Hello! :)
Natagalan bago ako nakapag-update pero ito na s'ya at sana magtuloy-tuloy na ito. :)
Medyo mahaba-haba nga pala itong UD na 'to at PAALALA maraming murahan at bad words kung tawagin ang maaring mabasa at baka sa mga susunod na chapters pa. Ganito talaga ang sinasabi ng kwento.
O s'ya let's get SWAGGIN'!!! ;)
Chapter 1
Mali ba 'to? Mali na ba?
Ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad kahit malalim na ang gabi. Madaling-madali ako patungo sa direks'yon kung sa'n daw naroon s'ya. Patuloy lang kahit parang wala namang patutunguhan. Hindi ko na din alam kung nasa'n ako. Nakakahina na ng loob. Pati 'tong ginagawa ko, wala na rin bang patutunguhan?
Halos mapaupo at mapayuko na 'ko. Ang lamig, sobra. Kita ko na ang usok sa kaunting hinga ko lang. Hindi na 'ko makahinga ng maayos. Gusto kong humingi ng tulong.
Sh*t! Bakit ang sakit isipin? Ikaw ba 'tong naiisip ko? Hindi ko na alam. Gulong-gulo na 'ko. Tulungan mo naman ako. Kung pwede lang na magpakita ka ngayon lang, para malaman mo.
"Ano 'yon?"
Nawala ang pag-iisip ko nang napatingin ako sa may kanan ko dahil sa ingay ng mga taong 'di kalayuan sa 'kin.
Lumapit ako ng marahan sa nagagaganap na hamon na 'yun, sa may gilid ng kalye.
"B-boy battle?" lalo kong naramdaman ang lungkot. Gusto ko na lang umalis. Tsk.Ano ba 'to?
Huminga muna 'ko ng malalim at nung paalis na 'ko, napansin ko ang isang lalaking isa sa mga taong nando'n,naka-hoodie na may sombrero sa loob at parang kanina pang nakatingin sa 'kin.
Teka! Hanbin? Ayun na ba s'ya? WAIT. Si Hanbin ba yun? "B!" Napangiti ako at para akong nabuhayan ng loob. Nanghihina na 'ko pero sigurado akong sapat ang sigaw kong 'yun para mapansin n'ya 'ko.
Pero tumakbo s'ya paloob sa mga tao."Hanbin!" Kailangan ko s'yang makausap. Oo! Kahit ngayon lang. Sana may magawa ako sa mga huling sandali, bago man lang ako umalis.
"Just..go...." Teka lang, parang ayoko na ata s'yang habulin pero ayoko din namang sumuko.
I'm sorry.
Pikit-mata akong lumapit ako sa B-boy battle na yun at tumingin-tingin sa paligid para lang 'di s'ya mawala sa paningin ko.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa 'kin ang bumilib dito lalo sa mga stunts nito. Minsan ko nang natutunan ang sayaw na 'to . At 'di ko din naman 'to lubos na magagawa kundi dahil sa kanya...
"B.I.." Malapit na sana ako kaso talagang nilalayuan n'ya na 'ko.
Bakit? Bakit na ba nagkakaganito? Ano ba 'to?
"B.I.!!!"
Hindi ako napagod na sundan s'ya ng sundan at tawagin pero talagang ang sakit na ng mga paa ko para magpatuloy pa. Medyo mahaba-haba din ang tinakbo namin.
Nasa tapat na pala ako ng isang bar ngayon. Baka 'di ko s'ya makita n'yan dahil ang layo n'ya sa 'kin nung pumasok s'ya dito. Malamang matabunan ako nito sa loob. Bahala na.
Bago pa man ako lumakad ulit, may mga humarang sa 'kin at pinalibutan ako ng iilan habang nagbe-beatbox sila.
Nawala ng bahagya ang pagod ko at ang katawan ko, tila gusto na lang sumabay sa bawat bagsak ng bibig na binibibigay nila. Pero gustuhin ko mang magtagal,may kailangan pa 'kong asikasuhin.
At siguro naramdaman din yata nila na kailangan ko nang pumasok dahil sa pagtigil nila.
"Sure ya wanna go inside,love? Go get in. You welcome." Bati nung isa
BINABASA MO ANG
Long Time No See (Sequel of SUBM)
FanfictionI got you spinnin',flippin',breakin',movin',freezin',pullin',stompin', step by step now we're groovin'. 1-2-3-4-5, wisdom grows as we count up until we gasp fo air, lose our breath--our breathtakin' heartbreaks. Sequel of Shut up and be mine http:...