Chapter 3

78 9 19
                                    

"Hello!"

Nawala ang pag-iisip ko ng marinig ko ang pagsigaw nitong si Jessie sa 'kin.

"Ano ba, kailangang sumigaw?"

"Like duh? 'Di po ako sumisigaw teh. Tulaley ka kaya, eh kanina pa 'ko salita ng salita dito, 'di ka naman pala nakikinig! Kaya ayan, akala mo sumisigaw ako."

Tulala? Baka nga kasi ramdam ko ngang nag-iisip ako kanina.

Nandito kasi kami ngayon sa isang usual gathering party ng mga nandito rin sa beach. Marami daw kasing ganito talaga dito pag gabi. At sige na nga, dahil ganito naman dito, sinuot ko na rin ang isa sa mga baon kong blue two-piece but to secure myself I partnered it with a short-short and my body was filled by a white see through. 

"Ako, tulala? 'Di ah. Ang sabihin mo ang lakas-lakas ng tugtog, 'di ba? Kaya 'di kita marinig. Kaya ito, kailangan nating magsigawan!" Sabay kuha ng iniinom ko.

"Aray, aray. Nabingi yata si wata (ako) do'n, girl. Wait, imbento,hala! Ang OA ha. 'Di naman tayo nagsisigawan ah. Ikaw lang 'tong sigaw ng sigaw d'yan eh. Ayan oh, pinagtitinginan na tayo ng mga katabi natin, ikaw kasi!"

" 'Di ah." Kahit totoo naman talagang ako lang. Oo nga naman, eh ba't nga ba ako sumisigaw?

"Kaya pala naririnig mo talaga 'ko? Naku, sige deny pa! Bakit sino ba'ng iniisip natin,ah? Si ex ba na nak'wento mo, ha?" Pang-aasar ni Jessie sa 'kin.

Officemate ko 'tong si Jessie at kaya kami nandito ngayon sa party hindi dahil weekend kaya gumigimik kami o naka-leave kami kaya trip naming magbakas'yon, kundi may isa kaming araw na malaya pagkatapos ng team building namin kahapon. Naisipan naming dalawa na magpunta dito tonight. Actually, 'di lang kami ang dapat na nandito eh, may mga kasama pa kaming dalawa pang ka-close din namin sa office na sila Clarice at Kayeanne. And speaking, nasa'n na ba 'yong dalawa?

"Oy! Ano ba? Tulala ka na naman. Wala na. Malala na 'tong pag-iisip mo na naman sa kan'ya. Aww, deary!"

"Issue! Tsismosa 'to! Naisip ko lang bigla sina Cla at Kayeanne. Nasa'n na ba 'yong dalawa? Kanina lang kasama natin 'yon ah, bago tayo magkayayaan dito. Ano 'yon,'di na sumunod?"

Muntik ng mabuga nitong si Jessie ang iniinom n'ya sa 'kin dahil sa natawa s'ya sa sinabi ko. Bakit, ano namang nakakatawa d'on?

"Alam ko na! Gotcha! Alam ko na, alam ko na!" At tuwang-tuwa s'yang nilalagay ang index finger n'ya sa mukha ko. Ang bilis namang malasing nito?

Tawa pa rin s'ya ng tawa bago nakapagsalita. "Ay, naku teh. 'Di lang pala dites (dito) wala yang jutak (utak) mo. Sa'n mo ba iniwan, ha? 'Yong totoo? Kanina pa yata pagkatapos ng chikahan nating wala ka sa sarili mo,eh."

At pinagpatuloy n'ya pa rin ang pagtawang may kasabay na pagsayaw sa tabi ko. "'Yong totoo, affected pa rin sa ex n'ya si ati!"

Nakakaasar sa totoo lang. "Ipilit mo 'di ba? Ipilit mo! Tinatanong ko kaya kung nasa'n 'yong dalawa, epal 'to!"

Mas lalo lang yata akong mapapahamak nito sa pag-segue ko mula pa kanina. Eh, kasi naman kasi!

"Kaya nga! Sinabi nila na hindi nga sila makakasama after ng more chika natin kanina kasi nga ipapaalala ko day,ha? Si Kayeanne, tatawag daw 'yong jowa n'ya kaya mag-uusap sila at si Cla, maghahanap daw s'ya kung saan pwedeng mag-skateboarding dito kasi hinahanap na daw ng katawang lupa n'ya 'yon, bitter!"

Che! "Doon sa dagat oh, try ni Cla para maiba naman. Sinabi ba talaga nila 'yon?"

Matagal n'ya akong nginitian na nakakaasar bago nang-asar ng tuluyan. "Ayiie! Nag-jo-joke na s'ya para kunyari 'di brokenhearted. Oo! Sinabi nila 'yon 'no! Lutang kang bakla ka!"

Long Time No See (Sequel of SUBM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon