Nandito ko ngayon sa bago kong school na pinapasukan. Kanina pa ko paikot ikot dito. San ba ang AVR na ito. Juice colored.
Lakad
Lakad
Magtatanong na nga ako.
May nakita akong lalaki sa may bulletin board. Baka Member sya ng Student Association.
Lumapit ako kung saan naroon ang lalaki. Nakatalikod sya at mukang busy sya masyado sa kanya dinikit.
Dahil curious talaga ko. Sinipat ko kung anong ginagawa nya. Mas matangkad sya sakin kaya medyo mahirap. Hindi nya naman ako napapansin dahil maliit ako..
Ano kaya yun???
HALA SYAAAAAA...
"Hoy!!! Anong kalokohan yang nilalagay mo dyan?!!!!"_ sigaw ko sa lalako dahilan para humarap sya sakin..
Tae! Ang gwapo nya. Nakasuot sya ng Varsity Jacket na kulay itim at pula. Nakasulat sa likod nito ang apelidong TAN habang sa loob naman nito ay isang simpleng puting V neck shirt.
"Bat nakikialam ka? ikaw ba yan?" natatawang sagot nya sakin
Isang litrato ng babae na nakusuot ng two piece sa loob. Mukang dito rin nag aaral ang babae dahil suot niya rin ang neck tie na may logo ng school at nakasabit ito sa kanyang leeg.
"napakasama ng ugali mong manyakis ka!!!" sigaw ka sakanya at hinampas hampas ko sya ng libro na hawak ko.
"Manahimik ka" seryosong sabi niya at hinawakan ang mga braso ko. "Kung ayaw mong litrato mo ang ilagay ko sa tarpulin at isabit ko sa bawat building ng university na to!" pag katapos nun ay bigla nalang nya kong tinalikuran at naglakad palayo.
Naiwan akong tulala at nabalot ng takot.
Pinilit ko syang burahin sa isip ko. sana hindi nya ko natandaan. Walanjo! Ang gwapo sana.. Kaso ugaling demonyo.
Sa wakaaaaas!!! Nakarating na ko sa lintek na AVR na ito. Inikot ng mata ang buong AVR at puno ito. Hanep.. Blockbuster pala sa subject na ito. Nakita ko ang isang bakanteng upuan sa bandang dulo.
Lumapit ako doon at hindi magandang eksena ang nakita ko.. Lalaking nakayukyok sa upuan at mukang tulog na tulog.
Ano bang mga estudyante ang mga ito. Hindi man lang matutong magbigay ng halaga sa edukasyon.. kaya walang napapala ang mga kabataan ngayon e. Tsk! Binasa ko ang pangalan na nakasulat sa binder na ginagawa nyang unan.
Al Bren Tan
Umupo ako dahil dumating na ang aming prof. Narinig ko ang pagbubulungan ng mga estudyante na bago daw ang prof namin.
lintek ito ang hirap pag second sem ka lumipat e. Lahat ng mga sinasabi hirap paniwalaan.
"I am Prof Gene. I will be your Physics teacher for this sem. Please write your name, course and contact number on this sheet of paper. ipasa nalang hanggang sa likod. "
Ginawa ng mga kaklase ko ang sinabi ng prof at nagsimula naman na magdicuss si sir.. Pero ang lintek kong katabi.. Nakayukyok parin.. bahala ka dyan
Dadating na sakanya ang papel para magsulat. Kinalabit sya ng lalaki sa unahan.. At QUE HORROR!!!
Bat sya pa??!!!
Sinulat nya dun ang kanyang pangalan at nang mapansin nyang nakatingin ako ay agad nya kong tinapunan ng tingin..
"Tang ina ang malas" bulong nya
Ipinasa nya sakin at papel at tamad na yumuko...
Binasa ko ang pangalan na isinulat nya doon.
HAH!
May naisip akong idea..
Isinagawa ko ang masama kong binabalak at isinulat ko na ang pangalan ko. Ipinasa ko ito sa harap para bumalik na ang papel kay Prof. Gene.
"okay thats all for today. bukas ko na kayo ipapair para sa magiging experiment partner ninyo for this sem. Sige tatawagin ko muna kayo isa isa para marecognize ko sayo since bago ako sa university."
Inisa isa nya kaming tawagin.. Patay!
Tumayo na ang demonyong katabi ko bago pa sya tawagin ni Prof Gene at hinakot na ang kanyang mga gamit at Varsity Jacket na suot niya kanina."Mr. Al Bren Balasubas" banggit ni Prof Gene at nagtawanan ang mga estudyante.. Lalong lalo na ako..
Napahinto siya at dahan dahang lumapit sa harapan..
"SINO. ANG. NAGSULAT. NITO." matapang na sabi nya
Lahat naman sila ay napailing at halatang takot na takot.. Naiwan akong natatawa pa.
Tinignan nya ko. ng masama
Putspa!!!
Pinunit nya at papel habang titig na titig sakin at iniwan kaming lahat na nakatulala.

BINABASA MO ANG
Ms. Mapilit
RomanceNagmahal ka na ba? Malamang, Oo ang pagmamahal kusang ibinibgay pero paano nga ba magmamahal ng sapilitan Pwede kayang mahalin ka rin nya ng totoo O lilipas nalang ang lahat dahil PINILIT MO LANG SYA