Bwiset na Al Bren yun. Nawalan na ko ng ganang pumasok kahapon dahil sa kanya. At buti nalang wala si mama kahapon kaya hindi niya nakita na umiyak ako.
At ngayooooon!!! Hahahaha gaganti ako. Humanda kang kurimaw ka. Bukas... Magkakabasagan na!!
Kinabukasan..
Lahat sila natatawa at nakatingin sakin. Yun iba sumisigaw pa ng "Taong Graso Approaching"
Kung pwede lang ako mag Kagebunshin technique para mapektusan silang lahat.
Pero sige lang magdiwang kayo mga aswang.. Mamaya sa akin ang huling halakhak..
Dumaan ang ilang oras ng class ko. At nang marinig ko na ang TAMIS NA SALITA "Class Dismissed" mula sa Prof ko nagmamadali akong lumabas ng classroom
At eto na ang malagim na pangyayari.
Hinanap ko ang mga janitor sa school. Pumunta ako sa kanilang quarters.
"Manong.. pwede po bang humingi ng tulong..?" mahinang sabi ko sa janitor
"ano ba iyon hija?" sabi ng matandang janitor habang umiinom ng kape kasama ang iba pa
"Pasuyo naman po sana nito." sabi ko at iniabot ang tarpulin na hawak ko. "Para po kasi yan sa pa. audition namin sa dance club" paliwanag ki
"Ganun ba? Saan ba namin ito ilalagay?" Tanong pa ng isang janitor
"Sa Main Building lang po." sagot ko naman
"Sige. tatapusin lang namin ang mga kape namin. Madali lang naman ikabit yan dahil may terrace sa 2nd floor ng main building.. " paliwanag nya
"Ahh cge hihintayin ko nalang po kayo.. Kailangan po kasi ako po ang magaalis ng cover. Kailangan ko lang po talaga ng magsasabit. "
At nangyari ang dapat mangyari. HAHAHAHA!
Isinabit na nila ang tarpulin.. Pero syempre nagpasalamat at pinaalis ko na sila bago ko tanggalin ang itim na tela na cover ng tarpulin.
Dumiretso ko sa Cafeteria para kumain pagkatapos ko maisawaga ang maitim kong balak.
Habang nageenjoy ako bigla nalang may sumigaw sa loob ng cafeteria..
"MAY SCANDAL SA MAIN BUILDING." sigaw ng isang lalaki
Nagtakbuhan lahat ng mga usi palabas. Alam ko naman na kung ano ang nandon kaya hindi na ko lumabas at tahimik nalang na kumain habang nagbabasa para sa Lit Class.
Ano ang nilagay ko doon?? hahaha gusto niyo malaman noh.. Okay cge cge..
Inedit ko ang LATEST COVER ng FHM. PLAYBOY at MAXIM at inilagay doon ang muka ng AL BREN TAN na yan.
Bwahahahahhahahah!!
Nasira ang imagination ko ng may umupo sa harapan ko.
"Hi." mahinang sabi ni ng isang babae sa harap ko. Alam ko kaklase ko sa Physics.
"H-hi. May maitutulong ba ko sayo?" tanong ko sakanya
"Ako nga pala si Ezra. Ezra Marasigan. Gusto ko lang makipagkaibigan" nakangiting sabi niya
"Kaklase kita sa Physics" Sabi niya
Tumango na lamang ako. Nakakahiya kasi. Nagtagal pa ang aming pag uusap. At napagkasunduan namin na sabay na kaming pumunta sa klase. Malakas ang pag uusap ng mga estudyante sa hallway. Siguro dahil parin sa kababalaghan ko. Mabuti nalang at malinis ako trumabaho. Tska ko na aalalahanin yun.Mukang wala pa naman akong nararamdaman na kaba. Parang wala namang pakialam ang mga school officials..
Tumabi na ko kay Ezra buong klase.. At napakadaldal nya. Marami syang naikwento at nalaman ko rin na sya pala ang SA President dito.
"Alam ko na ikaw ang may gawa nun." bulong ni Ezra
"A-ano si-sinasabi mo?" kinabahan naman ako sa kanya
"Wag ka na magkaila." natatawang sabi niya. "Hindi naman ako magsasalita at wala namang papansin dahil sa loob ng mahabang panahon walang kumakalaban kay saTAN." pabulong na sabi niya
Natawa naman ako saTAN.
"Ganun talaga si Tan. Basta sa Pag ibig.. ang tao kahit anong talino.. nagiging bobo" matamang sabi niya
Namilog ang mata ko sa HUGOT LINE nya.
"Basta. tska ko nalang ikkwento.. Tutal mukang bumalik na sya." sabi ni Ezra
Nalaman ko na Education Major in Math pala itong si Al Bren. Lasong kaya sya nun pinili niya ah course nya. Siya magiging teacher??!! E napakatamad niya.. Bully at nakakabwiset.
Nakakapagtaka at wala si Al Bren sa klase..
Wala na kaming napag usapan ni Ezra bukod sa pagmemerienda pagtapos ng Lit Class. English Major pala si Ezra.
Natapos na ang klase at sabay na kaming lumabas ng room.
Nagulat nalang ako ng may biglang humatak sa akin.
"A-anong ginagawa mo???!!! Bi-bitiwan mo ko... " Sigaw ko sa nagbalik ka na Demonyo..
Rinig na rinig ko pa ang tawag ni Ezra na nasa pintuan. Kitang kita ko kung paano ng naghintuan ang mga estudyante para manood sa amin
Kinuha ko lahat ng lakas ko at kinagat ko ang kamay ng unggoy na humila sa akin.
"WHAT.. THE FUCK?!!" sigaw niya
"SINABI KO SAYO DI BA BITIWAN MO KO! Gusto mo pa nasasaktan bago mo ginagawa?!" sigaw ko pabalik.
Pinapalibutan kami ng mga estudyante para manood
"wala kang pakialam. Alam ko ikaw ang naglagay ng tarpulin sa Main Building." matamang sabi niya
"Ohh talaga? Ngayon?" mataray na sabi ko
"ANONG SABI MO?!! Ang yabang mong babae ka ha" sabi niya ay kinuwelyuhan ako at umambang susuntukin
"Al Bren" Sabi ng isang matining na boses ng babae
Papalapit sya at lahat nahawi sa dinadaanan niya.
Ang ganda niya. Maliit lang sya, maputi, mahabang buhok, may mapululang labi at singkit na mata.
"Tumigil ka na. Halika na dito." mahinahong sabi niya
Unti unting nagbago ang ekspresyon ng muka ni Al Bren at dahan dahan akong binitawan.
"May araw ka rin" bulong niya sakin
At lumakad na papalapit sa babaeng mukang anghel na naghihintay sa kanila.
"Pasensya na kayo. Sige na. Bumalik na kayo sa mga klase niyo." nahihiyang sabi niya at isa isa ng umalis ang mga estudyante.
Pinapanood ko lang silang dalawa habang magkaakbay na naglalakd sa hallway
Agad naman akong nilapitan ni Ezra
"Girl, okay ka lang ba? " nagaalalang tanong niya
"O-oo naman..ako pa.. Si- sino sya?" tanong ko kay Ezra
"Si.. Anna Gallardo.. Ang Tranquilizer ni Al Bren"
BINABASA MO ANG
Ms. Mapilit
RomansaNagmahal ka na ba? Malamang, Oo ang pagmamahal kusang ibinibgay pero paano nga ba magmamahal ng sapilitan Pwede kayang mahalin ka rin nya ng totoo O lilipas nalang ang lahat dahil PINILIT MO LANG SYA