Natapos na ang lahat ng subject ko para sa araw na ito at sa kagandahang palad e hindi na kami nagkita ng gwapong demonyong iyon.
Ako nga pala si Charlene "Diyosa ng kagandahan" Capili. Chos! Charlene Capili. Elementary Education ang course ko. Actually, transferee ako dito sa Walter University. Lumipat kasi kami ng bahay.
Sumakay nalang ako ng tricycle para makauwi sa amin. Hindi kami mayaman. Sakto lang. Si papa isang architect sa Dubai habang ang mama ko naman ay housewife. May dalawa akong kapatid na lalaki. Si Kuya John Ver ang panganay namin at nasa ibang bansa na sya at doon nagttrabaho habang si kuya Henry naman nagttrabaho sa isang enginerring firm. Simple lang ang buhay namin.
Pinalaki ako ng maayos nila mama. Wala akong bisyo. Hindi ako nagsusugal.. hindi ako umiinom.. hindi ako naninigarilyo.. at hindi ako nagddroga.. Pero madalas para kong nakadroga. Joke lang. Masayahin lang talaga ko. Kung may maipagmamalaki man ako tungkol sa akin ay mahal ko ang pagaaral ko. Kahit na kailan hindi ako nagpabaya o nagpapabaya sa aking pag aaral.
Sabi kasi ni mama yun daw ang isa sa pinakamagandang maipapamana nila ni papa sa akin. Kaya naman sa dati kong pinag aaralang university ay top 1 ako na dean's list sa buong campus. At yun din ang dahilan kung bakit inis na inis ako sa mga estudyanteng pabaya at tatamad tamad katulad nalang ng Al Bren na yun.. Tamad.. Pilyo.. Nakakabwiset.. mabango. matangkad.. at gwapo...
What??? erase erase..
Papasok na nga ako sa bahay namin. :))
Nothing eventful happen. Aral. aral. Kain then Aral aral.. Ginawa ko yung ibang homework ko. Kaso epal na printer yan.
" Ma .. Sira na naman yun printeeeer!!!" sigaw ko kay mama na nasa sala at nanonood ng Unforgettable love..
" Magpaprint ka nalang bukas sa school.." sigaw niya pabalik..
At Ganun na nga ang nangyare. Inabot ng malas.. tatlong kanto lang layo ng computer shop sa university.. After ng physics class ko ang literature class kaya naman sa vacat ko lang before physics class naipaprint..
LANGYA! Naloko na. Nandito palang ako sa ikalawang kanto. Kanina. Todo Lipstick at pulbos ako. Ngayon lusaw na. Muka na kong basang sisiw sa itsura ko. Kanina nakakulot ang buhok ko. akalain mo yun. Naging straight.
Takbo lakad na ang ginawa ko para makaabot sa klase.
Juice Colored.. Itsura at amoy palang.. Nakakahiya na ko.
Pumasok parin ako sa klase. At nag sorry kay Prof Gene. Mabuti nalang at hindi nya ko pinahiya o pinagalitan.
Naglakad ako papunta sa pwesto ko kahapon. Nandun ang demonyo. binigyan nya ko ng isang NGITING WAGI.
Abat maganda ata ang araw nya.
"Mukang malayo ang nilakad mo" Sabi niya pagkaupo ko. Himala. mabait sya.. Nasapian ata
"Nagpaprint kasi ako para sa Lit Class. " tahimik na sabi ko dahil nagddiscuss na si Prof
"Ahh ganun ba.. hmm eto oh.. gamitin mo na" sabi nya at inabot sakin ang kulay itim nya na panyo na may tahi ng kanyang initials.
HUWAW!!! Sya ba ito??!!!
tinitigan ko muna sya pero muka naman syang sincere
"Sige na tanggapin mo na.. " alok ni Al
Kinuha ko ito at pinunas sa muka ko. Isinauli ko sa kanya at ngumiti pabalik.
Mabait naman pala sya. Nagkamali ako at hinusgahan ko ang pagkatao nya.
"Ms. Capili"
Naagaw ang atensyon ko ng tawagin ni Prof ang aking apelido para sagutan ang nasa blackboard.
Parang sira naman si Prof. Bat ganun itsura nya. Parang natatae.
Naglakad ako papunta sa harap. Pati mga classmates ko. Parang nakakita ng multo.. Ano bang meron..
hindi naman mahirap yun problem sa board..
Hindi ko pinansin ngunit biglang nagtawanan ang mga classmates ko.
Bakit kaya???!!
Nang matapos ako
"Ms Capili.. wo- would you like to.. No.. Hindi... Please go to the rest room now. " seryosong sabi ni Prof Gene
Nagtataka pa ko nun una.. Ngunit seryosong inulit nya yung sinabi nya kaya naman.. Nagpunta na ko..
lahat ng tao sa hallway at unti unting nahahawi sa pagdaan ko .. yun iba natatawa na halos hindi na makahinga.. At sumisigaw ng taong grasa..
Sinubukan kong hawakan ang muka ko..
unti unti kong tinignan ang daliring pinangpahid ko dito..
DIOOOOOSKOOOO!! LUPA BUMUKA KA AT KAININ MO AKO.. NGAYON NA..
Takbo
takbo
takbo
Pumasok ako sa CR at doon ko nakita ang multo ng nakaraan. Walang hiyang Al Bren yan! Puro grasa ang muka ko.. At may nakadikit pa sa likuran ko
TAONG GRASA AKO
BY. MASTER AL BREN TAN
BINABASA MO ANG
Ms. Mapilit
RomanceNagmahal ka na ba? Malamang, Oo ang pagmamahal kusang ibinibgay pero paano nga ba magmamahal ng sapilitan Pwede kayang mahalin ka rin nya ng totoo O lilipas nalang ang lahat dahil PINILIT MO LANG SYA