HINAYUPAK

10 1 0
                                    

Pag inabot ka talaga ng malas. Siya pa!!! Siya pa!!!

Ayoko nalang pansinin ang lalaki sa tabi ko. Wala naman siyang ginagawa e. Nakatanga. Mukang puyat. Nakakairita siya. Ako nalang ang nagsagot ng nagsagot.

Wala naman siya naitulong kaya hindi ko na nilagay ang pangalan ni Ryuk sa worksheet. Letse sya!

Natapos na ako kaya naman pinasa ko na ang papel. At iniwan siya sa loob ng classroom.

Naglakad ako papunta ng CR nang biglang...

"Bakit ang damot mo?" Seryosong tanong niya

"Anong sinasabi mo?" Inosenteng tanong ko sakanya

"Hindi mo nilagay ang pangalan ko sa worksheet!" Paabog na sabi niya

"Hahahahah. Nagpapatawa ka ba? Bakit di ko gagawin yun e wala ka namang inatupag kundi matulog. Tumunganga. Matulog!" Gigil na sabi ko

"Wala akong paki!" Sigaw niya

"Edi wala!" Sigaw ko pabalik at umalis na sa harap niya..

Lalakad pa sana ko ngunit mabilis niya kong inikot paharap sakanya..

At naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. Amoy na amoy ko ang mabango niya hinga na parang nakakaakit.

Sandali pa ang lumipas.

"Yan nakaganti na ko sayo. Sa susunod na gagawin mo yun, paparusahan na kita"

ang mataas niya nalang na likod ang nakita ko na naglalakad palayo sakin.

Nang matauhan ako..

"HINAYUPAK KANG TARANTADO KA!!!" Gigil na sigaw ko sakanya

Ms. MapilitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon