UMAALINGAWNGAW ang nakaiindak na musika sa bulwagan. Napupuno ng magagarang centerpiece lighting at gobos ang paligid. Mga mamahaling alak at pagkain ang inihahain sa mga bisita.
Maririnig din ang masasayang kwentuhan ng mga panauhin, ipinagmamalaki ang kani-kanilang mga natamo sa buhay at negosyo.
It is truly an exclusive party for prominent people. Rich businessmen, politicians, even celebrities with their spouses kept on prancing inside the event hall wearing designer clothes. Kumikinang ang mga alahas na suot-suot ng mga ito, tila ipinaglalandakan ang estado nila sa lipunan.
Untouchable. Powerful. Intimidating.
Malen found herself somewhere in the crowd, exchanging praises, smiles, and endless chats about married life and business as if it's the most important thing in the world. Pilit siyang ngumingiti sa harap ng mga ito para lang makibagay at panatilihin ang reputasyon ng apelyidong dinadala niya.
She's carrying her husband's name for almost three years. The same name that every woman in the town of Buenavista wishes to be associated with them.
Siya lang naman ang butihing maybahay ng nag-iisang Domenico Zaldarriaga.
The man behind the successful Aldeguer Distilleria, the co-owner of the biggest shipping company in South East Asia; the one who holds the power of being one of the business empires' bosses.
Gano'n ito kaimpluwensya sa larangan ng negosyo kaya't walang sinuman ang nangangahas na banggain at traydurin ang lalaki.
Para sa mga nakakakilala kay Domenico, betraying him means digging one's own graveyard. At bilang asawa nito, responsibilidad ni Malen na panatilihing malapit ang relasyon ng kabiyak sa mga kasosyo nito, kahit pa pilitin ang sariling makibagay sa mga ito.
"I really love your look, Malen," bati ni Eliza. "I bet you spent hours making yourself look perfect tonight!"
Asawa ni Eliza ang isa sa board of directors ng kompanyang pinamumunuan ni Domenico. Dahil dito, madalas din niyang nakikita ang babae sa mga pagtitipon kagaya nito.
"I'm sure your husband spoils you too much!" dagdag pa nito.
"I agree," entrada naman ni Carmie na naka-angkla pa ang isang braso sa bisig ni Malen. "Have you seen the necklace she's wearing? Kalalabas lang n'yan sa market the other week. Sampu lang ang available niyan sa buong mundo!"
Napasinghap ang ilang kababaihang kabilang sa grupong iyon.
"Hindi na ako nagtataka," puna ni Donna habang nakatingin sa 24-karat diamond necklace ng babae. "Sa yaman ba naman ni Domenico, barya na lang sa kaniya ang presyo ng kwintas na 'yan."
Ganito naman lagi ang takbo ng usapan kapag nandoon si Malen. Kung hindi pupurihin ng mga panauhin ang suot niyang gown o alahas, babanggitin ng mga ito ang pagiging financially stable ng asawa upang mabilihan siya ng mga materyal na bagay.
BINABASA MO ANG
The Wife's Clandestine Tears [TO BE PUBLISHED UNDER PII] | ✔️
General Fiction"Sana panaginip na lang 'to, sana hindi na lang kita nakilala . . ." Pikit-matang nagpakasal si Malen Hidalgo sa lalaking nangakong magbibigay sa kaniya ng anak kapalit ng inaasam nitong lupain kahit pa walang kasiguraduhan ang nararamdaman nito par...