"Uy Rai! Ano? Ano ba 'yan? Anong nangyayari sa'yo? Para kang naaano d'yan eh. Okay ka lang ba?" Takang-takang tanong ni coach Von sa 'kin.
Eh ano pa nga ba? Ako kasi, 'di na 'ko napakali simula nang magkatagpo ang mga mata namin nitong Jinhwan na 'to! Kainis. Bwisit. Pwede namang si coach lang ang nakita ko ngayong araw, bakit naman kasali pa 'to? At baka mamaya eh hindi lang s'ya, mayroon pang ibang sumulpot. My gad sana iniisip ko lang 'to!
Ngumiti na lang ako ng bahagya kay coach para bigyang pansin ang pagkaligalig ko sa gilid n'ya. At para buo ang acting, nahuhulog-hulog kunwari ulit ang ilan sa mga gamit ko. "Ay wait, coach. Ay! Ay! Ano ba 'yan."
Sa hindi ko ulit inaasahang pangyayari, agad na pinulot ni Jinhwan ang mga gamit ko na sinadya kong hulugin para hindi nila mapansin ang paggiging uneasy ko. "Ako na. Naku,Rai. Hayaan mong ako na."
Naku ka din! Please lang ha paalisin n'yo na 'ko.
"Baka mapano ka n'yan? Tsk Rai oo oh! Baka mauntog ka naman sa mga bag mo kakapulot mo." Panenermon ni coach Von habang tumulong na din sa pagkuha ng gamit ko. Dapat nga eh si coach na lang, umepal pa 'tong Jinny na 'to. "Ano ba talaga? Ano ba talaga, ha? Natatae ka na ba?"
Coach naman eh!
Pilit akong pinatigil ni Jinhwan para umayos at tumigin na sa kanila. Hinawakan n'ya ang magkabila kong braso at sabay abot sa 'kin ng mga gamit ko. "Amin na nga muna 'tong mga gamit mo. Ito hawakan mo. Ano ba friend, hanggang ngayon ang hilig mong mataranta." Sabay inasar ako ng tawa n'ya.
"Grabe ka naman sa 'king Jinhwan ka!"
"Hayaan na natin, natatae na kasi 'yan eh."
"Hay naku coach!" Matawa-tawang sabi ko. Ano ba 'yan, kahit kailan 'di ko magawang maasar sa kanila. Itong si coach, ganito talaga 'to eh. Hindi ako naaasar sa mga panlalaglag n'ya totoo man o hindi. Kahit minsan nakakahiya na talaga. Kahit sino sa 'ming mga alaga n'ya, talagang pagtitripan n'ya. Tsaka ako, hindi naman talaga ako asar-talo kahit saan. Medyo lang. Sanay ako dahil sa halos laging puro lalaki ang kasama ko, mga kuya ko pati sa org namin noong college ang majority eh mga lalaki kaya sanayan lang sa buhay 'yan. Malambing sila maging kaibigan. Caring pa kamo. Nakakaganda sa pakiramdam na tinatrato kang prinsesa at ginagalang kahit gaano pa ang kulitan n'yo, 'di ka nila kayang bastusin kahit na bastos ang usapan nila pag nagsama-sama. S'yempre mga lalaki eh, hindi mawawala 'yon. Pero kung wala ang dudes siguro 'di ko rin kakayanin. Kasi kahit gano'n minsan 'yong mga tropa kong lalaki 'di ko makausap ng matino. Kakaasar! 'Yong mga tipong may kaiyakan ka. May kasama kang mangarap o kahit mga small talks na nakakabuo ng pagkatao mo minsan. Girl talk indeed! Teka,bakit nga ba madalas ko silang masabi?
"'Oy bakit papalag ka na Rai? 'To naman!"
"'Di coach ,'no. Patola ka din sa 'kin eh."
"Asa boy! Oy Jin, mamatay ka naman kakatawa d'yan!"
"'Di, coach. 'To kasing si Rai eh. Alam mo coach, nakakamiss 'yong mga gano'n mong biro puro na lang kasi kami ang pinapahiya mo!" What? "Kami" daw oh. Ano na ba talaga? Ito na naman tayo eh. Aalis na talaga ako. "Ano Rai, kamusta na ba? San sila Ran, ba't 'di mo kasama?"
"Ha?"
"Si Ran, monggi! San sila?"
Sus Jin, if I know!
"Ran? Ah 'yong crush mo dati na 'di ka naman sinagot?" Crush dati na 'di ka sinagot? Eh ni hindi nga nagpaligaw si Ran sa'yo, uy! "Tang-ina boy, san ba galing 'tong si Rai?"
"Grabe ka sa 'kin, coach. Bully ka!"
"So gay, Jin. Sa'n ka nga galing Rai?"
"Ano ba 'yan kayo! Coach, galing akong team building ng mga katrabaho ko. Kayo, sa'n punta? Mukhang aalis din kayo?"
BINABASA MO ANG
Long Time No See (Sequel of SUBM)
FanfictionI got you spinnin',flippin',breakin',movin',freezin',pullin',stompin', step by step now we're groovin'. 1-2-3-4-5, wisdom grows as we count up until we gasp fo air, lose our breath--our breathtakin' heartbreaks. Sequel of Shut up and be mine http:...