INABOT

21 1 0
                                    

Pagtapos ng nangyari kahapon hindi maalis sa isip ko ang itsura ni Al Bren.

Ang itsura niyang kamuka ni Ryuk pero galit na galit ay bigla nalang naging anghel nang makita niya yun babae na yun.

Sino nga kaya sya? Sila ba? Pero mukang ang malas naman nun babae kung boyfriend nga niga si saTAN.

Anna Gallardo.

Maganda sya. Sexy. Mukang anghel at sobrang bait. Wew

Well kung titignan gwapo naman talaga si Al Bren. Makisig ang pangangatawan, matangkad, matangos ang ilong, yung perpektong jawline nya, mapupulang labi na parang ang sarap sarap kagatin...

shit! What the PACK did I just say???

Erase. Erase. Erase.

Badtrip naman ohh.. Makaligo na nga at makapasok na.

Hay nako Charlene. Always remember looks can be decieving.

Ganian din ang demonyong si Lucifer. Mapangakit. Pero sa totoo.. Karumaldumal ang ugali.

Naligo na ko at ginawa ang mga seremonya nang makapasok na ko sa univ.

Nakarating na ko sa University at mukang payapa naman ito.

Naglalakad na ko sa may bandang parking lot ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Ezra: Nasan ka na? Dalian mo. Nandito na si sir. Napaaga ang klase natin ngayon dahil may seminar daw sya. Takbooo!!

Putspa naman talaga! Bat ganun?!!! Wala man lang gm o kahit na ano para mainform ako. Ezra naman bakit ngayon mo lang sinabi.

Sa gitna ng pagbabasa ko ng text bigla naman akong nauntog sa isang matigas na bagay!

Tae na yan! Gulong pa ng isang monster truck.

What??!! Paano nagkamonster truck dto?

Wala na kong iba pang narinig kundi maiingay na motor sa aking paligid. Mga naka jacket sila ng black at may logo na rose ang kanilang dibdib..

Hala.. Kikidnapin ba nila ako?

May mga sampung motorbike. Big bike na unaaligid at nagpapaikot ikot sa akin.

"Sino kayo?" Kinakabahang sabi ko

Hindi sila sumagot kaya naman mas lalo akong kinabahan. Parang bula rin na nawala ang mga estudyante na halos kasabay ko lang naglalakad.

Diosko??!!! Ano ito.. Tumigil sila at isa isang bumaba kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na tumakbo ng mabilis.

Naramdaman ko pa na sumagi ang kamay ng isa sa kanila sa braso ko pero siniko ko sya kaya naman napaaray sya at bumitaw

Ilang mura pa ang narinig ko ngunit hindi na ko lumingon pa.

Binilisan ko ang takbo nang marinig ko ang muling pag ugong ng mga motor nila.

Takbo

Takbo

Takbo

  Dalawang building pa..

Putspa..

Taaaakbooo..

Hingal na hingal akong nakarating sa room namin. Pawis na pawis.

Sino kaya sila???

At bakit kaya nila ako hinahabol...

"Since both of you are late.. Kayo ang magkalab partner.." Sabi ni Prof Gene

Huh???

Lab partner..

Both???

Parang umeechoo sa isip ko ang mga sinabi niya..

At dahan dahang lumingon..

Si Al Bren Tan.

Black Jacket. May logo na Rose.

INABOT NG MALAS.

Ms. MapilitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon