Simula

643 35 28
                                    

"STILL NO KIDS at this point of your marriage, Mrs

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"STILL NO KIDS at this point of your marriage, Mrs. Zaldarriaga?"

Mabilis na iginala ng babae ang paningin sa direksyon ng kausap at ginawaran ito ng matipid na ngiti.

"Still no kids," ulit niya. "Domenico and I are way too busy to think of having a baby right now, Mrs. Pacheco."

Lihim siyang naiiling para sa sarili. Too busy to think of having a baby? Malabo 'yon sa katotohanan. Malayong-malayo sa totoong sitwasyon nilang mag-asawa.

Ngunit para sa pangalan at reputasyon ng kabiyak, handa niya itong pagtakpan sa harap ng mga tao.

"That's impossible, Malen," kontra ng kaniyang biyenan habang umiiling-iling. "Hindi ba sinabi ko na sa inyong iwan n'yo muna ang trabaho at pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng pamilya? Excited pa naman kaming magkaro'n ng apo sa inyo."

She keeps on hearing that sentiment from her in-laws over and over again. Nakakapagod. Nakakasawa. Ngunit sa loob ng halos tatlong taong pagsasama nila ng asawa, wala rin siyang ibang hiniling dito kung 'di ang bigyan siya ng anak.

Ito rin ang dahilan kung bakit nagpakasal siya sa lalaki sa kabila ng malaking agwat ng damdamin nila sa isa't isa.

She married Domenico to seal the deal between the man and her parents. Ang kasal nila ng negosyante ang tumapos sa ilang taong pagpupursige ng mga Zaldarriaga na makuha ang loob ng pamilya Hidalgo na ipagkatiwala ang hekta-hektaryang lupa na pag-aari ng angkan.

She agreed to marry the ruthless, unaffectionate man in exchange for her one request: a child. Pikit-mata niyang tinanggap ang kasal na iyon para sa kagustuhan niyang magkaanak, kahit alam niyang walang kasiguraduhan ang magiging pagsasama nila ng lalaki matapos nito.

"Ma," nahihiya niyang sagot sa babae. "Alam niyo naman pong busy si Domenico sa pagpapatakbo ng kompanya. Lalo na ngayong kabubukas lang ng international branch sa Madrid, imposible talaga 'yon."

"Oo nga naman, Malen, sang-ayon naman ako rito sa mother-in-law mo," entrada ni Amelia at inangkla ang isang braso sa bisig ni Malen. Isa ito sa tumayong ninang sa kasal ng mag-asawa. "Hindi na kayo bumabata ni Domenico. Siguro nga, panahon na para magkaroon kayo ng anak kahit isa man lang . . ."

Tumango-tango naman si Paz bilang pagsang-ayon. Malapit itong kaibigan ng mother-in-law niya at isa rin sa mga kasosyo ng distillery company ng asawa. "Mahilig naman 'yang si Domenico sa mga bata, tiyak na maii-spoil ang magiging anak niyo!"

Mariing napapikit na lamang si Malen habang patuloy pa rin ang mga kasama sa pag-uusap tungkol sa magiging anak nila ng asawa. Maging ang pagbibinyagan at ipapangalan sa bata ay napag-usapan na rin no'ng mga oras na iyon.

Tila mas excited pa ang mga ito kumpara sa kan'ya.

She, too, had dreams about it. Vivid, too good-to-be-true ones. She dreamt of Domenico cradling their child, humming lullabies, and whispering sweet nothings to the kid's ears.

The Wife's Clandestine Tears [TO BE PUBLISHED UNDER PII] | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon