang lumalabas na tinig sa 'kin. Bakit?!!

Teka! Nahuhulog...nahuhulog ako?!

Kaya ba hindi ako makahinga kasi nahuhulog ako? Kaya ba inaabot ko na s'ya kasi nahuhulog ako at gusto kong humingi ng tulong? Pero bakit ganito,masiyadong mataas ba ang pinanggalingan ko kaya nahuhulog pa rin ako? Ganito lang ba talaga 'to?

Papaanong nangyari 'to? Natatakot na 'ko.

Habang binabalangkas ko ang ihip ng hangin, naisip ko,kung mamamatay rin lang ako, bakit hindi na lang tapusin kaagad 'tong paghulog ko? Hindi na kasi ako makapaghintay.

Kasi kung alam ko nang ganito ang nangyayari sa 'kin ang ibig-sabihin no'n ay mamamatay na 'ko, hindi ba?

Hindi na 'ko makapaghihintay pa sa kamatayan ko.

At ilang segundo lang 'pagpikit ko ng mga mata ko, s'ya namang pag dampi ng mga palad ko sa matubig na lupa at tuluyan na akong nahimlay.

Pagkatapos nawala rin ang sakit.

*

*

Long Time No See (Sequel of SUBM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon